SNAMMAI 32

41 4 0
                                    

Takang taka si Steven sa kung sino ang tumawag kay Rylie.

Wala kasing pangalan na naka register sa cellphone nito.

"anong i love you ang pinagsasabi mo? love youhin mo mukha mo! Sino ba to ha?!" si Steven na tila naalibadbaran sa kanyang narinig.

"Reya, please, (gwaaark!), i. . . I. . . Need you. . ." si Brix na may pagkabangag at nasusuka suka pa.

"alam mo pre kung lasing ka, buti pa itulog mo na lang yan, wag mo ng idamay pa si Rylie!" si Steven at agad pinindot ang end call.

"teka, yung kuya pala ni Dianne yun? Ganun ba talaga yun pag nalalasing? Anong tingin niya kay Rylie caretaker ng mga taong lasing?" si Steven ng mabosesan si Brix sabay off ng cellphone ni Rylie.

Matapos noon ay agad na din siyang pumasok sa kwarto para magpahinga kasama si Rylie.

Samantala...

Pinipilit pa ding tinatawagan ng lasing na lasing na si Brix si Rylie ngunit nakapatay na ang cellphone nito.

Sa pagkainis ay binato nalang ni Brix ang cellphone niya.

Pinilit nalang niyang pumunta sa kwarto niya pero sa sobrang hilo eh bumagsak siya sa sahig at nagsuka.

Gwaaark!!

"Reya!!!. . . . Kailangan kita sa tabi ko. . . Nasaan ka ba?!! . ." si Brix at sa sobrang kalasingan ay nakatulog na siya sa sahig na kinabagsakan niya.

************

"i cant believe that Cecilia! biruin mo napakatagal na niya pala kaming niloloko ng anak kong si Shiro?! Susugudin ko yang babae na yan! makikita niya!" si madam Yumi na galit na galit sa kanyang balitang natangap.

"mama, huminahon ka, hindi dapat tayo padalos dalos, uunti untiin natin ang pagbagsak niya hangang si Shiro na mismo ang magbabalik sa putik na pinanggalingan niya" si Veronica na may planong naiisip.

"eto lang ang masasabi ko Veronica, hindi lang si Shiro ang magbabalik sa kanya sa putikan, pati ako, at di lang sa putikan kundi pati sa impyerno kung san siya nababagay!" si Yumi.

"that's more i like it mama, sinisiguro ko sa inyo, kaunting panahon na lang, mapapabagsak natin yan si Cecilia" si Veronica at sabay silang nagtawanan.

**********

Nagising naman si Rylie sa bigat na kanyang nararamdaman sa pagkakayakap at pagkakadantay sa kanya ni Steven.

'grabe, gawin ba akong unan? Ang likot talagang matulog nito ni Steven, lumagpas na sa boundary ng higaan namin eh, teka, anong oras na ba?" sa isip ni Rylie at agad tumingin sa orasan.

"kaunting oras nalang pala at malapit ng mag umaga, buti pa ay magluto na ako at kelangan maaga sa first day ng training" si Rylie at dahan-dahan kumakalas sa pagkakayakap at sa pagkakadantay sa kanya ni Steven.

Ngunit, ng makakakalas na siya eh nagulat siya ng biglang yakapin siya ulit pabalik ni Steven sa kutson at mas hinigpitan pa ang pag akap nito.

"Steven? Kelangan ko ng magluto. . ." si Rylie na pilit kumakalas kay Steven pero hindi ito nagpatinag at mas lalo pang hinigpitan ang kanyang braso palibot sa katawan ni Rylie.

"five minutes. . . Maaga pa. . ." maigsing tugon ni Steven na nananatili pa ding nakapikit ang mga mata at tila natutulog pero gising ito ng bahagya.

Wala naman magawa si Rylie kundi pagbigyan si Steven, kaya dinama nalang niya ang yakap nito sa kanya.

'masarap din pala sa pakiramdam' sa isip isip ni Rylie at unti unti niyang pinikit ang kanyang mga mata at dinama ang init ng katawan ni Steven at ang mainit na paghinga nito na tumatama sa kanyang leeg.

Sapat na ang minsan mo akong inangkinWhere stories live. Discover now