SNAMMAI 24

35 4 0
                                    


Narating naman nina Felix at Steven ang bahay ni madam Ursula ayon sa sketch na binigay ni Fatty.

"yan na siguro yung bahay ni madam ursula" si Felix na tinatanaw ang malaking bahay habang hawak ang sketch na binigay ni Fatty.

"siguro nga pre, yan yung nakalagay sa sketch eh, buti pa ibigay na natin itong envelope para makauwi na tayo at makapagpahinga" si Steven at agad nilang napagpasyahan na pindutin ang doorbell sa gate.

Di naman nagtagal at pinagbuksan sila ng gate ng guwardiya at tinugon sa kailangan nila.

"sir, magandang umaga, dito po ba nakatira si madam Ursula?" tanong ni Felix habang namamangha sa laki ng bahay.

"kayo ba yung pinadala ni Fatty? sige pasok kayo, inaantay na ni madam ang mga papeles na iyan" tugon ng gwardya at agad naman pumasok sina Felix at Steven.

Talagang manghang mangha sina Steven sa laki ng bahay ni madam Ursula, halos pwede na itong ihambing sa isang mansyon.

"pre, grabe, biruin mo, napakayaman pala ng amo natin, magpakita lang talaga ng motibo saken yun papatusin ko na, ora mismo!" si Felix na pinag interesan pa ang fountain.

"hay nako pre, ayan ka nanaman, halika na nga dito baka makapinsala ka pa at ikaltas pa sa sasahurin mo" pagsaway ni Steven kay Felix.

Pagkapasok sa bahay ay agad silang sinalubong ng isang lalaki na tila katulong sa baha na iyon.

"magandang umaga sa inyo, maupo kayo, pababa na si madam, ikukuha ko lang kayo ng maiinom at makakain" saad nito.

Pagkaalis ng lalaki ay gumana nanaman ang kalikutan ni Felix at siniyasat muli ang paligid.

"ganda talaga dito pre, wow, tignan mo, ang ganda ng babae sa larawan, sino kaya to?" si Felix na titig na titig sa larawan ng isang magandang babae.

"ako yan" si madam Ursula na biglang dumating at ikinagulat naman nila Felix at Steven.

Agad naman din napatayo si Steven sa kinauupuan nito pagdating ni madam Ursula at agad nila itong binati.

"magandang umaga po madam"

"sige, maupo na kayo, litrato ko yan 20 years ago, i'm sure hindi kayo agad maniniwala na ako yan, pero hindi pa naman nalalayo sa itsura ko ngayon hindi ba? Di pa naman ako ganoon katanda" salaysay ni Ursula na nangingiti habang tinitignan ang kanyang larawan.

"uhm, madam, eto na po pala yung pinapadala ni ma'm Fatty, naiwan niyo daw po ang mahalagang papeles na ito" si Steven at agad iniabot ang envelope na naglalaman ng mga papeles.

Agad naman itong inabot ni Ursula ngunit sinadya din niya na hawakan ang kamay ni Steven sa pag abot nito.

Agad nagulat si Steven at agad siyang kumalas sa hawak sa kanya ni Ursula
At inalapag na lamang niya ang papeles sa lamesa.

"madam, sige po, alis na po kame" paalam ni Steven dahil hindi nanaman naging komportable ang kanyang pakiramdam sa pagpapahiwatig ng madam.

Agad naman bumulong si Felix.

"pre naman, bumogchi muna tayo, tomguts na ako, antayin na natin yung pagkain" si Felix.

"pre, anu ka ba, bumili na lang tayo ng makakain habang papauwi" pabulong na tugon ni Steven.

Ngunit pinigilan din sila ni madam Ursula.

"bakit mukhang nagmamadali ata kayo? Lalo ka na Steven, mabuti pa ay kumain muna kayo, tapos kung gusto niyo ay pwede din kayong magpahinga dito, alam ko naman na pagod na kayo galing ng trabaho" pag alok no Ursula habang sinisipat si Steven mula ulo hanggang paa.

Sapat na ang minsan mo akong inangkinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora