SNAMMAI 22

41 3 0
                                    

Maagang nakarating si Steven sa restaurant na pinag usapan nila ni Dianne.

Kinakabahan siya dahil sa ngayon lang siya nakapunta sa ganoong kasosyal na restaurant.

Simple lang kasi ang kanyang suot na polo at maong pero lumilitaw pa rin naman ang kanyang kagwapuhan at kakisigan.

Di naman nagtagal at dumating na si Dianne.

Talaga namang sumasabog ito sa ganda lalo na sa kanyang simple black with touch of red dress with the match of color maroon lipstick at syempre sobrang sabik ito na masilayang muli si Steven.

Natulala man si Steven sa angking ganda ni Dianne ay agad pa din itong tumayo upang alalayan si Dianne sa pag upo nito.

"thanks, your such a gentleman, pasensya ka na ha, medyo natagalan ako, kanina ka pa ba?" si Dianne habang inaayos ang kanyang sarili sa pag upo.

"hindi naman po, medyo kakadating lang po ng kaunti, grabe pasensya na po, hindi kasi ako sanay sa ganitong kasosyal na restaurant" si Steven na agad ding umupo at napapakamot nalang sa kanyang ulo.

"sus, okay lang yun, wag mong isipin yan, tsaka infairness, lalo ka pang gumwapo" si Dianne sabay bitiw ng matamis niyang ngiti.

Namula naman si Steven sa sinabi ni Dianne at talagang nakaramdam ito ng hiya.

Agad naman tinawag ni Dianne ang waiter para mag order ng kanilang special dish for the day.

"nga pala, salamat talaga ulit bout the last time, and dont worry di ko pa din naman nakakalimutan yung ipinangako ko na tutulungan kita sa paghahanap sa kaibigan mo" si Dianne.

"salamat po ma'm Dianne, tungkol po pala sa bagay na iyon, yung hinahanap ko pong kaibigan ay malaki ang pagkakahawig kay ms.Reya, hindi ba po girlfriend siya ng kuya mo?" taning ni Steven na medyo nahihiya.

"yup, teka, si Reya ba ang hinahanap mong nawawalang kaibigan? Babae pala yung nawawala mong kaibigan?" tugon ni Dianne na medyo nagulat sa sinabi ni Steven.

"ah hindi po, kasi po baka maaaring siya po yung kakambal ng hinahanap kong kaibigan" paliwanag ni Steven.

"ah, may kakambal pala yung kaibigan mo?" nasabi ni Dianne at napaisip ng malalim.

'teka lang, kung kamukha ni Reya ang hinahanap ni Steven, tapos si Reya ay si Rylie. . .' napahinto si Dianne ng maisip ang sinabi ni Rylie sa kanya tungkol sa nawawala nitong kakambal.

'di kaya, may alam itong si Steven sa kambal na kapatid ni Rylie? may kuneksyon kaya siya kay Rylie?' dagdag pa sa isipan ni Dianne.

*************

Pagkaalis pa lang ni Brix ng kanyang condo patungo sa photo shoot nito ay agad naglinis si Rylie at nag laba ng ilang labahin.

Di nagtagal at nagulat nalang si Rylie ng biglang may magdoorbell.

"naku sinu naman kaya iyon? Kabilin bilinan pa naman ni sir Brix na wag akong magpapasok ng basta basta" nasabi nalang ni Rylie habang inaayos ang sarili at agad tinungo ang pintuan.

Nagulat nalang ito sa kanyang nakita na di inaasahang panauhin at agad niya itong ipinagbukas ng pinto.

"who the hell are you!? What are you doing here at Brix c0ndo?!" pagtataray na salubong ni Vanessa kay Rylie.
.
"good afternoon po, uhm, kasambahay po ako ni sir Brix, dinala niya po ako dito para sa mga gawaing bahay" paliwanag ni Rylie na nagulat talaga sa pagdating ni Vanessa.

Siniyasat naman ng maigi ni Vanessa ang mukha ni Rylie dahil sa may naalala itong kamukha nito.

"wait a minute! nagkita na ba tayo before? Para kasing may kahawig ka?" pagpansin ni Vanessa.

Sapat na ang minsan mo akong inangkinOnde histórias criam vida. Descubra agora