SNAMMAI 34

40 5 0
                                    

Tila di naman makapaniwala si Martha ng makita niya si Rylie sa lugar na iyon.

"Rylie? anong ginagawa ng hampas lupang kagaya mo sa lugar na ito?" si Martha na napaatras sa pagkakakita niya kay Rylie.

"tsang, buti nalang po at nakita ko kayo, parang awa niyo na po, kayo lang po ang nakakaalam kung nasan ang kakambal ko, sabihin niyo na po sa akin kung kanino niyo po siya pinaampon" pagmamakaawa ni Rylie.

"pwede ba!? Lumayo ka sakin! kahit maglupasay ka diyan ay wala kang makukuhang sagot sakin! at kung sa inaakala mong nakalimutan ko na ang kamalasan na dinala mo sa pamilya ko? pwes! Nagkakamali ka!" si Martha na talagang pinagtulakan si Rylie palayo sa kanya.

"pero tiya Martha, kailangan ko pong makita ang kambal ko, gusto kong makilala man lang siya, siya na lang ang pamilya na makikilala ko" si Rylie na pilit pa din na nagmamakaawa.

"bitiwan mo sabi ako eh! (tinulak muli si Rylie palayo sa kanya) Kahit magmakaawa ka diyan ay wala akong pakielam sayo! isa kalang buwiset na dumating sa buhay ko!" si Martha at pinagsisipa pa si Rylie palayo sa kanya.

Sakto naman at dumating si Dianne at nakita niya ang pangyayari.

"hoy! (itinulak ni Dianne palayo si Martha) bakit mo ba sinasaktan si Rylie? Ano bang ginawa niya sayo?" pagtangol ni Dianne.

"teka, magkakilala kayo?" mas lalong ikinagulat ni Martha.

"eh ano naman sayo kung magkakilala kami? Teka, ikaw yung babaeng naghahanap kay mama noon hindi ba?" pagtataka ni Dianne.

'bwiset! Kahit kailan talaga eh kamalasan nalang ang binibigay nitong si Rylie sa buhay ko!' sa isip ni Martha ng hindi niya malaman ang kanyang gagawin.

"makaalis na nga dito!" si Martha at dali daling nilisan ang lugar ang lugar na iyon.

"tyang! Sandali!" si Rylie ngunit di na siya pinansin pa ni Martha.

"Rylie, tama na, baka lalo ka lang saktan ng baliw na yun, teka, magkakilala kayo nun? ang mabuti pa sabihin mo nalang sa akin lahat dun sa loob ng bahay" si Dianne at agad na silang pumasok sa loob ni Rylie.

Pagkapasok nila sa loob ng mansyon ay agad silang sinalubong ni manang.

"oh my, Rylie? Is that really you? Namiss kita ng bonggang bongga, ikaw talaga, wala na tuloy akong kachikahan sa kusina tuwing umaga" bungad ni manang na agad niyakap si Rylie.

"namiss ko din po kayo manang, di bale po pag may oras ako, pwede pa naman po tayong mag chikahan" masayang tugon ni Rylie.

"you said that ha? I will asa asa on that" tugon ni Manang na ikinatawa nalang nilang tatlo.

"siya nga pala manang luto na ba yung pagkain?" tanong ni Dianne.

"ay! yes ma'm Dianne, actually maghahain na nga pala ako at gutom na din sila ma'm Luisita at sir Marcelo" si manang at biglang nagmadali para maghain sa hapagkainan.

"si manang talaga, o Rylie sumabay ka na samin kumain tapos sabihin mo na din sakin kung ano ba yung nangyari sa labas kanina" si Dianne at inaya si Rylie papunta sa hapagkainan.

"naku Dianne nakakahiya naman po kung sasabay ako sa inyo sa pagkain" pagkahiya ni Rylie.

"ano ka ba Rylie, para ka naman others, hindi ka na iba dito sa amin okay? tsaka, sis nalang ang itawag mo sakin, tutal para naman na din tayong magkapatid diba?" si Dianne na ikinangiti naman ni Rylie

"hehe, sige po. . . Sis" tugon ni Rylie.

Di naman nagtagal at kinwento na ni Rylie kay Dianne ang tungkol sa nangyari kanina at di naman nagtagal ay dumating sina Marcelo at Luisita sa hapagkainan.

Sapat na ang minsan mo akong inangkinTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang