CHAPTER 12 - Ang Pagtatapos

272 12 0
                                    

CHAPTER 12 (ANG PAGTATAPOS)

Natigil ang halimaw sa kakaibang naramdaman, at inilagay ang ulo ni Gilbert sa lamesa kung saan ay itinabi niya sa ulo ni Abel.

Nanginginig ang tatlo habang nakasilip sa ilang maliliit na butas ng pintuan ng kwarto. Labis na awa ang kanilang naramdaman nang masilayan ang ulo ni Gilbert. Saglit pa'y tinungo ng lalaki ang nakasaradong kwarto, at binuksan. Sinilip pero walang tao, kaya't naging panatag ang loob niya at tuluyang lumabas. Samantalang iniwan naman ang palakol na iyon...

Kasunod namang bumukas ang isang aparador kung saan sila'y nagsiksikan. Sinilip muna nila kung tuluyan nang nakaalis. Saka palang sila tuluyang nakahinga nang maluwag.

"Paano na ba 'yan? Lahat na yata tayo rito ay mamamatay!!!" daing ng takot na takot na si Jun.

Nag-iisip naman nang malalim ang dalawa.

"Ben, Marco... natatakot ako. Baka mamaya, ako na ang sumunod, kaya't umalis na tayo rito!" ang nanginginig na si Jun.

"Wala tayong tatakasan sa kanya! Mapapatay at mapapatay pa din niya tayo," pahayag ni Ben.

"Lalaban tayo! At handa na akong sumonod sa kanila!" wika ng galit na galit na si Marco.

Nagkatitigan si Ben at Marco, at isinulyap ng dalawa ang mga mata kay Jun na ito naman ay pumikit na nagpapahiwatig ng hindi niya pagsang-ayon o kaya'y bahala na.

Nilapitan ni Ben si Marco, at inabot ang kanang kamay. Idinugtong naman ito ni Marco, habang si Jun ay saglit pang nakatitig sa dalawang palad na iyon. Wariy pinag-iisipan kung sasang-ayon siya sa mga ito. Maya-maya pa'y pikit-matang iniabot ni Jun ang sa kanya. Tuloy ang laban!

Nag-set sila ng plano sa pamumuno ni Marco. Kinuha ni Marco ang palakol para sa kanyang sarili. May natagpuang malaking tubo naman ng bakal si Jun na gagamitin naman niyang pamalo sa halimaw. Habang mahigpit na pinanghahawakan ni Ben ang kalibre 45. Ang nais ni Marco ay mapaligiran nila ang halimaw upang malito ito sa kanila, at nakahanda na nga ang plano.

Maya-maya pa'y dumating ang halimaw.

Naramdaman nila ang malakas nitong lundag sa bangin. Sabay ng alulong nito sa kabilugan ng buwan.

Humarap sa pintuan at tinitigan.

Kasunod nito ang biglang pagbabago ng anyo nito.

Tinungo ang pintuan at itinulak nang malakas dahil sa pag-aakalang sila ay nandito. Dahil hindi niya sila natagpuan sa kubo at paligid, humakbang ng dalawang beses papasok at nagsara ang pinto. Mabilis na tinitigan ang kinaroroonan ng kuwarto, kasunod nito ang kaniyang pag-ilag. Pahakbang pakaliwa mula sa palakol na isinunggab ni Marco sa kanya. Mula sa kanyang likuran, kasunod na sinangga ang muling pagsunggab sa kanya ni Marco sa tagiliran at nag-agawan sila ni Marco sa palakol na iyon. Nagpa-ikot-ikot sila. Magkapareho ng laki ng katawan, at magkatulad ng lakas.

Bumukas ang pinto ng kuwarto at mabilis na lumabas agad si Jun upang paluin ang halimaw. Habang si Ben naman ay tutok na tutok ang kalibre sa halimaw. Ngunit 'di makatiyempo ang dalawa.

Si Ben ay 'di makaputok dahil sa baka ang matamaan ay si Marco, at si Jun ay kumukuha ng magandang tiyempo.

Habang naglalaban ang dalawa ay napansin ng lalaki ang iba pang dalawa sa paligid niya. Hanggang sa tuluyang maiputok ni Ben ang kalibre!

Natamaan ang lalaki sa braso pero bago pa man tuluyang matumba ay naabot nito ang ulo ni Gilbert at buong lakas na inihagis sa baril na iyon.

Tumama ang ulo sa baril na naging dahilan upang tumilapon ang kalibre sa may kisame sa loob ng bahay at sumabit ito.

Mabilis na nilapitan ni Marco ang halimaw at itinaas ang palakol upang biyakin ang ulo nito, pero bigla itong naging mabangis!

Na-shock bigla si Marco, at nilundagan siya ng halimaw na iyon.

Muli silang nagpa-ikot-ikot habang si Marco ay pigil-pigil ang bunganga ng halimaw upang 'di siya tuluyang makagat at lapain ng buo.

Nasa ilalim si Marco nang mga sandaling ito, habang si Ben ay hinahanapan ng paraan kung paano makukuha ang baril sa itaas.

Lumapit si Jun, at buong lakas na pinalo sa ulo ang halimaw na naging dahilan upang matigil sa ginagawa.

Tumingala ito sa taas at umalulong na tila nagpapahiwatig na ito ay nasaktan. Ibinaling niya ang atensyon kay Jun, at unti-unting lumalapit. Habang si Jun naman ay takot na takot na umaatras.

Kasabay ng paglundag ng halimaw kay Jun, ay bigla itong nahulog dahil sa pagkakatama ng muling putok ni Ben sa halimaw.

'Di na nito naabot si Jun at natamaan ito sa ulo. Nilapitan ni Ben at Jun habang nakahiga pa rin ang napuruhang si Marco. Naghihingalo na ang halimaw.

Itinutok ni Ben ang kalibre sa ulo nito pero bigla itong naging tao, na naging dahilan upang magkaroon ng awa si Ben dito. Total, naghihingalo na ito at mamamatay na.

Maya-maya'y tumigil nga sa paghinga...

Nilapitan nila si Marco, at inakay nila patayo.

Lumabas sila habang akay-akay ng dalawa si Marco. Naakyat nila ang taas mula sa bangin. Kasunod nito ang pagkakarinig ng malakas na ungol habang papalapit ang galit na galit na halimaw. Humarap sila sa likuran, at lumundag ng napakalakas ang halimaw habang nakanganga upang tuluyang kagatin ang tatlo.

Kasunod nito ang mabilis at malakas na tulak ni Marco sa dalawang kaibigan sa tagiliran, at agad-agad kinapa ang magkabilang bulsa...

Inilabas ang dalawang granada at mabilis na tumalon sa bangin na isinalubong ang dalawang kamay sa nakangangang halimaw... at tuluyan ngang nakagat ng halimaw ang kaniyang mga kamay pero bago pa maputol iyon ay natanggal na niya ang lock ng granada!

BBOOOONNGGGGG!!!

Sabog ang ulo ng halimaw, at sabog din ang katawan ni Marco!

~~~

Umuwi ang magkaibigang si Ben at Jun na lumuluha, at natagpuan rin nila ang bangka sa 'di kalayuan.

"Mas mabuti na rin siguro ito, kaya kami siguro ang nakatadhanang dumating dito ay upang tuluyan naming maitigil ang kasamaan ng halimaw na ito," ang nasa isip-isip ni Ben.

"Atleast, wala ng mabibiktima na mapapadpad dito," ang nasa isip-isip naman ni Jun.

"Abel, Tony, Gilbert, at Marco... kailanman... hindi namin kayo malilimutan. Wala na nga kayo, pero mananatiling buhay sa amin ang inyong alaala at ang ating masasayang pinagsamahan," ang magkasabay na nasa isip ni Ben at Jun habang papalayo sila at nakatanaw sa nililisan nilang isla...

WAKAS.

Salamat sa pagbabasa

Written start : August 11 2012

Written End : August 19 2012

MOONSTER ISLANDWhere stories live. Discover now