CHAPTER 10 - Rebelasyon

172 9 0
                                    

CHAPTER 10

Malalim ang iniisip ni Ben pagkatapos niyang matuklasan iyon.

Maya-maya'y napansin ito ni Marco at tumabi sa kanya.

"Pare, okay ka lang?" tanong ni Marco.

"May masama akong kutob sa lalaking iyon," pahayag ni Ben.

"Bakit naman?" tanong ulit ni Marco.

"Pare, may natagpuan akong bungo ng tao, sa may likuran ng kubo," paliwanag niya.

"Huhh? Talaga?!" Ang 'di makapaniwalang si Marco.

Napaharap naman si Jun sa kanila sa narinig, mula sa pagkakadungaw sa bintana.

"Ben, baka 'yan 'yung bungo ng binatilyong napadpad dito, at diyan siya inilibing 'tapos baka nahukay ng hayop," pangongontra ng ayaw maniwalang si Jun.

"Pare, isipin n'yo, sinabi niya kagabi na dalawang beses lang siyang pumupunta dito sa isang taon. Sa bakuran ding iyon, may natagpuan akong mga pananim. So, hindi tutubo iyon nang maayos kung walang nag-aalaga." Patuloy namang nakikinig ang dalawa, "at napaka-obvious pa, hindi siya makalakad nang maayos," pahayag ni Ben.

"Ano naman ang obvious doon?" tanong ni Jun.

"Pare, hindi ba't nabaril ni Tony sa hita ang halimaw?" patuloy ni Ben.

"Tama nga," ang bulalas ni Marco.

"Nasaan pala si Gilbert?" tanong ni Ben.

"Nakita ko siyang sumama sa lalaking iyon habang dala ang palakol niya, doon sila tumungo!" turo pa ni Jun.

Sa narinig ni Ben ay agad-gad bumaba upang tunguhin iyon na habol-habol naman siya ng dalawa. Hinanap nila ito habang tinatawagan nila.

"Gilbert!" paulit-ulit na tawag nila, hanggang sa marating nila ang isang hangganan.

Bumungad sa kanila ang maliit na bangin na sa taas naman nito ay may malaking puno ng acacia. Tumalon si Marco dahil 'di rin naman kataasan upang alamin ang buong paligid. Paninigurado lamang niya iyon, samantalang patuloy sa pagtawag ang dalawa pa sa 'di kalayuan.

Bumungad kay Marco sa may paanan ng acaciang iyon ang isang pintuan. Tila ba ito ay maliit na tahanan, ngunit ang pintuan ay isang bakal. Nilapitan niya ito upang pakiramdaman. May ilaw na kulay dilaw sa may looban na naaaninag sa paligid ng pintuan. Takipsilim na kasi nang mga sandaling iyon.

May gasera sa loob, maya-maya'y dumating ulit si Ben sa taas niya.

"Oh, Marco, ano?" tanong nito.

"Sssshhhh," signal ni Marco na 'wag itong maingay.

Nahalata naman ni ben na may kakaiba sa harapan nito. Pinuntahan muna ni Ben si Jun upang magkasamang bumaba kay Marco. Saglit namang hinintay ni Marco ang dalawa habang nakikiramdam, hanggang sa dumating sa kanya ang dalawa.

"May tirahan sa loob?" pagtatakang tanong ni Ben, at itinulak ito ni Marco at napagtanto niya sa sarili na walang tao, at hindi naman iyon naka-lock. Hindi malinaw sa kanila ang looban, kaya't tuluyan na nilang pinasok.

Halos bumaliktad ang kanilang sikmura dahil sa pandidiri, takot at kilabot na gumapang sa buo nilang katawan nang makita ang mga naroroon. Sa may mataas na lamesa palang na katabi ng pintuan, nakalapag ang mga ulo.

Oo. Ang mga ulo ng tao na kinoleksyon. Madami iyon masyado, pero ito ay sementado. Maayos ang bawat ulong nakapuwesto at pinaligiran ng semento upang 'di rin siguro mangamoy at maagnas. Hindi lang iyon, kundi pati sa buong paligid na ginawang dekorasyon, at ang pinakalabis nilang ikinalungkot nang bumungad sa kanila ang ulo ng kaibigang si Abel na may sariling puwesto na tila ang dahilan ay dahil ito ang pinakahuling biktima na hindi pa sementado.

Sobrang nanginig si Jun at napapasuka.

"Huhh!!! Bakit ganito? Hindi ko 'to kaya." Sobrang kabado si Jun. Pinagmasdan nila ang paligid. Maraming kagamitan.

"Ibig sabihin, dito naninirahan ang halimaw na iyon?" hula ni Ben.

Si Marco naman ay tuloy-tuloy na pumasok sa isang kwarto na sinundan naman ni Ben. May kama sa loob, may mga damit panlalaki na nakakalat lang, may malaking aparador na binuksan iyon ni Marco. Mga damit, mga bag at iba pang kagamitan ng mga biktima.

"Guys, halikayo rito!" tawag ni Jun. May maliit ding kabinet sa kinaroroonan ni Jun, at hawak-hawak ni Jun ang video cam. Oo, ang videocam ni Abel. Pina-play nila ito at pinanood...

Paglabas ni Tony sa tent ay kinunan siya agad ni Abel. Nanatiling bukas ang tent, at naka-standby mode pa ang camera dahil sa 'di kaagad pagtayo ni Abel.

Saglit palang ay tumayo ito upang sundan si Tony. Lumabas ng tent na hawak-hawak ang videocam, at nakunan niya ang isang maitim na halimaw na akala siguro niya ay isa lamang aso na papalapit sa kanya. Nang maabutan si Abel ay biglang naging tao, at sumigaw si Abel pero 'di pa natapos ang pagsigaw ay tinaga siya sa ulo gamit ang palakol na iyon at nahulog pa ang camera.

Pinulot ng lalaki ang ulo ni Abel at ang camera.

"Ang lalaki na kasama natin kagabi, siya pala ang halimaw!" bulalas ni Jun.

Lumapit si Ben sa cabinet at hinukay ang mga kagamitan doon, hanggang sa makita ang litrato. Litrato ng dalawang tao. Isang binata at dalaga na magkaakbay. Tila ito ay magkasintahan, at sila ay nasa edad bente anyos lamang.

"Sino kaya iyan?" tanong ni Marco.

"Parang namumukhaan ko siya?" wika naman ni Jun, at tinitigan ni Ben nang malalim, kasabay ng dalawa sa magkabila niyang balikat.

"Sss-ss-si general?!" halos magkakasabay na bigkas ng tatlo.

"Bakit kaya nandito ang litrato ni General? At sino naman itong babaeng kasama niya? Ano ang koneksyon niya sa halimaw?" mga nalilitong tanong ni Ben sa kanyang sarili.

Hinukay ulit nila ang mga kagamitan, at may natagpuan siyang isang sobre. Binuksan at inilabas ang papel na naroroon... "Kuwento ng nakaraan..." panimula ni Ben sa dalawa habang patuloy nitong binabasa ang nakasulat sa papel na iyon.

(Sino kaya si General Ramon dela Fuentes sa buhay ng halimaw?

ITUTULOY>>>

MOONSTER ISLANDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora