CHAPTER 1 - Ang Isla

596 15 0
                                    

Masyadong malakas ang bawat bagsak ng ulan, na animo'y parang mga batong bumabagsak sa lupa. Kasunod nito ang sunod-sunod na kulog ng kidlat na animo'y sumasabog sa kalangitan. Sinasabayan pa ng malalakas na dampi ng hangin na siyang tanging humahadlang sa mabilis at takot na pagtatakbo ni  Rex, sa isang madilim na lugar. Sa isang malawak na kagubatan, sa lugar kung saan napapaligiran ng karagatan. Kuliblib ang gubat at sa bawat daanan nito'y pinapaligiran ng mga tinik...tinik ng animo'y malalaking damo at mga sanga ng mga nagsisilakihang punong-kahoy, at madilim na wari'y nagbibigay lang ng kaunting liwanag ay ang kalangitan.

Sa pagkakataong ito, may makakatulong pa kaya sa binatang ito?

Tumatakbo ng mabilis, kung gaano kabilis ang takbong ito, ay siya ring lakas ng kabog ng dibdib ng lalaking ito.

"Huuh... Huhhh..." ang tanging naibubuga ng tinig nito. Wala siyang pakialam kung saang parte ng gubat siya makararating. Ang importante, hindi siya maabutan ng halimaw na humahabol sa kanya.

Hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng kagubatan at marating ang may tabing-dagat. Doo'y kaniyang natanaw ang bangka, at diretso ang mabilis nitong takbo papunta sa bangkang iyon.

Sa pagkakaabot ng kamay nito'y tuloy-tuloy na itinulak at kasabay ang mabilis na paglundag sa loob ng bangkang iyon...

Ngunit wala pang pinapalikas na buhay ang halimaw na ito sa kanyang isla. Walang nakakatakas sa bangis nito.

Kasunod nito ang biglang pagtalsik ng malakas na dugo nito sa kanyang hinaharap!

Butas ang gitna ng dibdib nito mula sa pagkakatama ng mahaba at matulis na kawayan....

***

Pagkalipas ng dalawang linggo...

"Huuhh!!!" ang biglang pabalikwas ng hingal na hingal na si Tony.

Nananaginip na naman siya. Tiningnan nito ang relo mula sa kanang kamay. Alas-dose na ng hating-gabi. Kasunod noon ang muli'y gumulo sa kanyang isipan.

Bakit bumabalik na naman sa panaginip ko ang halimaw na iyon?

Bakit patuloy akong hinihila ng isipan ko sa mga nakaraang iyon. Ito na ba ang tamang panahon para balikan ko ang hayop na iyon?

Muli siyang bumuntong-hininga, at kasunod ang pagtayo nito palabas ng kuwarto. Dumiretso sa may kusina, binuksan ang refrigerator at kinuha ang isang bote ng beer. Binuksan at ininom. Nunit sumasabay ang agos ng alak na ito sa kanyang isipan, dahil patuloy pa rin ang mapait niyang nakaraan sa kanyang alaala.

Kung paano siya naulila, kung paano pinatay ng halimaw na iyon ang kanyang mga magulang.

Ngunit ang pangako niya sa kanyang sarili, walang ibang pupugot ng ulo sa halimaw na iyon kundi siya, kapag oras na babalikan na niya ang isla.

Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV.

"Mahigit isang buwan na pong nawawala at pinaghahanap ang apat na kabataang nag-outing papuntang beach at magpasa hanggang ngayon, eh, wala pa pong balita sa kanila." Ito ang kaagad na narinig ni Tony nang buksan nito ang telebisyon. "Patuloy po silang tinatawagan at hinahanap ng kanilang mg magulang, ngunit walang may nakakaalam kung saan naroroon ang mga ito, pati ang mga cellphone ng mga ito ay naka-off."

Sa narinig ni Tony ay 'di nawaglit sa isipan niya na may kinalaman na naman ito sa islang iyon. Naka-ilang kabataan na ba ang nawawala magmula pa noon? Halos almost every year na lang, may 'missing' na grupo ng mga kabataan. Bakit hindi matapos-tapos ang kasong ito? At hindi mahanap ang mga bangkay ng mga ito?

Ipinagpapalagay na lang ng mga awtoridad na maaaring na-salvage ang mga ito, 'tapos ay inilibing at kung saan man 'yon ay 'di na matukoy ng mga awtoridad. O 'di kaya'y may mga grupo ng mga sindikato na nanghuhuli ng mga bata o kabataan na ibinebenta ang mga lamang-loob nito. Tulad na lamang ng puso at mga mata nito, at kung saan man sila inlibing ay hindi na matukoy iyon.

Nagkaroon naman noon pa ng balita ang mga pulisya na maaaring ang hinahanap na mga kabataan ay naligaw sa may gawi ng islang iyon o saan man sa mga katabi nitong isla pero hindi naging masipag ang awtoridad na pasukin ang gubat ng islang ito. Sa halip, pinakiramdaman lamang mula sa may tabing dagat at tuluyang nilisan ang lugar na iyon...

ITUTULOY>>>

MOONSTER ISLANDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang