CHAPTER 6 - Pagsuyod sa Kagubatan

178 4 0
                                    

Nagulat sa sigaw na iyon ang apat pang natutulog sa may loob ng tent. Bigla silang nagising at lumabas.

Akma namang pagdating ni Tony ay nadatnan niya ang kaibigan...

nangingisay ang katawan habang wala ng ulo... si Abel!

"Haaaa!!!" halos magkakasabay na sigaw nila.

Nag-panic sila at lubos na natakot. Para bang umakyat lahat ng dugo nila sa kanilang ulo. Hindi maipinta ang kanilang takot at gulat. Si Gilbert ay parang baliw na nagsisisigaw. Si Jun naman ay naiiyak na nanginginig.

Maya-maya pa'y naramdaman nila ang papalapit na animo'y malaking halimaw na umuungol na wariy isang mabangis na hayop.

Nagtuloy-tuloy ang paggalaw ng mga dahon at mga halaman. Sa 'di kalayuan sa may gubat na tila pumaparoon sa kanila, kasabay na itinutok ni Tony ang kalibre sa kinaroroonan ng halimaw.

Sunod-sunod na putok ang ipinaulan ni Tony sa halimaw na naging dahilan para mawala.

Kasunod nito ang pag-uunahan nilang patakbo sa kanilang bangka at laking pagkadismaya nila nang madatnan nilang wala na ito.

"Paano na tayo makakaalis dito!" ang sigaw ng takot na takot na si Jun.

Nanghina sila sa pagkawala ng kanilang sasakyan, kasunod ng paglapit ni Marco kay Tony.

"Hoy, Tony, ano ba ito! Bakit hindi mo sinabi sa amin ito!!!" ang galit na si Marco, hindi nakasagot si Tony.

"Walang hiya! Traydor, ipapapatay mo pala kami rito!" wika ni Gilbert na inundayan ng sipa si Tony, pero naawat agad ni Ben.

"'Wag n'yo akong sisihin, dahil ginusto n'yo rin ito!" galit ding sagot ni Tony, pero hindi mapigilan si Gilbert at nagpaabot-kamay sila na magsusuntukan.

Inawat naman sila ng tatlo, at pumagitna si Ben.

"Ano ba kayo! Puwede bang tumigil kayo! Mamamatay na nga tayo rito, eh, ganyan pa pinaggagawa n'yo!" ang sigaw ni Ben sa dalawa.

Alas-singko ng madaling araw.

Tinakpan ni Ben ng kumot ang bangkay ni Abel. Si Jun naman ay nakaupong nanginginig pa rin. Ganoon din si Gilbert na nakaupo sa tabing bangkay ni Abel habang lumuluha sa sinapit ng kaibigan. Nasa 'di kalayuan naman si Marco na naghahanap ng signal upang makahanap sila ng tulong. Nakatayo naman at nakatanaw sa may karagatan si Tony.

Sa isip-isip ni Ben, galit din ang naramdaman kay Tony, ngunit marunong siyang mag-adjust ng emosyon niya.

Galit si Gilbert, Marco at pati si Jun kay Tony. Kaya siya lang ang nasa matino upang hadlangan ang gulo sa pagitan nila.

Inilabas ni Tony ang yosi at ito'y sinindihan. Kasunod na nilapitan nang mabilis ni Gilbert, at buong lakas niyang sinuntok sa mukha na naging dahilan para matumba ito. Nalundagan naman ni Gilbert si Ben para pigilan, samantalang nakaupo lang si Jun at walang pakialam kahit na magpatayan pa sila.

Tumayo agad si Tony at itinutok ang baril kay Gilbert.

"Tumigil ka na kundi pasasabugin ko ang ulo mo!" galit ni Tony.

"Tang-ina ka, Tony! Paano mo nagagawang magpakasarap na hithitin ang yosi mong 'yan?! Samantalang pinapatay mo si Abel!" galit ni Gilbert.

"Wala kayong alam sa islang ito! at kailangan n'yo ako rito, kaya't kung puwede lang na tumigil na kayo!" pasigaw ni Tony.

Inilibing na nila ang kaibigang nasawi, at nagplano kung paano makaalis sa islang ito.

Pinapakalma naman ni Ben si Gilbert at Marco, at nakikipag-usap kay Tony kahit na mahirap sa kanya dahil nakatanim sa utak niya ang panloloko sa kanila. Pero iniisip-isip niya na may oras din para magkalinawan sila ni Tony, at higit niya naiisip na kailangan nila rito si Tony. Kailangan nila ang katapangan niya at pagiging sanay sa kagubatan, dahil sila'y walang alam sa pakikipagsapalaran sa gubat.

Kinuha ni Ben ang ideya ni Tony sa maganda nilang gagawin.

"Guys, kailangan nating gumalaw ngayon din bago tayo abutin ng dilim at halimaw dito ulit. Maglalakbay tayo sa loob upang maghanap ng tulong o hanapin ang kaligtasan natin," pangungumbinsi ni Ben sa tatlo na sinang-ayonan naman nila.

Nag-umpisa silang maglakbay ng hapong iyon. Nasa unahan si Tony at Ben, at wala pa ring imik ang tatlo kay Tony.

Maya-maya'y nagsasalita na namang mag-isa si Gilbert. Marami siyang pinagsasasabi habang naglalakad sila. Pero pinapabayaan lang ni Tony, at gayon din si Ben at Marco.

Sa palagay nila, nasisiraan na ito ng bait si Gilbert. Hindi niya kinaya ang mga nangyari.

"Tumigil ka nga!" galit na suway ni Jun ng tatlong beses, pero patuloy pa ring nagdadakdak.

Maya-maya'y hinawakan ni Jun sa may balikat, habang nasa likod nito. Humarap ito.

"Oh, bakit, Jun?! Kakampihan mo rin ba ang traydor na iyan!" paturo ni Gilbert kay Tony.

"Sabi na ngang tumigil ka, eh, balliiww!" sigaw ni Jun sa kanya.

"Ah, ako baliw?! Sige, basta ikaw bakla!" pang-aasar na galit ni Gilbert.

Itinulak siya ni Jun sa narinig, at umaksyon upang suntukin.

"Sige! Bugbugin n'yo 'ko! Patayin n'yo na lang kasi ako!" pagdadrama ni Gilbert.

Hindi itinuloy ni Jun ang gagawin, at umatras na tila naluluha si Gilbert upang humiwalay sa kanila. Kasunod nito ang bigla niyang pagkahulog. Nagpagulong-gulong sa isang malalim na bangin, pero nakasabit siya sa malaking ugat ng malaking puno sa itaas, at nahulog ang kaniyang bag pack, kung saan nakalagay doon ang kanilang mga pagkain.

Sa pagkakataong ito'y si Tony, si Tony na naman ang kailangan nila. Inipon ni Tony ang mga lubid na nakapaligid sa mga puno at pinagdugtong-dugtong. Itinali sa baywang niya at itinali sa malaking puno. Dito ay binabaan niya si Gilbert at nang iabot ang kamay nito'y humawak naman si Gilbert, at hinila sila ng tatlong kaibigan sa itaas.

Nagpatuloy sila sa paglalakad na medyo nahihiya si Gilbert kay Tony, at biglang tumigil si Tony...

Natigil na rin sila sa naramdaman nila. Maraming paparating sa kanila, mayroon sa harapan, sa likuran, sa kanan at kaliwa. Kinilabutan sila at natakot...

(Ito na kaya ang mga halimaw? Paano kaya nila malalagpasan ito?)

ITUTULOY>>>

MOONSTER ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon