CHAPTER 7 - Drama ni Tony

188 4 0
                                    

Kilabot at takot ang sunod-sunod na naramdaman ng magkakaibigan. Sunod-sunod din ang paggalaw ng mga malalaking damo sa paligid. Saglit pa'y bumunot na ng baril si Tony.

"Huhhh! Napapaligiran na tayo," wika ng kabadong si Jun.

Saglit pa'y nagsilabasan na ang mga iyon.

Malalaking unggoy ang bumulagta sa kanila na singlaki hanggang baywang. Napapaligiran sila at nagsilabasan din ang mga nagtatago sa may mga sanga ng punong-kahoy.

Nang makita nila ay nakahinga sila nang magaan.

"Salamat. Ang akala ko'y ang halimaw na," bigkas ni Marco, ngunit nakatitig sa kanila ang mga unggoy na galit na galit.

Napagtanto nila na nasa panganib rin pala sila. Marami iyon na tila pinagpipiyestahan sila. Saglit pa'y umungol nang malakas ang kanilang tagapamuno na nagpapahiwatig ng galit at tapang. Kakaiba ang hitsura nito sa lahat na mala-kingkong ang dating. Nagsilundagan at nagsiingayan din ang iba pang unggoy.

"Patay tayo rito," ang mahinang bigkas ni Gilbert, at kasunod ng paghakbang ng kaliwang paa ng kanilang tagapamuno.

Itinutok agad ni Tony ang baril sa itaas, at nagpaputok ng isa. Natigil ang mga unggoy pero 'di sila natinag, sa halip ay umunggol ng napakalakas ang tagapamuno na tila galit na galit, at hinakbang ulit ang
kanang paa. Pero hindi pa sumasayad sa lupa ay pinaputukan na ito ni Tony.

Nanatiling hindi naiapak ng pinuno nila ang paa, bagkus tinitigan ang maliit na natamaang bato. Nabiyak iyon. Nagtaka ang tagapamuno, wariy bang mababakas sa mukha nito na ang bagay na iyon ay nakakamatay.

Nahalata ni Tony na natinag ang pinuno. Sunod-sunod na pinaputukan ang paanan niyon na naging dahilan ng sunod-sunod na pag-atras.

Maya-maya'y umungol ng malakas ulit ang tagapamuno na sinabayan ng ingay at lundag ng mga kawal, kasunod nito ang paglundag ng pinuno sa malayo na sinundan naman ng mga kawal.

"Ha-ha-ha-ha!" malakas na tawa ni Gilbert, habang napapapikit.

Pagdilat ay nakatitig ang kaniyang mga kaibigan, at medyo nahiya siya.

Nag-umpisang humakbang sa deriksyon nila si Tony, na sinundan ni Ben, ni Jun, at Marco sabay bulong kay Gilbert.

"Baliw..." tila nabadtrip si Marco sa kanyang tawa.

Napatahimik at sinundan ng tingin ang mga kaibigan, sabay na tumawa ulit, "ha-ha-ha-ha! Nakakatawa ang mga unggoy... he-he-he!"

Nagpatuloy sila sa paglalakad at sinapit sila ng takipsilim.

Saglit pa'y tumigil si Tony. "Takipsilim na. Dito na tayo magpagabi. Isabukas na lang natin ang pagpapatuloy ng lakad."

Inilatag ulit nila ang dalawang tent, at nagplano muna sila.

Sa unang bahagi ng gabi matutulog si Marco, Gilbert at Jun.

Sa alas-dose ng hating-gabi naman matutulog si Ben at Tony upang patuloy nilang mabantayan kung may sasalakay sa kanila.

Maya-maya pa'y tulog na ang tatlo, at nasa labas naman nakaupo ang dalawa pa na nasa harap ng lumiliyab na apoy.

Tumayo si Tony. Pumunta sa may 'di kalayuan. Binuksan ang yosi at hinigop ang usok at ibinuga, habang nakatanaw sa malayo. Maya-maya pa'y nilapitan ni Ben.

"Hindi ko lubos maisip na nangyayari sa atin 'to. Akala ko, sa mga k'wento at palabas lang ito nagaganap," mahinahong wika ni Ben, "tapos ngayon, wala na si Abel at hindi natin alam kung sinong susunod sa atin, o may makakauwi pa kayang buhay sa atin."  Habang patuloy namang nakikinig si Tony. "Pare, akala ko, isa kang tunay na kaibigan. Nagtiwala kami sa 'yo, pero ikaw pala ang magpapahamak sa amin," patuloy ni Ben, "bakit, Tony? Bakit mo nagawa sa amin 'to?" tanong ni Ben.

Huminga nang malalim si Tony, at makaraan ang ilang saglit ay 'di rin naiwasang magsalita.

"Dahil ito sa galit, at tinik na nakaturok sa dibdib ko. Matagal na panahon na ang lumipas, pero parang sariwa pa rin ang lahat," wika ni Tony at humarap kay Ben. "Ben, walang kuwenta ang buhay ko. Hindi ko hinangad mamuhay sa mundo. Ang tanging pinapangarap ko lang ay maipaghiganti ang mga mahal kong magulang," salaysay ni Tony.

"Maghigante? Pero kami ang pinapapatay mo?! Anong klaseng paghihiganti iyan! Hindi sapat ang dahilan mo upang kami ang magdusa sa sinapit ng mga magulang mo..." pasingit ni Ben.

"Simple lang, Ben. Alam mong matalino ka, at alam kong alam mo na may naghihintay sa atin dito na panganib. Pero bakit nga ba hindi mo inurong? Dahil sa pagmamahal sa lolo mo, 'di ba? Ayaw mo siyang mawala dahil lahat ay gagawin mo. Lahat para lang mailigtas siya..." Kasunod nito ang pagtingala sa malayo ni Tony, at bumuntong-hininga at napuno ng luha ang mga mata, saka pumatak.

"Ang saya-saya ko noon. May nanay at tatay ako na sobrang nagmamahal sa akin. Mahal na mahal ko sila ng higit sa buhay ko, pero kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano gutay-gutayin ng halimaw na iyon ang bawat bahagi ng katawan ng nanay at tatay ko... Sumisigaw pa sila noon dahil sa tindi ng sakit habang tuluyan ko silang iniiwan upang iligtas ang sarili... dahil sa mga sigaw ni Tatay."--- "Tony, tumakbo ka na!" Muli siyang natigil sa pagsasalita nang maalala ang katagang iyon sa kanyang ama at itinuloy na ang pagkukwento...

"Biktima kami ng mga rebelde bilang kidnapping, dahil mayroon silang nais hilingin at iparating sa pangulo. Dito nila kami dinala sa islang ito, at dito rin sila inubos ng halimaw. Tanging ako lamang ang nakaligtas. Napulot ako ni Heneral, at inampon niya. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya ang halimaw na balikan namin, na paslangin namin, pero patuloy niya akong binubugbog. Para bang mas mahal pa niya ang halimaw na iyon kaysa sa akin," at biglang huminto si Tony sa pagkukuwento habang lumuluha.

"Hindi sapat 'yan, pare, para lokohin at dalhin mo kami dito. Hindi mo sinabi sa amin na may halimaw dito. Kung alam ko lang, sana hindi ko na lang tinanggap ang alok mo. Mayroon pang ibang paraan para maisalba ang buhay ng aking lolo. Masyado kang naging makasarili. Hindi kami ang dapat na magdurusa ng lahat ng iyan," mahinahong galit ni Ben.

"Makasarili na kung makasarili! Wala naman talaga akong pakialam sa inyo!" sagot ni Tony.

Dito biglang kumulo ang dugo ni Ben sa mga narinig, at umaksyon upang suntukin si Tony. Akma namang napatigil at nakiramdam nang malalim si Tony, kasunod ng sangga sa suntok ni Ben sa kaliwang kamay, ay ang pagtulak nito ng buong lakas.

At sa 'di inaasahan... aktong dumating ang halimaw na lumundag sa kanila habang nakanganga.

Gulantang sila at hindi na nakaporma si Tony.

Nakagat ang kaliwang braso nito at nagpaikot-ikot silang dalawa.

Habang natulala sa panonood si Ben sa pagkakaupo mula sa malakas na tulak ni Tony.

Nagising ang tatlo sa 'di kalayuan at nagulat sa nasilayan.

Putol na ang kaliwang braso ni Tony. Hawak-hawak na iyon ng halimaw na inihagis tungo sa tatlo na naging dahilan upang mapaurong.

Kasunod nito ang pagkagat ng halimaw sa kanang dibdib ni Tony.

Napunit ang maliit na bahagi at iniluwa ulit ng halimaw.

Iniwan ng halimaw si Tony at lumapit ito kay Ben!

Hindi na makagalaw ang katawan ni Ben.

Nakaumang na ang malaki nitong bunganga na may matatalas at mahahabang mga ngipin.

Ngumanga ng malaki ang halimaw upang kagatin ng buong-buo ang ulo ni Ben!

(Katapusan na kaya ni Ben? O katapusan ni Tony?)

ITUTULOY>>>

MOONSTER ISLANDWhere stories live. Discover now