Charm 47 ❀ Fairytale

Start from the beginning
                                    

Kahit umiyak siya sinimulan ng Hari at Reyna ang ritwal para malaman kung siya nga ang prinsesa na matagal ng nawawala.

Nag-chant sila ng mga salitang hindi namin maintindihan. Pagkatapos ay itinapat nila ang kamay nila kay Ryleen at may liwanag na sumilaw sa aming mga mata.

Nag-intay kami ng ilang sandali dahil medyo mahaba ang proseso na ginawa nila, ngunit noong matapos iyon isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa amin ng reyna at saka tumulo ang luha niya.

Lumapit naman agad si Bella sa kanila pagakatapos ay niyapos ang reyna upang pakalmahin. "Siya po ba ang prinsesa?" Hindi mapigilang tanong ni Bella.

"Hindi siya." Umiiyak na paulit-ulit na banggit ng reyna. Kahit isnabi iyon ng reyna, hindi ko pa din mapigilang magtaka, bakit ganoon? Kung hindi si Ryleen ang prinsesa, bakit kawangis na kawangis niya ang hari?

Ano ba talagang nangyayari? Ano bang mayroon sa nakaraan? Bakit parang mayroong binura ang charm world sa kaisipan ng lahat?

***

Queen Elsa's POV

Unang sumilay sa aking mga mata ang pag-iyak ng isang sanggol. Patuloy ito sa pag-iyak, subalit noong lapitan siya ng isang lalaki at babae ay bigla itong tumahan. Noong una akala ko si Rolan ang kumalong sa sanggol, subalit noong makita ko ang mukha noong babae na kasama niya ay alam kong ito si Ransen dahil si Shay ang kasama niya.

"Ayisha Ryleen ang gusto kong pangalan kapag babae." Mahinahong banggit ni Ransen na agad namang sinang-ayunan ni Shay. Ngumiti pa iyong sanggol noong marinig niya ang kaniyang oangalan. Mukhang nagustuhan niya ito.

"Ayisha Ryleen Vassileia." Wika pa ni Shay na mayroong masayang ngiti sa mga labi.

Nawala ang imaheng iyon at napalitan ng naghihingalong imahe ni Shay. "Mahal na mahal kita anak ko, pasensya na sa nagawa ko, gusto lamang kitang protektahan, mahal na mahal kita lagi mo sana iyang tatandaan." Malungkot na sambit nito sa sanggol.

Napabitaw na lamang ako mula sa ritwal dahil hindi ko na kaya pang makita ang susunod na mangyayari. Awang-awa ako sa kalagayan ni Shay. Kung nailigtas lamang namin siya noon, sana hindi siya nawalay sa anak niya.

Kahit pa dark sorcerer si Shay, alam kong may mabuting puso siya at hinding hindi mo maikakaila iyon. Wala naman kasi iyan kung dark sorcerer ka ba o hindi, nasa nilalaman naman iyan ng puso mo.

Hindi ko mapigilang mapaluha. Ang batang ito. Ang elemental guardian na ito. Ang anak ni Ransen at Shay. Ang pamangkin namin ni Rolan. Ang secondary Princess, kung hindi lamang napatalsik noon si Ransen at Shay. Alam kong siya pa din ang nararapat sa trono ngayon.

Alam ko nakita din ni Rolan ang nakita ko. Sobrang hirap parin tanggapin. Alam ko rin na walang naramdaman si Rolan na pagiging dugong dark sorcerer ng batang ito, dahil ikinukubli iyon nang kabutihang puso niya. Manang mana siya sa kaniyang ina.

Napamulat na lamang kaming dalawa ni Rolan. Nakita kong lumapit sa akin ang asawa ni Clifford at niyakap ako. Bigla na lamang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa simpleng akap na iyon.

Hindi namin alam ni Rolan kung nasaan ang anak namin at hindi man lamang namin alam kung ano na ang itsura nito o kaya'y kung nasa mabuting lagay ba ito. Subalit, mas malala at mahirap pala ang sinapit ng pamangkin ko, pati na din ng magulang niya. Parang walang wala iyong sakit na dinanas namin noon, sa dinanas na sakit nila.

"Siya po ba ang prinsesa?" Tanong noong asawa ni Clifford.

"Hindi siya." Paulit ulit na banggit ko habang umiiyak. Masakit din sa akin ang nangyayari. Kung tutuusin maaring kong itiring na parang anak ko na din ang anak nina Shay, dahil kadugo iyon ni Rolan at sobrang halaga sa akin ng mga magulang niya.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now