♥C29:Why?♥

Magsimula sa umpisa
                                    

No.Never kong dinelete yung number niya.

"Malay mo may gamit kang ibang number" sabi ko."Are you blind?Nabasa mo naman diba?May Z dyan oh" sabi niya't itinuro yung Z.

Itinago ko na lang yung phone at tinignan ko siya ng seryoso."Bakit mo ito ginagawa?Bakit gusto mong patayin si dad?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot."Dahil ba niloko kita?Is this your revenge?" tanong ko na ikinatawa niya.Kumunot yung noo ko.

"Seriously Kainu?Hahahaha.Hindi ako ganun kababaw na tao.Hindi ako papatay dahil niloko't pinag pustahan lang ako" sabi niya at naging seryoso na ang mukha.

"Then what?Bakit gusto mo siyang patayin?" tanong ko.Ngumisi siya "ask your dad kung bakit" sabi niya.
"Akala ko ba you hate him?" Tanong niya.

"I hate him pero hindi ko sinabing gusto ko siyang mamatay.Remember,siya na lang ang pamilya kong natitira" sabi ko.

"Kung sineryoso mo lang sana ako edi dalawa na pamilya mo.Tss" sabi niya at umiling pa.Natahimik naman ako doon.

"Okey!Wala ka ng magagawa sa desisyon ko" bigla niyang sabi at akmang aalis na pero pinigilan ko."Ano ba kasing kasalanan ni dad sayo?!" galit na tanong ko.

"Sabi kong tanungin mo sa dad mo!" Sabi niya't umalis na.Aish!Nakakainis!Gusto ko na itong itigil at sabihin na sa pulis na si Jasmine ang nag tatangkang patayin si dad pero hindi ko kaya.

~~~~~~~~~~

"Welcome back sir!" Bati ng mga katulong kay dad.Oo andito na kami sa mansion.Pinilit kasi ni dad na dito na lang daw siya.

"Ako na" sabi ko sa nurse na nag tutulak ng wheel chair ni dad.Ibinigay niya ito sa akin.Itinulak ko naman ito papunta sa bagong kwarto ni dad sa baba.

Pumasok na kami dito."Dad i want you to be honest with me so that I can help you" sabi ko ng maisara ko na yung pintuan ng kwarto.

"Here we go again.Baka nakakalimutan mo kakalabas ko lang ng hospital" sabi niya sa akin.Napabuntong hininga ako.

"Dad please,yes I hate you but I don't want to lose you" sabi ko.Narinig ko siyang bumuntong hininga."Let me handle this by myself" sabi niya na ikinainis ko.

"Dad uso babaan ang pride" pigil sa inis kong sabi.Ayaw ko siyang sigawan."Hindi mo kailangan makisawsaw dito Kainu" sabi niya.

"Andito na ako dad.Nakalublob na nga ako eh" sabi ko.Bumuntong hininga ulit siya."Hindi mo na kailangang malaman ang istorya.Mas maganda ng kakaunti lang ang alam mo" sabi niya sa akin.

"No dad.Gusto kong malaman lahat.Bakit ka niya gustong patayin?Mukhang galit na galit siya sayo knowing na pinapahirapan ka niya" sabi ko.

"May nagawa lang ako na hindi mo na dapat pang malaman" sabi niya na ikinainis ko na ng sobra.Padabog kong ibinagsak yung dalawa kong kamay sa table.

"Fuck this life!Bakit ba ang dami mong sikreto sa akin?!Ganun mo ba ako kaayaw?!" galit na tanong ko.

"Calm down Kainu" kalmado niyang sabi."Calm down?!How can I even calm down kung may gustong pumatay sayo?!" tanong ko.

"I can handle this.Trust me" sabi niya sa akin."Trust you?!Ikaw nga hindi ako pinag kakatiwalaan tapos sasabihin mong pagkatiwalaan kita?!" bumuntong hininga lang siya.

"I want to rest" sabi niya at tumayo na sa wheel chair.Nahiga na siya sa kama at ipinikit ang mata."Napaka taas talaga ng pride mo" sabi ko at binuksan na yung pinto.

"Pasalamat ka nga't kahit na ikinakahiya mo ako andito parin ako para protektahan ka kahit na ni minsan ay hindi mo ako nagawang protektahan" sabi ko at tuluyan ng lumabas.

~~~~~~~~~~~~~

Heyyo!Late ako ngayon nag update kasi nakatulog ako.Haha.

If you like this update give it a star.Don't forget to follow me and wait for more updates!

Shout out po sa mga silent readers.Please vote.Mag paramdam naman kayo.Uso din mag comment.

The Silent KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon