" Ahh ganun ba...Siguro...nga" Sabi ko.

" Pero hindi naman niya binawal na maging magkaibigan tayo kaya sana manatili tayong friends. I'm sorry kung nasaktan kita pero yun ang totoo gale at kailangan nating tanggapin " Sabi nya saakin.

-

Author's POV

Ng pagkasabi ni Junior kay Noreen ng nararamdaman nya, Si gale nakangiti sa labas pero wasak na wasak na ang puso nya sa mga narinig nya, Iba pala kasi naramdaman ni junior sa kanya sa naramdaman nya para kay junior.

Akala nya si Junior na ang para sa kanya.
Tuloy, nag lumpasay ang Noreen pag uwi nya sa bahay nya.

-

Noreen's POV

" Hindi tayo gusto ng tadhana na magkatuluyan hahaha" Sabi ko habang tumutulo luha ko sa picture naming dalawa galing sa photobooth nung mga panahon na nagkikita pa kami, yung times na pumupunta sya pero ngayon hindi na.

" Walang hiya!" Sabi ko, sa picture nya. " Nakuha mo pang ngumiti samantalang ako nandito sawing sawi" Sabi ko.

-
9: 47 p.m.

" Lisa huhuhuhu" Tinawagan ko si Lisa habang nag lulumpasay na ako sa kwarto ko.

The number you have dialed...

" Ay charot lang, sumagot ka please " hindi sumagot ang Lisa after ilang tries.

-

10:11 p.m.

" Aries" Sabi ko.

" Emergency ba yan bes? May hinahabol ako na deadline " Sabi nya, at syempre di ko na tinuloy kasi alam ko mahaba ako mag drama at alam kong mahirap pinagdadaanan nya dahil level 5 na sya.

-
10:30 p.m.

"Mark" Sabi ko.

The number you have dialed is now out of service....

-

11:00 p.m.

" Julie " Sabi ko.

The number you have dialed is now out of service...

-

" Kuya Ezra " Sabi ko. Hindi nya sinasagot pero mag sasalita padin ako.

" Bakit kaya dumadating mga tao sa buhay natin tapos umaalis sila? wala pang paalam minsan... tapos..." Hindi na ako nagsalita tapos medyo inaantok na ako.

" Bakit mo naisip yan sa ganitong oras sa gabi ?" Sabi nya, Nakikinig pala sya.

" Nandyan ka pala " Sabi ko.

" Oo, nag rereview kasi ako tapos napatawag ka, sige mag salita ka lang...nakikinig ako " Sabi nya.

Kwinento ko ang nangyare sa kanya ,lahat lahat, kompleto pa sinabi ni junior saakin, Hindi sya nag salita masyado pinatuloy tuloy nya lang ako magkwento hangga't sa naubusan na ako ng kwento.

" Tapos na kwento mo?" Tanong nya.

" Gaano kadaming oras ang nasayang mo pag kwento saakin?" Tanong nya. Chineck ko ang oras sa phone ko 41: 57.

" Mga 40 minutes" Sagot ko.

" Ngayon isipin mo kung gaano kadaming oras nasayang mo sa kanya"Sabi nya .

" Ahh..." Yun lang nasabi ko ,paano ba to? Math nanaman.

" Worth it ba ?" Tanong nya.

12:30 ( B2ST FANFIC )Where stories live. Discover now