♥C28:Know♥

Magsimula sa umpisa
                                    

"May balak ka bang sabihin kay Kainu ang tungkol sa akin?"tanong ko.Tumayo ako't pumunta sa may bulaklak.

"Kung meron edi go.Hindi kita pipigilan.Matutuwa pa ako pag ginawa mo yun" sabi ko at tinignan ulit siya.

Kumuha ako ng isang bulaklak at lumapit sakanya."Pero pag nalaman na niya yun madadamay na din siya" sabi ko't nag pout."At" inilagay ko sa may dibdib niya yung bulaklak.

"Malalaman na din niya na mamamatay tao ka" sabi ko sabay ngisi.Dahan-dahang nag bukas yung pintuan kaya mabilis kong kinuha yung bulaklak sa may dibdib ni Marvin.

"Sorry kung natagalan ako" sabi ni Kainu sa akin.Tinignan ko yung hawak niyang paper bag."It's okay but I have to go now" sabi ko.

Tinignan ko siya't nakatingin siya sa bulaklak na hawak ko "uhm may pag bibigyan kasi ako nito" sabi ko at ngumiti lang siya.

"Bye.I have to go" sabi ko at nilampasan siya."Wait" sabi niya kaya tinignan ko siya."Aalis ka na agad eh kakarating ko lang.Kumain ka muna" sabi niya at itinaas yung paper bag.

Nag poker face ako "remember Kainu,we're still not in good terms" sabi ko at tuluyan ng lumabas.Ng makalabas na ako sa hospital nakakita ako ng basurahan.

Tinignan ko yung bulaklak na hawak ko at ngumisi.Itinapon ko na ito't pumunta na sa parking lot.

------End of Jasmine's POV------

(Kainu's POV)

Umuwi muna ako para mag palit ng damit at para kumuha na din ng damit ni dad.Nakasalubong ko naman itong katulong namin at naalala ko si Jasmine.

"Hey" sabi ko at tumingin siya sa akin."Meron bang pumuntang babae dito at hinahanap si dad?" I asked.
Kumunot yung noo niya.

"Wala naman sir.Wala pong pumuntang iba dito maliban sa mga detectives sir" sabi niya't ako naman ang napakunot ang noo.

Tumaas na ako't pumunta sa kwarto.Naupo ako sa higaan at nagisip.Walang pumunta?So nag sinungaling lang si Jasmine?

Bakit?Teka,paano niya nalaman na nasa hospital si dad kung wala namang nag sasabi sakanya?!Hindi kaya......

NO!Hindi yun magagawa ni Jasmine!Pero paano niya nalaman?!Paano?!

Nagulat ako ng mag ring ang phone ko."Sir gising na po ang dad niyo" sabi ng detective sa akin dahil sila ang pinagbantay ko.

Mabilis akong nagpalit at kumuha ng damit ni dad.Tumakbo ako papunta sa garahe at pinaharurot na ang kotse ko.

~~~~~~~~~~

"Dad!" Sabi ko ng makapasok sa loob.Tinignan niya ako."Pwede bang iwan niyo muna kami" sabi ko sa mga detectives kaya umalis sila't iniwan kami.

"Tell me dad,sinong may gawa niyan sayo?" tanong ko pero tinitigan niya lang ako."Is it Jasmine?" tanong ko.

"You don't have to know" sabi niya."Fuck dad!Just tell me!Is it Jasmine?!" galit na ako.I want to know kung si Jasmine yun o hindi.

Pero sana hindi.

"How dare you cuss in front of me!" Sabi niya sa akin."Just tell me!" Sigaw ko."Yes it's her!It's Jasmine!" Sabi niya't naramdaman ko na lang na ng hihina na ako.

"Aaah!" sumigaw si dad kasabay ng pag bagsak ko sa floor."Sir!Call a doctor!" Rinig kong sabi ng isa sa mga detective.

Hindi ako kumibo sa kinauupuan ko.Sunod-sunod naman ang pagpasok ng mga nurse at doctor.Ipinunta nila si dad sa emergency room pero hindi parin ako kumikibo.

Si Jasmine ang may gawa nito?Siya ang gustong pumatay kay dad?Siya ang taong nakaitim noon?

"Sir okey ka lang?" tanong ng detective sa akin."Nagulat po siguro kayo sa pangyayari.Mag pahinga muna kayo sir" sabi ng detective sa akin at inalalayan ako tumayo.

~~~~~~~~~~~

Wala ako sa sarili ko ngayon.Andito na ako sa room.Nag kekwentuhan ang mga barkada ko at ang iba'y may sari-sariling mundo.

Napatingin ako sa door ng may pumasok.Tumayo ako at mabilis na hinila si Jasmine papunta sa lugar kung saan walang tao.

"Ano ba!" Sabi niya sa akin at hinila niya yung kamay niyang hawak ko."What the hell is your problem?!" Galit na tanong niya.

"What the hell is YOUR problem?!Alam ko na yang bahong tinatago mo" sabi ko na nakapag patigil sakanya."Alam ko nang ikaw ang dahilan ng pagkahospital ni dad" sabi ko.

Inayos niya yung sarili niya't ngumisi.Titigan niya ako "sabi ko na nga ba,mangyayari din ito" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"So ikaw nga" sabi ko.Pumalakpak siya "congratulation Mr.Kainu Iron Nash Trevellyan.You finally found the one who wants to kill your father" sabi niya ng nakangiti pa.

Mahigpit ko siyang hinawakan sa magkabila niyang balikat na ikinatigil at ikinabigla niya."Do you think this is a joke?Well fuck you for that" sabi ko.

Sinubukan niyang kumawala pero mas hinigpitan ko pa yung hawak ko."Fine" sabi niya't nagulat ako ng itaas niya yung isang tuhod niya dahilan ng pagtama sa sandata ko.

Binitawan ko siya't napahawak ako sa ano ko."Fuck you!" Sigaw ko sakanya.Nginisihan niya lang ako."I'm really happy na alam mo na" sabi niya't ngumiti.

Pero yung ngiting yun ay nawala at napalitan ng malademonyong ngisi."Welcome to my world" sabi niya't umalis na.

Si Jasmine ba talaga yun?Ano bang nangyari sakanya?Dahil ba ito sa pangloloko ko sakanya?

Kung yun man ang dahilan bakit ang dad ko pa ang pinupuntirya niya?Bakit hindi na lang ako?

~~~~~~~~~~~~

Heyyo!So sad naman dahil walang nag comment.Okey lang hindi naman ako umasa.

Humaygawd.Hindi ako makakadedicate ngayon dahil tablet ang gamit ko.Don't worry mag dededicate ako sa mga taong nag follow sa akin.I'll find time to dedicate.

If you like this update give it a star.Don't forget to follow me and wait for more updates!

The Silent KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon