Chapter 6: A NEW DAWN

ابدأ من البداية
                                    

-------------

Patakbong nilapitan ni Father mexo si Caren at doon ay halos manlumo siya sa kanyang nakita. Hindi si Caren ang nakatayo kundi ang lalakeng Alpha ng mga taong-lobo.

"Diyos ko...Caren?!" Ang tangi niyang nasabi ng makita ang lalakeng Alpha na naglalakad papunta sa kanyang pulutong.

Nakangisi ito at hawak-hawak ang tagiliran kung saan siya nahagip ng espadang gamit ni Caren kanina.

Pero nasaan na si Caren? Nasaan na ang matapang na babaeng pulis? Halos mapaiyak si Father Mexo sa pangyayari.  Nilapa na ba ng lalakeng Alpha si Caren?

Biglang umalulong ang mga taong-lobo pagkakita sa kanilang pinuno na buhay. Sinenyasan naman ni Father Mexo ang mga kasama para humanda na sa pakikidigma, at ganun na nga ang ginawa ng mga kasamahan niyang sina Raul at Kiel.

Pero nag-iba ang lakad ng lalakeng Alpha. Tila bumibigat ang mga paa nito at bumagal. Mararamdaman din sa kanya ang hirap ng paghinga.

Mula sa kanyang likuran ay naaninag ni Father Mexo si Caren na itinaas ang espadang katana. Gumuhit ang mga ngiti sa maninipis na labi ng pari. Buhay si Caren! Nagwagi si Caren!

"Caren... "

Natigilan sa pag-alulong ang mga taong-lobo at nabahala sa nakita. Naroroon si Caren sa likuran ng kanilang pinuno, duguan pero napakalakas at nakapossisyon ang mga kamay hawak ang napakatalim na katana. Buong lakas niyang itinabak ang katana sa likuran ng lalakeng Alpha at bumagsak ito sa buhangin na wala ng buhay.

Lahat ay napanganga ng makitang iniulos ni pa ng galit na galit na si Caren ang katana sa puso mismo ng lalakeng Alpha.

Umatungal ng napakalakas ang mga taong-lobo.  Galit na galit sa kinahinatnan ng kanilang pinuno at ang lahat ng kanilang mga mata ay nakatuon kay Caren.

Kinabahan ang lahat para sa buhay ni Caren lalo na sa inaasta ng mga taong-lobo sa kanya na kasalukuyang lumalapit sa kanya. Lahat ay nakangisi at umuungol habang nilalapitan ang pumatay sa kanilang dalawang Alpha.

Patakbong tumakbo sa tabi ni Caren si Mexo kasama ang dalawang semanarista. Sa pagkakataong ito ay mukhang hindi tutupad ang mga taong-lobo sa ipinangako sa kaniya ng kanilang Alpha.  Nakkita nila na sugatan si Caren at mahina na kaya isang bagong Alpha ang papalit sa kanilang pinuno at hindi nila hahayaang isang mortal ang mamumuno sa kanila.

Lahat ng mga mortal ay takot na takot para sa kanilang buhay. Pero kailangan na nilang lumaban ng patayan at isugal ang kanilang mga buhay. Alam nilang mahirap at mapanganib, pero may magagawa pa ba sila para pigilan pa ito?

Ilang metro na lamang ang mga taong lobo sa kanila ng isa sa mga ito ang biglang lumundag sa harapan ng pulutong at umaatungal ng napakalakas sa harapan ng lahat na tila pinipigilan ang mga kasama na atakihin ang pumatay sa kanilang Alpha.

Ngunit ang kanilang inaasahan ay hindi nangyari. Napaihi si Kapitan Ben sa sobrang takot lalo na nang sabay-sabay na umungol ang mga taong-lobo. Biglang lumuhod sa harapan ni Caren ang taong-lobo na lumundag sa harapan ng buong pulutongsa at isa-isang sumunod na sa kanya ang lahat ng kauri nito. Ito ang paraan ng pagtanggap nila kay Caren bilang bagong pinuno ng kanilang pulutong.

Muli ay isa-isang umalulong ang mga taong-lobo.  Pero ngayon ay may kakaiba sa paraan ng kanilang pag-alulong. Maiksi pero malakas ang huni ng mga ito.

Halos hindi makapaniwala sina Father Mexo sa kanilang nakita. Sa mga sandaling iyon ay hindi nila alam kung ikatutuwa ba nila ang nangyari o dapat ba nilang ikatakot ito.

Nasugatan ng lalakeng Alpha si Caren. Ang sino mang mortal ang nasugatan ng isang taong-lobo ay siguradong mahahawaan siya nito ng pagiging taong-lobo rin.

Kung mangyayari man iyon ay nakahanda si Father Mexo na patayin si Caren at hindi siya magdadalawang-isip na gawin ito sa kanya para sa kaligtasan ng mga tao sa Santuaryo.

-------------

Kitang-kita ni Blake na nakadangan sa kanyang Lola Luring ang isang Batibat at pilit na hinihigop nito ang buhay ng kanyang lola. Pero napalingon siya ng makita ang napakaraming Batibat na gumagapang sa pader ng gusali at dalawa sa mga iyon ay papalapit na sa kanyang mga kapatid na si Maky at Eli.

Isang kuta ng mga Batibat ang gusali na pinagdalhan niya sa kanyang dalawang kapatid at Lola Luring.  Kailangan niyang sagipin ang kanyang lola kaya sa isang iglap ay bigla siyang naglaho at mabilis na lumitaw sa tabi ng napakalaking Batibat.  Walang inaksayang panahon si Blake kaya ginamit niya ang bughaw na ilaw sa kanyang kamay at itinapat ang liwanag sa Batibat.

Biglang sumigaw ng napakalakas ang nilalang ng dilim na tila napaso mula sa bughaw na ilaw sa kamay ni Blake. Mabilis na nilisan ng Batibat ang katawan ng kanyang Lola Luring kasabay ng pagsinghap ng hangin ng matanda na tulad sa taong-nalulunod.

Hinawakan ni Blake ang kanyang Lola at tulad ng inaasahan ay kaagad silang naglaho roon at muling lumitaw sa tabi ng dalawang kapatid na akmang bibiktimahin na ng dalawang Batibat. Kaagad na pinailawan ni Blake ang kanyang kamay at iniumang ito sa dalawang halimaw.

Natigilan naman ang dalawang Batibat sa paglapit. Pero bago pa man makalapit ang iba pang mga Batibat ay kaagad na tineleport na ni Blake ang kanyang mga kapatid at lola sa kanilang bahay na tinutuluyan.  Wala pa ring malay ang mga ito at mahimbing pa rin sa kanilang mga pagtulog.

Halos hindi mapigilan ni Blake ang pag-iyak dahil muntik na niyang dinala sa kapahamakan ang kanyang pamilya.

Ano na ba ang nangyayari sa mundo? Bakit wala na itong pinagkaiba sa mga pelikulang dati lang niyang napapanood noon sa sinehan?  Paano na ang kanyang mga kapatid kapag nawala na siya?

Walang kapangyarihan ang mga pangkaraniwang tao sa paligid niya pero bakit siya mayroon?  Naalala niya ang sabi sa kanya ng kanyang ama na espesyal siya sa lahat ng bata sa lugar nila. Mayroon siyang kakayahan na wala ang pangkaraniwang tao sa paligid niya.
Ibig ba sabihin ba no'n ay hindi siya tao?

Nadiskubre ng mga magulang niya ang kanyang kakayahan noong anim na taong gulang pa lamang siya. Natutunan naman niyang kontrolin ito noong nakaraang taon pa lamang.

Ngayong taon naman ay lumitaw sa kanyang kanang palad ang pulang marka na nagsisilbing sandata niya sa pakikipaglaban maliban sa kakayahan niyang magteleport.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن