Chapter 6: A NEW DAWN

Start from the beginning
                                    

"Kapag handa ka na at may lakas ng loob ka ng makita ang iyong nakaraan,  lalo na kung sino ang mga magulang mo ay alam mo naman kung ano ang gagawin mo sa mga hibla di ba? Ngayon,  maaaring nagtatanong ka bakit ka namin sinusubaybayan?"

"Bakit nga ba?"

"Ito ay dahil ay isa ka sa may potential na makapagligtas sa aking kapatid na si Bathala." Ang malungkot na tugon ni Danum.

"Si Amang Bathala?!" Ang malakas na wika ni Odessa dahil sa pagkabigla. "...a...anong nangyari kay Amang Bathala?"

"May balibalita na binihag siya ng dalawa sa mga anak niya."

"Ha? Ba... Bakit naman iyon gagawin sa kanya ng mga sarili niyang anak? "

"Sa ngayon ay wala pang makakapagsabi kung ano ang dahilan kung bakit siya dinukot. At hindi rin masabi kung sina diyosang Tala nga ba ang may gawa sa pagdukot sa kanya."

Napaisip si Odessa sa sinabing iyon sa  ni Danum. Ano ba sa kanya kung dinukot nga si Amang Bathala ng mga anak niya lalo na't away ng pamilya iyon at wala siyang kinalaman dito.

"Eh hetong ginawa mo sa akin?  Bakit mo 'ko hinubaran ng ganito?! " Ang nanggigigil na tanong ni Odessa.

"Huh? Yan ba? Hindi ako may gawa niyan. Ang mga tagapagsilbing Sirena ang nag-alaga sa'yo habang wala ka pang malay."

"Sirena? Bakit wala akong nakikitang Sirena rito ngayon? "

"Huh,  ah eh..."

"Totoo ang sinasabi sa inyo ng panginoong si Danum, Odessa."

Sabay na napatingin ang dalawa sa pinanggalingan ng boses.

"...ipagpaumanhin po ninyo panginoong Danum ang aking paggambala sa inyong pag-uusap. Gusto ko lang po makatulong sa pagpapaliwanag kay Odessa." Ang dugtong pa ng babae na gumagapang sa makinis na sahig ng kuwarto.

Mahaba at alun-alon ang buhok nito.  Bilog ang mga mata ngunit walang pilik-mata at kilay. Maganda ang hugis ng mukha pero dalawang magkatabing butas lamang sa gawing itaas ng kanyang bibig ang nagsisilbing ilong nito. Halos nababalutan ng kaliskis ang buo niyang katawan maliban lamang da kanyang mukha pababa sa leeg. Ang kanyang mga daliri sa kamay ay tulad sa paa ng bibe at mula bewang pababa ay katawan ng isda.

"Alona,  oo si Alona,  siya ang nag-alaga sa'yo mula ng iniuwi kita dito." Ang mabilis na sagot ni Danum.

"Wala kang malay ng dalhin ka rito ng panginoong Danum.  Mga ilang oras pa lang ang nakakaraan kaya sa tingin ko mahinang-mahina pa ang katawan mo at kailangan mo pa ang magpalakas Odessa. " Ang nakangiting sabi ni Alona.

"Salamat sa pag-aaruga sa akin kung ganon,  Alona.  Pero nasaan na ang aking damit? Kailangan ko ng makabalik sa mundo ng mga tao." Ang nag-aalalang sabi ni Odessa.

"Pero Odessa, kailangan mo pa ang sapat na pahinga para manumbalik ang lakas mo." Ang pagtutol ni Danum sa kanya.

"Hindi, mas kailangan ako ng kapatid kong si Laurea. Habang tumatagal ay mas lalong lumiliit ang pagkakataon na mailigtas ko pa siya kay Anilaokan."

"Pero hindi mo maililigtas si Mariang Sinukuan kung ganyan ang estado ng iyong lakas. Ginalit kita ng husto para subukang mailabas mo ang iyong tunay na kapangyarihan bilang isang diwata, ginawa ko ito para maisagawa mo ang pagliligtas kay Mariang Sinukuan ng matagumpay.  Pero hindi mo maisasagawa yan hangga't hindi naililigtas si Bathala dahil sa pamamagitan ni Bathala mahahanap mo kung saan naroroon si Anilaokan."

"Sa pamamagitan ni Bathala? A...anong ibig mong sabihin sa pamamagitan ni Bathala?" Ang nagtatakang tanong ni Odessa.

Napahawak sa kanyang bibig si Danum. Hindi niya napigilan ang sarili sa kadaldalan kaya nabanggit niya ang hindi niya dapat sasabihin kay Odessa.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now