"Magenta Alferez! Akala ko ba akin tong package nato? Bakit wala man lang akin?" nahalungkat ko na yata halos lahat ng laman nitong package nato pero wala talaga eh. Alangan naman kunin ko yung para kay Tita eh mas malaki yun sakin tas kung kay Taffy naman medyo alanganin.

"Chill naman kapatid, di kasi marunong maghintay" sabi nya sa kabilang screen. Naka-video call kasi sya tas phone ni Tita yung ginamit. Tumingin sya sa likuran ko pero sa kanya parin ako nakatingin. "Ninong Sean, hindi nyo pa po ba nabibigay yung parte nya? Masyado po kasing atat tong inaanak mo." sabi naman nya kay Ninong Sean na syang nagpatawa sa mga kasama ko doon sa loob ng sala, teka asan si Sage?

Pero imbes na problemahin ko si Sage ay napadako ang tingin ko sa hawak-hawak ni Ninong, galing yun sa sofang pang-isahan na nasa likod nya. Isang pahabang bagay na hugis--- gitara.

"Eto yung sayo oh, fresh from London pa yan." naka-ngiting sabi ni Ninong pero hindi ko pinansin ang ngiti nya kasi naka-pako kaagad ang tingin ko sa hawak-hawak nya. Namamalikmata lang yata ako eh. 

"Perry? Wala ka bang balak kunin yung inaabot ng Ninong mo?" nabalik ako sa wisyo ko nung marinig ko yung boses ni Tito Alex.

Nanginginig kong kinuha ang bagay na inaabot ni Ninong, di kasi talaga ako makapaniwala.

Paksheeeeeet!

"Buksan mo na Perry!" hindi naman naka-balot yung binigay ni Ninong pero nasa loob kasi ito ng bag kaya kailangan pang buksan.

Dahan-dahan kong binuksan ang zipper ng guitar bag na yun, plain black ang lalagyan. Pagbukas ko ay isang gitara nga ang tumambad sakin, gitara na---

"Maganda ba Perry? Advance birthday gift ko na yan sayo."

"Ate! Original ba to? Baka peke to!" sabi ko sa kanya habang sinusuri yung kabuuan ng gitara. Shet na malagkit naman oh! Gitara ni Ed tong hawak ko ah.

"Gaga! Talagang nagpa-reserve ako sa management ni Ed para lang makakuha ng katulad nung gamit nyang gitara tas pinuntahan ko pa sya para makakuha ng pick at pirma nya. You should see the pick." agad ko namang tinignan ang bulsa ng guitar bag at nakita ko dun ang pick na kulay blue na may sign na divide sa gitna, katulad nung kay Ed.

"Ang duga mo naman Ate! Bakit di mo sinabing nakita mo na si Ed? Ang daya-daya mo namang pangit ka! Pero salamat Ate Mags! You're the best talaga." at niyakap ko ang gitara. Sheeeeeet best birthday gift ever talaga 💞.

"Anything for my little sister, kaya wag ka nang magtampo na wala ako sa birthday mo ha?"

"Kahit hindi ka na umuwi Te okay lang talaga."

"Oh edi sige, wala kang concert ticket ni Ed." nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya.

"Joke lang Ate! To naman, miss na kaya kita. Sige na! Loveyouu, si Tita naman ka-usapin mo" at binigay ko kay Tita yung phone nya tas nag-focus ako sa gitarang hawak ko.

"Ninong, salamat sa special delivery nitong gitara ha." naka-ngiti kong sabi kay Ninong Sean, kamusta na kaya yung anak nya? Ugh! Erase that thought Perry!

"Anything for my inaanak." ginulo nya yung buhok ko at matapos nun ay may kinuha sya sa bulsa nya, isang papel. "Nga pala, pinapa-bigay ni Grey." at binigay nya sakin yung papel. Hinayupak na animal! At talagang sa tatay nya pa pinaabot ang sulat! Walanghiyang Grey naman oh! Kahapon ko nga lang sya na-isip matapos ang ilang buwan na wala sya ay sunod-sunod naman yung pagpaparamdam nya. "Miss ka na nya." dugtong ni Ninong sa sinabi nya, hala sige Grey! Paasahin mo pa ako ng todo, lecheng feelings naman to oh! Akala ko wala na?!

Walang Tatawa (Upgrading)Where stories live. Discover now