Opposites Attract: Chapter 5- Ang Pagtatalo

57 0 2
                                    

Dumaan ang mga araw at mas lalo akong napalapit sa mga kaibigan ni Julia. Mas naging kabarkada ko si Josh. Tinuruan niya ako magdota. Si Andrea naman, medyo tinuruan ako kumain ng mamahalin. Nung isang araw nga, umuwi agad si Julia kaming tatlo lang pumunta kami ng Alabang Town Center para kumain sa T.G.I. Fridays. Buti na lang kahit ganun mga Good Influence pa rin sila sa kin. Yung araw bago yung prom, hinanap ko si Harley. Namimiss ko na kasi siya. Simula nung lunes di na kami nagkita. Inaawasan niya yata ako. Bakit naman niya ako iiwasan? Wala naman akong ginagawa masama sa kanya bukod sa di na kami masyado nagkikita. Naaalala ko nalungkot siya nung tinawag ako ni Julia di ko alam kung bakit. Posible kayang mahal niya rin ako? Kung mahal niya nga ako? Di puwede kasi magkaibigan lang kami. Nasaan ka na ba Harley?

“Ui Nathan. Tulala ka diyan ah. May problema ka ba? Share mo sa kin baka kailangan mo ng kausap.”, nilapitan ako ni Julia. Araw-araw mas lalo siyang nagiging concerned sa kin. Umupo kami dun sa may bleachers.

“Ahh Wala. Wala akong problema.”

“Nakikita ko sa mga mata mo may problema ka. Kahit halos isang lingo pa lang tayo Mag MU.”

“May Problema kasi ako sa best friend ko. Di na kami nagkikita simula nung Lunes.”, iniwan ko na lang yung mga haka-haka ko nab aka mahal niya rin ako.

“Ahhh. Sensya na kung di mo nakikita. Alam ko kasi lagi tayong magkakasama. Halos magkapalitan na tayo ng  mukha. Magkikita rin kayo bukas sa Prom.”, totoo nga magkikita kami bukas pero hindi pa rin

mawala sa isip yung pag-aalala. Paano kung maga-away lang kami pag-nagusap kami. Mas mabuti na lang yata di kami magkita. Ayoko rin namang magtapos lang sa konting hindi pagkaintindihan yung pagkakaibigan namin. Habang nagprapraktis kami ng sayaw, di ko mabigay yung best ko. Hindi mawala sa isip ko yung problema.

“Nathan. Mukhang wala ka sa kondisyon. Alam mo na naman yung dance steps, magpahinga ka na lang muna. Umupo ako sa may mga bleachers.” May nakita akong gusto ko ng makita ng matagal na, si Harley. Lumapit ako sa kanya pero unti-unti siyang lumalayo.

“Harley. Ui. Mag-usap tayo, may problema ba?”, dedma lang siya. Patuloy na naglalakad habang

makarating kami ng football field. Hinabol ko siya hanggang sa siya na rin mismo yung humarap sa kin.

“Anu bang gusto mo Nathan?”, galit na sinabi ni Harley.

“Hindi kita maintidihan. Simula nung Lunes, di mo na ko pinapansin. Haggang ngayon lumalayo ka pa rin sa kin. Ano ba talaga ang problema mo?”, sinusubukan kong maging kalmado pero nadadala ako ng bugso ng damdamin.

“Problema ko? Ahh. Yun lang pala gusto mo malaman. Ang problema ko. Ikaw! Alamin mo kung bakit.”

“Anu? Dahil ba naging kaibigan ko sila Julia, Josh at Andrea magiging ganyan ka na. Wala na ba kong karapatan makahanp ng iba pang kaibigan?”, masyado ng nagiging hindi reasonable yung pagtatampo niya.

“Oo yun yung dahilan. Sila limang araw mo lang naging kaibigan akala mo taon na kung gumala kayo. Ako 3 taon na kitang naging kaibigan ganyan pa ibabalik mo.”

“Yun lang ba talaga problema mo? O may iba pa?”, natigilan siya sa mga sinabi ko.

“Anung ibig mong sabihin?”

“Hindi ko maintindihan kung kaibigan lang ba talaga turing mo sa kin.”

“Huh?”, alam kong alam niya mga sinasabi ko at nagbibingibingihan lang siya.

“Nararamdaman ko na may pagtingin ka sa kin.”

“Oo meron! Anu masaya ka na? Masaya ka na sinasaktan mo ko ng unti-unti?”

Opposites AttractWhere stories live. Discover now