Opposites Attract: Chapter 1 - Sikretong Kaibigan

255 5 4
                                    

Posible bang magkagustuhan ang dalawang taong magkaibang-magkaiba? Gagawin mo ba ang lahat para mapansin ka ng taong mahal mo? Ako oo. Ako si Nathan at ito ang aking kuwento.

“Class. Who ruled the Kingdom of Macedonia and is considered one of the greatest warriors of the history?”

“Sir. Alexander the great or Alexander III”, tumayo ako at nagsalita.

“Correct Nathan”, habang papaupo ako biglang nagtawanan yung mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawang nakakatawa. Nung lumabas na kami kasi tapos na yung klase. Nagtatawanan yung mga taong nakakasalubong ko. Di ko alam kung bakit.

“Hi Nathan!”, parang nangaasar yung boses nila tapos ginagawa nila yung L sign. Tapos nakita ko si Harley, yung best friend ko.

“Ui Nathan. Musta na? Long time no see.”

“Eto okay lang.”

“O bakit merong nakadikit sa likod mo. Anu to? I’m a Nerdy Loser. Naku grabe naman yan. Sinung nagdikit sayo niyan.”, parang nag-aalala yung boses ni Harley.

“Di ko alam pero nagtatawanan nga lahat ng nakakasalubong ko eh. Nasasaktan na nga ako Harley. Lagi na lang nila ako ginaganyan.”

“Hay Nathan. Wag mo na lang sila pansinin. Inggit lang sila sayo kasi matalino ka. Pogi ka pa”

“Talaga?”

“Oo naman. Ikaw yata ang pinakapogi kong bestfriend.”, sabi ni Harley. Si Harley na nga lang nagpapalakas ng loob ko. Naglakad kami papuntang covered court. Dun kami kumakain sa may stage. Papapakyat kami at may natapakan ako ng Biglang

BAAAAM

Natapunan ako ng green slime galing sa balde sa may ceiling. Napuno ng slime yung buong katawan ko. Nagtawanan lahat ng tao na malapit dun sa stage. Parang echo yung mga tawanan nila. Di ko na mapigilang umiyak. Bat ba nila ako binubully. Wala naman akong ginagawang masama. Dahil basa itsura ko? Dahil ba nerd ako? Nakita ko yung crush ko si Julia na dumadaan sa stage.

“Si Nathan ba yun? Kawawa naman.”, sabi ko

“Oo Julia, si Nathan yun. Kasi naman Nerd siya eh kaya siya binubully.”, sabi ni Jenna

“Alam mo gusto ko siya tulungan pero nahihiya ako. Baka isipin nila nakikipagkaibigan ako sa Nerd.”

“Wag mo na lang pansinin. Tara kain na tayo”, di ko mapigilang maawa kay Nathan. Pero kasi lalampa-lampa sya eh.

“Anu ba kayo? Bakit ba kayo mean kay Nathan? Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo? Purkit ba Nerd siya may karapatan na kayong I-Bully siya?”, galit na galit si Harley habang pinagtatanggol niya ko sa mga tao.

“Eh kasi naman eh. Lalampa-lampa. Nageexercise ka ba boy? Ganyan talaga pag Loser. Hahahahah”, sabi ni Alex. Yung pinakabully sa batch namin.  Narinig ko lang nagtawanan sila tapos yung mga tingin nila sa kin. Tumakbo na lang ako palayo. Di ko na mapigil umiyak. Sinundan ako ni Harley sa C.R.  Naglock ako ng pinto.

“Ui Nathan buksan mo to. Si Harley to.”, kahit gusto ko pigilan umiiyak pero napapaiiyak talaga ako. Binuksan ko yung pinto.

“Nathan, sorry kung di kita masyado napagtanggol.”, sabi ni Harley.

“Hindi Harley, napagtanggol mo ko Thank you ah. Sorry kung nagkakaganito ako.”, bigla akong napatingin sa salamin.

“Kaya ba binubully nila ako kasi yung polo ko de button hanggang leeg? katchupoy yung buhok ko? nakasalamin ako,? Nakabrace ako? Mahina ako? Sumosobra na sila. Di ko na kaya.”

“Nathan. Ganito. Wag kang susuko. Patunayan mo sa kanila na kaya mong maging malakas.”

Niyakap ako ni Harley. Pagkatapos, nagpalit na ako ng damit. Pumasok na ko sa susunod kong klase. Pagkalabas ko ng C.R. Nakita ko yung crush ko, si Julia. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya habang nagkatinginan kami. Di ko mapigilang ngumiti kapag nakikita ko siya. Kahit ang pangit ng nangyari kanina. Gumanda yung araw ko. Kung pwede lang maging kami eh. Kaso imposible. Ako Matalino, Nerd, Lampa. Siya, sikat, magaling kumanta, magaling sumayaw, magaling umarte lahat na nasa kanya. Parang langit at lupa. Habang naglalakad kami ni Harley may tinanong ako sa kanya.

“Harley! Single pa ba si Julia?”

“Ang alam ko hindi kasi may boyfriend na siya eh.”

“Ay Ganun.”, nalungkot ako.

“Bakit? Crush mo siya. Naku nagbibinata na ang bestfriend ko.”

“umm. OO kaso wala naman kaming pag-asa nun sigurado.  Sa itsura kong to. Tsaka sikat siya, ako Nerd. Ang layo naman diba?”

“Anu ka ba! Opposites Attract. Tsaka malay mo, balang araw. Para kayo sa isa’t isa. Ang tawag dun, Destiny.”

“Oo nga no. Sana magkatotoo yan.”

“Walang imposible. O, Nathan, papasok pa ko sa klase ko Sa Chemistry. Sige bye bye.”

After 1 Week (Sa May Library)

Naku, tatapusin ko yung Assignment ko sa Algebra. Pumasok ako ng Library. Dumercho sa Math Section at nagulat ako. Nakita ko si Julia. Mag-isa at nasa library. Mukhang umiiyak. Umupo ako sa table kung nasaan siya. Hindi niya ako pinansin. Habang ginagawa ko yung assignment ko. Hindi ko napigilang kausapin siya.  Pagkakataon ko na to.

“Hi”

“Hello”, sabi niya na pabalang. Nako mukhang may problema to.

“Naku… Mukhang umiiyak ka ah.”

“Obvious ba? Wag mo na nga ako pakialaman.”, Napatahimik ako sa sinabi ni Julia. Lalayo na sana ako sa kanya ng hinawakan niya ang kamay ko.

“Ui. Sorry ah.”, tapos biglang niyakap niya ko. Humagulgol siya sa balikat ko. Ngumiti ako. Di ko mapigilan.

“Sorry Nathan. Di ko sinasadya yung sinabi ko kanina. Nadadala lang ako ng problema ko.”

“Anu ba yung problema mo?”

“Kasi. Yung boyfriend ko. Marami akong naririnig na nagsasabing niloloko lang niya ko. Nambababae daw siya. Naninigarilyo. Nasasaktan ako. Pero hindi ko mapatunayan eh.”

“Naku. Kung gusto mo tulungan kitang mapatunayan yung mga sinasabi nila. Kung gusto mo lang naman.”

“Ummm. Sige.”

“Sige deal yan ah.”

“Nga pala, Salamat na in advance. Pero wag mo pagkakalat na naguusap tayo ah. Secret friends na rin tayo.”, napangiti ako sa mga sinabi niya. Nung una speechless ako. Kinikilig. Kasi kanina parang umiiyak siya tapos ngayon ngumingiti na siya. Napangiti na rin ako.

“Sige, secret friends.”, tumigil yung mundo ko nun. Nagpatuloy kami sa paggawa ng Assignment. Tinuruan ko siya sa Math.

“AYYYY! Yung salamin ko!”, nahulog yung salamin ko. . Papulot na ako ng nagkahawakan kami ng kamay. Tapos nagkatitigan kami. Tapos nagkangitian. Ilang Segundo lang yun pero parang ang tagal. Ang ganda nga pala talaga niya. Yung mata niya. Yung labi niya. Yung ilong niya. Ang perfect.

Ayy. Kyut din pala to si Nathan kapag walang salamin. Ang kyut ng mga mata niya. Medyo pogi siya ha pag nakagulo yung bangs niya sa buhok niya.

“O Nathan, eto yung salamin mo.”

“Umm. Thank you Julia.”, nagkangitian kami.

“Nga pala Julia. Bababa na ko. Di pa ako kumakain. Bye”

“Bye Nathan.”, pangiti niyang sinabi. Habang papalabas ako ng library di ko napigilang mapangiti sa mga nangyari kanina. Dumercho ako ng roof top at sumigaw ng YEEEEEEEEEEEEEEEEEEESSSSS. Ang saya lang.

Ang bait din pala talaga ni Nathan. Medyo cute din siya. Kung di lang talaga siya naging Nerd baka siya na pinalit ko kay David. Haay makababa na nga. Bakit ganun, kinikilig ako sa nangyari kanina. Haaay Nathan. 

Itutuloy... :)

*Harley is a girl :) 

Opposites AttractWhere stories live. Discover now