Opposites Attract: Chapter 4- Kalimutan

64 0 0
                                    

Monday ng Umaga

Paggising ko ng Umaga tumingin agad ako sa salamin.

“Ako ba to?”, tanong ko sa sarili ko. Ibang iba talaga istura ko. Hindi pa rin ako sanay. Habang nagaayos ako papasok ng school, pinili ko yung damit polo shirt na binili sa kin ni Julia. Checkered pa rin siya, parang yung pangkaraniwan kong suot pero maganda yung kulay. Iniisip ko kung susuotin ko pa yung salamin ko. Hindi na naman malabo mata ko tsaka baka sabihin ni Julia magmumukha lang akong Nerd. Ngumiti ako. Nga Pala, wala na akong braces, pinatanggal ko na nung Sunday. Okay na yung ngipin ko. Yung buhok ko talaga yung nakakapanibago, din a haggard at katchupoy. Nanghihinayang ako sa ayos kaya nilagyan ko ng wax. Anu kaya magiging reaksyon ni Julia pag-pumasok ako ng school. Pababa na ko ng hagdanan para umalis papuntang school ng biglang…

“Nathan, Ikaw ba yan? Pogi mo na.”,  manghangmangha ang mama ko.

“SIge ma alis na ko.”

Habang papasok ako ng school, hindi ako sanay sa nararansan ko. Kung dati,  pagsakay ko ng jeep pinagbubulngan ako ng mga katabi ko at sinasbaing “Yuck! Nerd!”, ngayon, para na yata akong crush ng bayan, may mga babaeng nakatingin sa kin at parang kinikilig. Bumaba na ako ng jeep at pumasok papuntang school.

Naku! 7:55 AM na. Tumakbo ako papunta ng covered court. Nandun na yata halos ng members ng dance club. Pumunta ako ng stage at nagulat lahat ng nandun.

“Oh Nathan! Nandito ka na pala. Ang pogi mo”, kinurot ako sa pisngi ni Julia. Ngumiti lang ako.

“Si Nathan na yan! Pre no offense ah pero di ka mukhang Nerd. Mukha ka ng heart throb.” , sabi ni Josh, yung dance club member na kaibigan ni Julia.

“Nagpatanggal ka na rin ng brace, bagay sayo. Ang ganda ng ngiti mo.”, ewan ko ba kung maflaflatter ako sa mga sinasabi ni Julia o matutuwa o mahihiya.

“May ka-date ka nab a sa prom this Saturday? Baka pwedeng ako yung idate mo?”, sabi ni Andrea, yung kaibigan ni Julia.

“Sorry girls. Ako ang ka-date ni Nathan sa prom. Diba Nathan?”, tumingin sa kin ng masinsinan si Julia tapos biglang ngumiti. Di ako makasagot agad. Pero sino naman ang tatanggi na makadate si Julia, lahat yata ng lalaki sa Campus gusto siyang makadate.

“Umm. Oo”

“You heard it from him. Oh tara na practice na tayo.”inakbayan niya ako ni Julia tapos nag-warm up exercise kami. After nung exercise naming, nagsimula na kami sumayaw. Nagpraktis kami nung intermission number para sa prom. Teach Mew How To Dougie at Fireball pa sayaw namin. Medyo challenging to. May showdown na part. Ang gagaling nila sumayaw. Naku paano na kaya to? Bahala na. Sumayaw na lang ako. Nagpakitang gilas. Nagulat lahat. Napamangha. Aakalain ba naman nila na ang isang nerd na katulad ko ay makakasayaw ng ganun. Nang matapos yung number maraming bumati sa kin.

“Nathan! Ang galing mo pala sumayaw.”

“Nathan! Ang pogi mo paghumahataw sa sayawan.”, naisip ko, kung hindi ako nagbago ng style or image, mapapansin ba nila ako ng ganito. Siguro dapat ko nga talagang pasalamatan si Julia.  Tinapik ko si Julia.

“Hi Julia”

“Hi Nathan. Ang daming nagbago sayo sa loob ng tatlong araw. Wala ka ng brace. Iba ka na manumit. Ang astig ng hairstyle mo. Wala ka ng salamin. Ang pogi mo na.”

“Nagustuhan mo lang ba ako dahil nagbago ako?”

“Hindi. Kahit nung nerd ka pa, may naramdaman na ako para sayo. Ang gusto ko nga sayo, lahat binago mo sa sarili mo pwera ang maganda mong ugali.”

“Salamat talaga Julia. Dahil sayo napapansin na ko ng lahat.”

“No worries. Matagal na kitang gusting tulungan and matagal na kitang gustong mahalin.”

Opposites AttractDove le storie prendono vita. Scoprilo ora