OTSENTA'Y SYETE *GIAN*

1.7K 64 0
                                    

Ilang araw at linggo na din ang lumipas,gaya ng unti unting paghilom ang aking mga sugat...Matagal bago ako nakapag pasya,gusto ko na muna sanang makalimot sa sakit,gusto ko na muna sanang bigyan ang sarili ko ng panahon para tuluyang matanggap kung anu ang totoong nangyari.Matapos kong dumalaw kila mom and dad sa SG,Pinabook ako ni LORI ng ticket papunta ng L.A.Dun daw kasi kukuhanan ng shots ang Perfume Commercial na gagawin namin under MIA SCENT'S.At dahil naka pirma na ko ng kontrata,wala akong choice kundi tumupad sa napagkasunduan.Malay ko ba namang ANG MIA SCENT,ANG IRISH FAB AT ÈSPRESSO PAULA ay Pagmamay ari ng B.I.G!

...Kaharap ko ngayon si BIANCA,Na SI BETTY din at si PAULA. haaaaist!Bakit pag naiisip ko un,Nararamdaman ko how STUPID IAM! Pasimple ko syang tinignan habang nakayuko sya.Bahagya syang namayat sa tingin ko.Pero Napakaganda pa din kahit napaka simple lang ng suot.SINO bang mag aakala,na ang kaharap ko ngayon ay ang ISA SA PINAKA BATANG BILYONARYANG NEGOSYANTE ng bansa ngayon.
"Ayos lang naman yung byahe,hindi naman sya naging sagabal para makarating dito._ako
"Mabuti naman kung ganun.Nakausap mo na ba si direk Soriano,Ang sabi ng secretary ko,nagshopping sila ngayong lahat agad._Lori
"Yeah,nagkita kami sa lobby ng hotel kanina pag dating ko. Ang sabi nga,sinabihan mo daw sila na mamasyal na muna today at bukas na magsimula ang shooting day._ako
"Yeah,gusto ko naman kahit papano mafeel ng staff and crew na di sila andito lang dahil sa trabaho,para na din makapag relax._LORI
"Bukas for sure,maghapong briefing at vtr ang ipagagawa ni direk Paul nyan._Glenn
"Hahahha,for sure.Naka trabaho ko na yun sa fastfood commercial ko before...masyadong mabusisi,lahat ng anggulo gusto perfect._gwen
"Haaaist!Its my first time with him.Sigurado ako,pareho kaming mag aadjust._AKO
"Hey!Trabaho na agad yang pinag uusapan nyo ah!Bukas na yan noh!Andito tayo para mag celebrate!_Sam
...Sabay sabay naman kaming napalingon lahat kay SAM
"Celebration for Us! Ung totoong tayo lahat! Yung wala ng TINATAGO at KINATATAKUTAN._Sam
"Ahhhhh!Uu nga naman! LETS DRINK TO THAT!_Glenn sabay angat ng baso nya kaya nagsunuran na din kami.

Napansin kong tahimik lang si Bianca,Gaya ng dati..Halatang Naiilang at Nahihiya sya dahil sa mga Nangyari sa amin nuon
..Well,dapat lang talaga syang mahiya.Ginawa nya kong Tanga!Pinaniwala nya kong magkaibang tao sya!..Tssssss!
Napalakas ata ang paglapag ko ng baso sa mesa kaya napatingin sila sa akin lahat.Tapos napasulyap ako sa gawi ni BIANCA na bahagyang namutla pagkakita sa ginawa ko.
"Dude,ayos ka lang ba?_gwen
"Im fine,Napagod lang siguro sa byahe..Mauuna na ko sa hotel guys,bukas na lang tayo mag kita ulit._ako.sabay tayo na at walang lingon ng umalis.

Actually,di naman ako pupunta ng hotel..Maglalakad lakad na muna ko.Its my first time here in L.A.Nakapg US na din naman ako pero sa New York at Washington ako nakapunta nuon.
Napadaan ako sa tapat ng HOLLYWOOD SIGN at nagselfie.Kahit malayo lang ay iba pa din ung may picture ka na nasa holywood ka.Ang balita ko din,sa BEVERLY HILLS nakatira dito si BIANCA. Tirahan ng mga mayayaman dito sa L.A.Hindi naman nakapagtataka dahil Napakalaking tao sa bansa ni BIANCA PAULA IGNACIO.Sinong mag aakala na ang betty na kasa kasama ko lang sa Park nuon ay isa pa lang BILYONARYANG NEGOSYANTE.haaaaaaist!Eto na naman ako.Pano ko makaka move on pag palagi ko syang naaalala.

Kinabukasan ko lang nalaman kung gano ka mitikuloso ni direk Paul.Maghapon na kami pero hindi pa din tumitigil si direk ng kakapaulit ng scene ko.Andito kami sa isang Theme Park kung saan ang scene ko dapat ay may makakasalubong akong isang tao na MAAAMOY ko ang pabango nya at sa paglingon ko ay nawala na agad sya.
"Cut!GIAN,WALANG MAKITANG REACTION SA MGA MATA mo.
Wala ka pang dialog dito,kaya kailangan maramdaman namin na nainlove ka na agad pagka amoy mo ng MIA's mallows sweetscent.
_direk Paul
"Yes direk,i'll do it good this time._ako
"Kulang ka sa INSPIRASYON,mag isip ka ng isang AMOY which is hindi mo talaga makalimutan..example ung PABANGO NG GIRLFRIEND MO na hinahanap hanap mo..mga ganun._direk
"Yes po direk,i will._ako.Nahihiya na din ako sa mga kasama ko at staff,imbis na tapos na ang scene namin natatagalan dahil sa akin.haaaaist!Gian naman..Concentrate!isipin mo,may inaamoy kang marshmallow.wait,hindi amoy ng marshmallow,kundi lasa ng marshmallow!..Its BETTY/BIANCA'S LIPS!..Namula ako ng maisip ko yun.Hanggang sa marinig ko nalang si direk na sumigaw ng CUUUT!
"Good take GIAN! Take a look at your face nung maamoy mo ung
Pabango from someone,yan ung gusto ko.Napapikit kapa after tapos ang galing nung reaksyon mo nung hinahanap mo kung kanino nang galing ung amoi na yun._direk.habang pinakita sa akin ung kinuhaang scene.
"Thanks direk,Salamat naman at nakuha ko din ung tamang anggulo at facial reaction._ako
"Very good guys!thats all for today.Bukas last shooting day para sa kanilang tatlong beautyqueens naman._direk.
After ng eksena ko,natapos na din sila at nag aayos na ng mga gamit.Nauna na ako sa hotel para makaligo at makapag pahinga.
Natapos na kasi kunan ung kila gwen at glenn kahapon at nung isang araw pa,may kanya kanya kaming solo ads at sa last part magsasama sama na kami sa isang scene na bukas kukuhanan.
After ko magshower,nakabathrobe na humiga lang muna ako sa kama.now ko lang naramdaman ung pagod sa maghapong shooting kanina.
GWEN CALLING...Patamad na sinagot ko naman ang tawag ni GWEN.Ako lang ang nasa hotel samantalang sila,sa mansyon ni BIANCA nag stay.
"Gian! Bilis ka,daanan ka namin dyan!_gwen
"Im tired!Palibahasa kayo maghapon lang nagtsismisan dyan!_ako
"Gian!its me LORI..sumama kana,di tayo magpupyat promise!_LORI
..Wala naman akong choice,si LORI na ang nagyaya.Natural,sya ang sumagot ng expenses ko dito kaya wala akong karapatang tumanggi.
...Isang shirt na pinatungan ko ng leather jacket at skinny jeans ang sinuot ko.With matching boots at scarf.kahit summer sa L.A ngayon,malamig naman kapag nasa loob kana ng mga establishments.Dinala ko din ang headset ko just in case wala akong makausap dahil for sure busy naman sa paglalambingan ang mga LOVERS.
Pagbaba ko hotel,eksakto namang naka abang na sila sa akin,dumungaw sa bintana ng sasakyan si gwen kaya sumakay na ako sa isang LIMO na nakaparada sa harapan ng hotel entrance.
"Hello gian,how's your taping?balita ko ang ganda ng scene mo dun sa commercial ah!_Sam.
"Okey lang naman..medyo nahirapan nga ako magmotivate kaya natagalan kami mag shoot._ako
"Yan ang hirap ng walang Inspirasyon eh walang motivations! Walang Pinaghuhugutan!_gwen
"Hahahaha!Ganun ba yun?kaya pala balita ko,yung simpleng eksena mo nga daw na pipikit ka lang dahil nag i spray ka ng pabango,naka take ten kapa?_glenn
"Grabeh ka sa ten takes! Sympre gusto ni direk perfect noh,kaya matagal.hehehhee_gwen
"Palusot kapa!Ang sabhin mo,wala ka talagang talent sa pag arte, puro ka lang ganda!hahahah_ako sabay kaming nag apir ni glenn
"Ang yabang nyong dalawa!Kayo din naman nadadala lang ng mga title nyo kaya madami kayong commercial ah!_gwen
"Hahahha.sweetheart kalma! Hayaan mo na sila,kahit di ka magaling umarte,magaling ka naman sa karera,natalo mo nga ko nun diba?_LORI
..Napakunot ang nuo ko,karera?natalo saan?_ako
"Naku GIAN,remember ung may karera tayong pinuntahan..Sila pala ung nakalaban natin.Ung natalo tayo,si Gwen lang nanalo sa atin,ang nakalaban ko naman nun si SAM.Costumized ung sasakyan ni hon,gawa ng mga kuya nya kaya fir sure talo talaga ko._glenn
Napatango na lang ako..So ibig sabihin,ung nakatalo sa akin nuon..si BIANCA pala?

"IKAW ANG MISS UNIVERSE NG BUHAY KO"(LESBIAN ❤LOVE) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon