SINGKO 'BAKEKANG

2.9K 81 0
                                    

...Gaya ng dati,nasa opisina na naman ako para mag spy.ilang buwan na din mula ng mapagpasyahan kong magpanggap na isang simpleng empleyada sa sarili kong kumpanya.May mga tauhan kami na maaring gustong sumabotahe sa kumpanya. Sa dami kasi ng nagsusulputang mga bagong REAL ESTATE BUSSINESS sa bansa,mas dumadami ang kakumpitensyang gustong pabagksakin ang kumpanyang pinaghirapan namin nila LORI at SAM.Sa ganang akin,mas ako ang apektado dahil aq ang pinakamalaki ang share of stocks sa kumpanyang ito. Sa totoo lang,bilyong piso ang puhunan para sa ganitong negosyo.Isama mo pa ang pagmi mintina sa taunang pagbabayad sa mga TAXES AT LISENSYA para mga condos at house and lots na ipinatatayo. Madami kaming mga tauhang binabayaran at pinapasweldo para sa pagpapatakbo at pangangalap ng mga bagong buyers para sa mga bahay at condo unit na binibenta namin.at pati na ang pag intindi mga pangunahing pangangailangan ng mga costumer namin.Hindi naman kasi porke nabayaran at nabili na nila ang isang condo unit or isang lote,tapos na ang transaksyon.kailangan din naming panatilihing maganda ang serbisyo at pagpapalakad ng mga properties ng sa ganun mas madami pa ang magtiwala sa aming kumpanya.

Ilang araw din akong binabagabag ng konsensya nung  mabalitaan kong ung isang subdivision na kami ang developer ay binaha.maraming bahay din ang nasira at may ilan din pamilya ang naapektuhan dahil sa nangyari.kaya naman gusto kong ako mismo ang maka tuklas ng mga anumalyang nangyayari sa mga loob mismo ng kumpanya ko.
Kahit naman papano, hindi ako nagkukulang sa pagbibigay ng tamang budget sa mga supplies at pagpapa ayos ng mga dapat ayusin sa pagpapatayo ng isang maayos at mgandang pamayanan.
...Sa ngayon, bukod sa BEAVILLE subdivision, LORRILAND town and country...ang SAMMYHOMES naman ang malapit ng matapos idevelop para pwede ng matirahan.
Isang CONDOMINIUM naman ang sisimulang ipatayo namin pagkatapos ng SAMMYHOMES sa susunod na taon.
...Nabalitaan ko din kasi na May mga kumpanyang nag aalok sa mga tauhan ko ng mas mataas na benipisyo para ipirate.kaya naman para malaman ko kung sino ang espiya sa loob ng kumpanya, minabuti kong magpanggap bilang si BETTY AKA BAKEKANG. isang murang motor lang ang ginagamit ko sa pagpasok, bukod sa itsura, pananamit at buhok..kailangan ko ding magpalit ng pangalan.
...Maya maya pa ay nagsimula na akong mag focus sa ipinagagawa sa aking report ni SIR CLIMACO.sya ung head engineer ng kumpanya.siya ang namamahala sa pagpa plano at pagpapaganda ng buong subdivision.
"Miss Ignacio, ung mga pinapagawa ko sayo natapos naba?_sir CLIMACO
"Yes sir, ok na po._ako
"Ok salamat.bago nga pala ako bumalik sa site pakitawagan naman si ARCHITECT Ponciano, ifollow up mo ung newest update regarding dun sa binahang subdivision._sir Climaco
Agad agad kong tinawagan si Mr.Ponciano para ako na din mismo ang unang makabalita.
"Ahhm hello sir, ako po si betty Ignacio regarding sa BORRIS Residences.May updates na po daw ba sabi ni Engineer Climaco?_ako
"Yes, pakisabi kay Climaco na nalaman na ang sanhi ng biglaang pagbaha sa lugar.may kailngang managot sa insidenteng ito._mr Ponciano
"Cge po sir, makakarating.salamat._ako.
matamang nag iisip ako sa anung kapalpakan ang nangyari bakit nagkaganun? Kailngan naming magharap harap lahat sa board meeting sa lalong madaling panahon. Ayoko ng maulit pa ang nangyaring ito.
...Pagkatapos kong makausap si mr Climaco ay agad kong hinanap si Mrs
Nolasco.napapansin kong madalas syang nawawala sa opisina kahit nasa oras ng trabaho.
Sinilip ko din ang ilang empleyadang nakatutok sa kani kanilang mga trabaho.
"Betty! Paki kuha naman kami ng miryenda sa canteen!_si Janine, isa sa empleyada
"Isang kape at isang slice ng cheese cake sa akin ha.._si joan, isa din sa empleyada
"Hoy, mahiya nga kayo.di utusan si betty dito noh..ahhh betty, ako na din isang mami._si annie sabay ngiti sa akin.
...ang plastik, isa din nman syang pala utos! Ako.sabay baba para kumuha ng orders nila.haaaaist! Kundi lang ako nagpapanggap..malamang makatikim sa akin ang mga ito.
Pagpasok ko sa opisina kanya kanya na silang kuha ng order nila sa kasama kong waiter sa canteen.sympre di ko naman madadala ung mga inorder nila kaya need ko ng backup.
Ilang sandali pa dumating na si mrs Nolasco na parang galit na galit.
"Lahat ng report nyo mula nung january, ibigay nyo sa akin.pinapahanap ng mga bosses ang complete list ng mga transactions natin ngayong pagpasok ng taon!_mrs nolasco.sabay pasok sa sarili nyang opisina.kanya kanya naman silang hanap ng mga files sa computer nila.
...Sa isip ko, ilang araw ko na ung iniiutos sa secretary ko bakit now lang nakarating kay mrs Nolasco? O sadyang now lang sya nag ka interes mag basa ng memo? Ganun sya ka Inifficient pag dating sa trabaho?
"Miss betty, bukas baka late na ako makapasok.make sure na lahat ng files na nakalap nyo Ikaw na bahala mag rearrange._mrs nolasco sabay dial sa telepono nya
"Hello mr Tejada, bukas ko nalang po dadalhin jan ung pinag usapan po nating clients ko...opo, naku sure buyers po iyon kasi matagal na naming costumer un dito.._mrs Nolasco.napansin nya atang nakikinig ako kaya pinalabas na nya ako sa room nya.
Pag balik ko sa table ko agad kong sinearch si mr.Tejadas sa internet.
Madaming Tejada ang lumabas pero isang TEJADA ang nakita kong may kinalaman sa REAL.ESTATE BUSSINESS.si Johnny Tejada.Kilala ko sya bilang isa sa kakumpitensya ng kumpanya.may mga lupa akong dapat bibilhin nuon pero inunahan ako ni Johnny sa pagbili sa lugar.
Bigla akong napaisip.sya kaya ang isa sa gustong sumabotahe sa kumpanya?

...Natapos ako sa ginawa ko buong maghapon at saka ko naisipang umuwi na.sa makalawa ang restday ko dito kaya sa opisina ko naman sa main ako papasok para sa lingguhang meeting namin ng mga board of directors ko including my co partners SAM AND LORI.
Sakay ng bulok kong motor, binabagtas ko ang kahabaan ng edsa habang stranded sa traffic.di bale, malapit na ko lumipat sa LOBISA, Mas madali na sa akin ang pag pasok at pag uwi.Pero kailangan ko pa ding mag ingat.malapit ko ng matuklasan ang mga sangkot sa anumalya sa kumpanya.magbabayad ang dapat managot.hindi ako.makakapayag na may sumabotahe at magpabgsak sa kumpanyang dugo at pawis ang puhunan ko at bilyong pisong pwedeng mawala kung di ko malalaman ang punot dulo ng lahat.

...Sino nga ba ang magiging kontrabida sa istoryang ito? Lets all wait and read.*wink*thanks po sa pagbabasa

"IKAW ANG MISS UNIVERSE NG BUHAY KO"(LESBIAN ❤LOVE) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon