CHAPTER-5

12 1 0
                                    

Shin's P.O.V

Papasok na ko sa school. Absent si Nash ngayon, di ko rin alam kung ano yung dahilan kaya malungkot ako ngayon at walang kausap. Dumating ako sa school ng malungkot pero nang nakita ko si Newth na nakaupo na sa kanyang upuan ay lihim nalang akong napangiti.

"Hello sir " Inasahan ko na hindi niya ako papansinin
pero ang sakit parin pala. Siguro kasi masaya na siya na nagkabalikan na sila nung gf niya.

Pero hindi lumipas ang limang minuto ay pinansin niya ako.

"Don't call me sir when we're in school. That's an order."

"Ok" di ko na mapigilang hindi ngumiti sa sinabi niya. Pagkatapos nun ay hindi na kami nagimikan. Di narin ako kumain nung break dahil nagtitipid ako. Nag ring na yung bell so ibig sabihin ay uwian na.

Umuwi na kaagad ako ng bahay at naghanda para sa trabaho ko mamaya. Gusto ko sanang tawagan si  Nash o di kaya ay puntahan sa bahay nila kaso di ko alam ang number at bahay nila.

Nakarating na ako sa trabaho at tama nga ako, wala si Nash. Namiss ko tuloy siya.

Napatingin ako sa pinto nung nakita ko si sir Newth.

"Goodmorning po"sabay-sabay na bati namin kay sir.

"Ms. Felton, follow me." kalmadong sabi ni sir habang naglalakad patungong office niya.

"Uyyy. Ang swerte mo girl ahh" sabi ni Zara, workmate ko.

"Alam mo namang aalalayan ko lang siya para dito sa cafe." Di ko na inantay yung sagot niya at pumunta na sa office ni sir.

Pagkabukas ko ng pinto ay nabigla ako ng nandun lang siya mismo nakatayo so muntik na tuloy akong masubsob sa dibdib niya.

"Sirr! Bakit nandyan po kayo."

"I'm just excited."

"B-bakit po?"

"Mamaya mo na ako turuan. But for now you'll go with me." Bigla niya na lang ako hinila papalabas sa cafe.

Di niya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. Ano pa ba aasahan ko? Pero nakakapagtaka ah! Bakit ako pa yung sinama niya.

"Sir saan po tayo pupunta?"

"Just don't ask?" sabi niya ng nakangiti. Nakangiti? Himala ata toh.

Tahimik ang buong byahe may time na su.usulyap ako saka ya pero binabalewala niya lang kaya di na lang ako nagsasalita.

Nakarating kami dito sa flower shop. Di ko mapigilang mapangiti. Liligawan niya na kaya ako.

"Bakit tayo nandito?"

"For you, what is the best flowers for your love ones."

"Para po sakin, hmn? White rose." Sabay turo ko sa boquet ng mga whit roses.Kumunot naman ang noo niya. Kaya sinabi ko yung reason. "Common na po kasi yung red rose. Kaya for me, mas special yung pagbibigyan mo nito. Atsaka malinis yung kulay niya, ang unique. Kaya mas dama yung pagmamahal mo sa pagbibigyan mo nito."

"Your right." Ngumiti pa siya habang nakatingin sakin. Ako nga talaga siguro yung pagbibigyan niya. Kunwari pa siyang tinanong niya ako. "Manang I'll take this boquet of white rose."kaagad naman sinunod iyon ni manang. At nung nabayaran niya na ay bumalik na kami sa kotse.

"I'm sure matutuwa siya kapag binigay ko to sakanya."

"Sino po?"

"Yung girlfriend ko. I think there's nothing wrong to forgive her."

"Ok" akala ko ako na. AKALA lang pala. Masyado na akong nasasaktan.

Nakarating na kami sa parking lot ng cafe.

"Mauna ka na. I  have to give this to her. Thank you"

"Wala po yun sir. Lagi lang po akong nandito pag kailangan niyo." Kahit masakit...

Lumabas na ako ng kotse niya. Nung nag 6 na ay umuwi na ako. Hindi ko nang magawang magsulat pa sa diary ko.

*****
Nandito na ako sa corridor ng school nang may biglang humila saking dalawang babae. Hindi ko alam na may fans na pala ako dito sa school. Ano kayang kailangan nila sakin, picture ba o fansign. Grabe naman sila pwede naman nila akong pakiusapan hindi yung ang higpit ng pagkapit nila saamin. Pero nabigla ako ng bigla akong sampalin ng napakalas nung nasa nakarating kami sa madami na ang mga studyante.

(Pakkkk!)

"Bakit mo ako sinampal?"

"I know you know the answer in your own question, bitch."

"Ano bang ginawa ko sayo at wag mo kong tatawagin na bitch dahil hindi mo kilala ang buong pagkatao ko."

"Ohhh. Akala mo ba hindi ko alam na nilalandi mo si Newth and guess what nagpapapansin ka din kay Newth. Do you think na papatulan ka nila lalo na si Newth." Sabat naman nung isang humila sakin. Ang dami nang taong nakatingin saamin.

"Di ko sila nilalandi. Di ko din alam na bawal na pala akong makipagusap sa mga kaklase ko. At wag mo akong minumura dahil kahit kailan hindi kita sinabihan n'on kahit alam kong mas malandi pa kayo sa kesa sa'kin." Nanlaki na ang mga mata nila kaya sinampal naman ako nung isa.

(Pakkkk!)

Wala lang man tumutulong sakin. Dahil dun sa sinabi ko sinabunutan na nila akong dalawa. Hindi ko alam na kasama pala nila yung tatlo sa likod kaya bale lima na silang pinagtutulungan ako.

"You are the only slut in this school"

"Ang kapal ng mukha mo transferee ka lang noh."

"Ang landi mo wala kang karapatan dito sa school"

Ayan lang naman yung mga naririnig ko. Ang dami pa nilang sinabi sakin pero di ko na maiintindihan, puro bad words pa nga eh. Ang dami ko nang mga kalmot at pula sa balat ko, nahahapdian na nga ako.

Pero sa di kalayuan ay natanaw ko si Newth, nakatingin dito. Gusto kong humingi ng tulong sakanya, pero di ko magawa dahil napapaaray nalang ako sa mga ginagawa nila.

Natakpan na siya ng mga tao kaya di ko na siya makita. Sana tulungan niya ako. May narinig akong tumawag ng pangalan ko.

Sana siya!

"Tigilan niyo nga siya." Pero mas lalo akong nanghina nung marinig ko yung boses na yun. Si Nash. Siya, siya yung laging nandyan para sa akin.

Hindi si Newth

Tinulungan niya akong itayo at pinalayo dun sa gitna. Hinanap ng mata ko si Newth. Bakit di niya ba ako magawang tulungan kahit bilang kaibigan lang.

Nandito na kami sa clinic. Nagamot na  nung nurse yung sugat ko kaya nakahiga na lang ako.

"Kahapon ka pa ba nila binubully."

"Ngayon lang. Salamat ahh"

"Wala yon. Dapat pa nga akong magsorry kasi late na ako dumating. Sorry kung ako yung dahilan kung bakit ka nila ginaganyan."

"Di ahhh. Mga psycho lang siguro yung mga babaeng yun"

"Haha! Sasabihin ko lang to sa guidance para maparusahan yung mga gumawa nito sayo. Bibili na din ako ng pagkain sa canteen,libre ko."

"Salamat ahh" Ngumiti lang siya at umalis na.

Kinuha ko naman yung notebook na maliit sa bag ko na nakalagay sa lamesa.

Dear crush,

           Mas lalo mo akong binibigyan ng dahilan para di kita magustuhan. Bakit di mo man lang ako tulungan pag kailangan kita, kahit bilang isang kaibigan lang. Hayaan mo. Simula ngayon, pipigilan ko na yung nararamdaman ko sa'yo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Dear Crush(Crush Series #1)Where stories live. Discover now