CHAPTER-1

14 1 1
                                    

Shin's P.O.V

UGH! Nakakakahiya talaga yung ginagawa ko kanina. Sa pangit kong 'to na kumausap sa isang gaya niyang anghel. Nagbell na, so ibig sabihin pupunta na'ko sa room. Hayyss!!! Ang laki talaga nitong school na'to. Isa lang akong scholar sa school na ito, working student na din ako dahil 50% lang naman talaga ang bawas kapag scholar ka dito. Kaya kailangan ko pa din magtrabaho lalo na't wala na akong mga magulang pero nandiyan naman ang tito ko na minsan akong kinakamusta. Sa isang cafe lang ako nagtatrabaho. Maliit parin ang kita ko dahil kailangan ko pang magbayad sa inuupahan kong bahay. Hindi din ako pwedeng makitira kina tito dahil gugulpihin lang din ako ni tita kaya mas pinili ko nalang bumukod. Teka! Asan na nga ba ako? Ang hirap talaga kapag baguhan ka sa eskwelahan,pero ginusto kong mag-aral dito eh kasi gusto ko maranasan na makapasok sa isang pribadong eskwelahan,kaya paninindigan ko 'to.

"Ayuuuun!!!"

Pero bago ako pumasok sa air-conditioned na room ay inayos ko muna yung buhaghag kong buhok.

"Why are you late?"bungad sakin ng isang matandang propesor

"Kasi po hindi maaga kaya late"nagtawanan naman ang mga bago kong kaklase. Totoo naman ah, bakit kaya nila ako pinagtatawanan.

"Are you joking me?"pagalit niyang tanong.

"Mukha po ba akong nagjojoke ma'am. Tsaka Chilaxx ma'am mapagkakamalan ko na kayong si madam auring eh. Eto judge ma'am ohhh ...Chillaaxxx"ginaya ko pa si James Reid habang sinabi yun. Pero mas lalong nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Sit down" matigas na sabi ni ma'am

Really?dito ako pauupuin ni ma'am malapit sa pintuan. Wala naman akong magagawa kaya umupo nalang ako sa sahig na malapit sa pintuan

"What are you doing there?"

"Sabi niyo ma'am umupo ako dito." kinalma muna ni madam auring yung sarili niya bago magsalita.

"Umupo ka sa tabi ni Mr.Lewis"

"Di ko po kilala yun."

"The heck you didn't know him?" sabat naman na mukhang malandi kong kaklase. Sa sobrang kapal ba naman ng make-up niya.

"Sasabihin ko ba na hindi ko siya kilala kung kilala ko siya,isip-isip ka nga din." mas lalo namang tumahimik yung mga kaklase ko. Pero may narinig akong nagsabi na ang suwerto ko pa daw dahil makakatabi ko pa yung lewis na yun.

"Silence. Ayun si Mr. Lewis at siya ang makakatabi mo." Himala di na mainit ang ulo ni madam auring huh!

Pero laking gulat ko ng malaman ko kung sino yun... Naku naman!Siya lang naman yung crush ko!!! Umupo nalang ako ng painosente na kunwari ay walang ginawang kahihiyan.

"Okay class. May group work kagad kayo pero pair nalang ang gagawin ko. Research lang ang gagawin niyo,kaya madali lang. Ginagawa ko 'to para di na kayo mahirapan dahil ayokong gumamit kayo ng libro. Anyway, I need it tommowrrow at ayoko ng late magpasa. Ang katabi niyo ay yun ang magiging kapartner mo."ang seating arrangement kasi dito ay kada table ay may dalawang seats so ibig sabihin siya talaga ang kapartner ko. Pumikit pa ako ng palihim. What a coincidence?!

"Ahm. San natin gagawin ----"

"In my house. After class" kalmado niyang sagot.

"Ahhhh sige"

******
(After 5 hours)

"Class dismissed"

"Bilisan mo, Epal"

"Endearment ba natin yung epal?"

"What?huhh! Assuming ka din pala."

"Assuming lang ako kung sasabihin ko na maganda ako." Totoo naman eh kasi bwisit kasi 'tong buhok kong sobra sa kapal.

My Dear Crush(Crush Series #1)Where stories live. Discover now