Chapter 6: The Cupid Heartthrobs

Beginne am Anfang
                                    

"Uy mataray na Campus Sweetheart, inuugat ka na diyan." natatawa na pang-aasar na naman ng singkit na 'to sakin, nainip na siguro. Pasimple pa siya e, gusto lang naman niya akong inisin ulit. Pero wala ako sa mood para patulan siya, iniisip ko parin kasi hanggang ngayon kung ano bang meron sa Cupid Heartthrobs na yun at... grabe naman yung members nila. Nakakagulat at nakakapagtaka lang kasi.

"Ahh.. Jayjay?" napakamot ako sa ulo habang humaharap sa kanya.

"Yes Meicah, the Campus Sweetheart?" Sige, ulit ulitin pa daw ba? Pang-iinis na naman nito kasama ng isang matamis at nakabibighaning ngiti. Haaay naku, kahit kailan talaga.

"Ano yung Cupid Heartthrobs? May alam ka ba dun?" Nagulat na lang ako nang mapansin kong natahimik siya bigla. Ang kanina lang na ngiti niya bago ako magtanong ay unti-unting nawala. Tapos medyo nagsalubong ang mga kilay niya na ngayon ko lang unang-unang makikita. At yung maamo niyang mukha na nang-aasar pa kanina at nakasanayan ko nang pagmasdan, ngayon... bakit naging seryoso na lang bigla? O-okay, anong meron?

"Oy Jayjay... okay ka lang?" tanong ko dito nang makita kong napayuko siya. "Uy? Okay ka lang?" inulit ko yung tanong ko habang sinisilip yung mukha niya pero... hindi niya ako sinasagot at sa halip ay bigla na lang akong tinalikuran nito.

"Tara na. Late na tayo." seryosong sinabi niya sa medyo matigas na boses compare sa usual na boses nito kapag kausap ko. Saka lumakad si Jhayden paalis sa kanyang kinatatayuan na parang tingin ko ay may bagay na ayaw pag-usapan. O-okay, what just happened? Bakit siya biglang nagkaganun? Did I say something wrong? Hala ka Meicah. Lagoooot! :|

•••

"Miss Villanueva, this chapter will serve as your report. Okay?" turo ni Maam sa chapter na yun sa isang page ng librong hawak niya.

"Ahh. Yes Maam!" sagot ko habang hinahanap ko yung magiging report ko sa sarili kong libro habang nakatayo sa harapan ng klase at nakaharap sa teacher's table. Lahat kasi kami ay binigyan ng History Professor namin ng kanya-kanyang topic na kailangang idiscuss before mag-end ang semester. Ugh. Very high school naman.

Habang naglalakad na ako papunta sa aking upuan ay todo hanap parin ako sa Chapter na yun. San ba kasi nakalagay yun? Sana sinabi man lang kung anong page yun diba? Scan... scan... at finally, nakita ko na. "The Filipino-American War". Napatigil ako sa gitna ng room nang mapansin kong... teka, ang dami naman nitong irereport ko! Hindi ba pwedeng bawasan? Grabe naman, bakit hindi ako pagurin? Pero okay lang naman 'to, alam ko by partner naman ang reporting e. Hehe. Buti na lang. Ehhh... sino nga ba munang makakapartner ko sa report?

"Ahh... Where's Mister Castro?" narinig kong nagsalita ulit si Maam habang nililibot ang mata niya sa buong room para hanapin kung sa'n nakaupo si... Mister Castro??? Sino yun??? Sorry, last name kasi e. I saw someone in my front slowly raised his right hand. Napatingin ako at...

"Mister Castro, you will be Miss Villanueva's partner on her report." w-what? Si Mister Castro... or better to call him as... Jeronne ang ma..gi..ging part..ner ko sa-gosh! (0____0)

Sa kasalukuyang pag-bu-buffer ng isip ko sa narinig kong sinabi ni Maam ay hindi ko namalayang kanina pa pala nakatingin sakin si Jeronne. Our eyes met for a while. I couldn't read what his fascinating brown eyes want to tell with. His face was, emotionless. After moments ay bigla na siyang umiwas ng tingin. And back to reality Meicah kaya napaiwas na rin ako at dali-daling dumiretso sa upuan ko. Napatakip ako ng bibig. OMG! Ang tagal ko bang nakatingin sa kanya?! Nahalata niya kayang nakatitig ako? Gosh, nakakahiya yun! (>____<)

Back to YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt