Chapter 6: The Cupid Heartthrobs

Start from the beginning
                                    

"Hehe. Sorry." tapos nagpeace sign siya habang unti-unti na namang nawawala yung mga mata niya habang ngumingiti siya. "Hindi mo ata kasi naririnig yung tawag ko sa'yo. Busy ka kadedaydream."

"Anong daydream? Hindi ah." at saka ako tumalikod sa kanya at nagsimula na ulit sa paglalakad. Sumunod naman siya sakin at sumabay sa paglalakad ko papuntang room.

"Wooow. Ang taray naman ng Campus Sweetheart."

"Shut up Jayjay, yan ka na naman e." at natawa na lang siya sa sinabi ko. Ganyan yang si Jayjay, hilig akong inisin.

Habang naglalakad kami sa 3rd floor, at nakikipagpatintero sa mga nakakasalubong naming mga istudyante doon ay napatigil bigla si Jhayden nang matapat kami sa Bulletin of Information.

"Meicah."

"Po?” pero patuloy parin ako sa paglalakad ng walang lingon-lingon.

"Tingnan mo 'to." tuluyan na akong napatigil at napatingin sa aking likod kung san nakita ko siyang nakatayo sa harap ng bulletin of info na yun.

"Bakit? Ano bang meron diyan?" tumabi ako sa kanya at nakiusisa din sa kung anumang binabasa niyang yun.

"Club Opening na next week. Hmm.. ano kaya ang pwede kong salihan?" habang nag-iisip si Jhayden ay patuloy ko namang binabasa ang nakasulat sa papel na yun.

Club Opening for all STU students? This coming nyenyenye, the Saint Thaddeus University will held a nyenyenye, for all students who wants to nyenyenye... ah ewan!

"Oh, nakapili ka na ba ng sasalihan mong club Jayjay?"

"Hindi Meicah. Hindi na lang ako sasali."

"Eh? Bakit naman?

"Mas uunahin ko na lang yung mas mahahalagang bagay kesa diyan." at bigla na lang siyang napakamot sa kanyang ulo.

"Hmm. Sa bagay." Naintindihan ko naman siya dahil sa busy naman talaga kami. Mas okay na rin kasi sa kanya na walang ibang pinagkakaabalahan maliban sa pagtakbo niya bilang Student Council 1st year Representative. Mahirap na nga yung course namin e tapos dadagdagan pa ng panibagong aalalahanin. Baka isang na lang araw e malaman kong nasa mental hospital na 'tong kaibigan ko. Naku wag naman, erase erase! Kung anu-ano na ang naiisip ko.

"Eh ikaw Meicah? Ano sasalihan mo?"

"Ha? Ahhh, teka..." tumingin ulit ako sa nakalistang mga club dun. Ano nga ba? Math club, english club, science club, news club, music club, cosplay club? Hanggang sa marating ko na yung huling-huling club... pero walang nakaagaw ng atensiyon ko para salihan.

"Wala e."

"Ha? Hindi ka na din sasali?" tumango lang ako, naintindihan naman niya siguro yung sagot kong yun. "E 'di, tara na sa room." tapos lumakad na siya paalis.

Ako naman, sa huling pagkakataon e binasa ko ulit yung nakasulat dun. Nagbabaka sakali lang na baka may nalagpasan ang mata kong club na medyo interesting na salihan. At sa huling part ng papel na yun ay naagaw ang atensiyon ko ng isang club na nakalista pangatlo sa huli.

"Cupid Heartthrobs Club"... na may nakalistang..... more than 10 thousand members?! Ano bang meron sa club na 'to at ganun na lang karami ang sumali dito?! (0____0)

Back to YouWhere stories live. Discover now