Ika-walo pa lamang ng gabi ng mga sandaling iyon at ang dating sigla ng bayan sa mga nagkikislapang mga ilaw ay nabalutan ng walang buhay na tanawin. Ang mga gusaling naroroon kung hindi nasunog ay basag-basag na ang salamin at matagal ng pinasukan ng mga tulad niyang nangangalap ng makakain.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niya ang dalawang aswang na nag-aaway at pinag-aagawan ang sariwang katawan ng isang kabayo na marahil sa sobrang gutom ay ang kawawang hayop na ang kanilang nilantakan.

Natigilan at napatingin sa kanya ang dalawang aswang habang ang mga mata ng mga ito ay tila nakakita ng isang napakasarap na pagkain sa kanilang harapan. Naglalaway na iwinasiwas ng isa sa mga ito ang napakahabang sangang dila na tila tinitikman ang lasa ng batang si Blake na dinadala ang amoy nito sa hangin papunta sa kanya.

Kinabahan si Blake sa gustong gawin ng dalawang aswang sa kanya. Ipinakita nito kaagad ang kanyang marka sa kamay na kusang nagliwanag ng kulay pula. Nagkatinginan ang dalawang aswang at tila nagkaintindihan na gawing hapunan si Blake.

Wala ng inaksayang panahon si Blake kundi ang tumakbo at umiwas na rin sa dalawang aswang, ngunit desidido ang mga ito na kainin ang bata. Mabilis na hinabol ng dalawa ang siyam na taong gulang na si Blake.

Pagdating sa dulo ng kalsada ay tila wala ng matakbuhan pa si Blake. Humarap siya sa dalawang aswang at saka nagpalita sa kanila ng nakakalokong ngiti.

Tumigil din ang dalawang aswang at nagkagirihan pa kung sino ang unang titikim sa pagkaing nasa kanilang harapan. Pero natigilan sila ng ang bata mismo ang mabilis na tumakbo papalapit sa kanila.

Tuwang-tuwa ang dalawang aswang sa kanilang nakikita. May katagalan na rin silang hindi nakakatikim ng sariwang lamang-loob ng tao.

Takam na takam silang pareho habang papalapit sa pagtakbo sa kanila ang batang si Blake. Nang ilang metro na lamang ang bata ay nag-unahan pang tumakbo ang dalawang aswang para makauna sa pagkain dito. Biglang tumalon si Blake pero laking pagkagulat nila ng biglang nawala sa ere ang bata.

Tumigil sa pagtakbo ang dalawang aswang at pilit na hinahanap ng kanilang mga mata ang batang bigla na lamang naglaho sa kanilang harapan.

"Nasaan na siya?!" Ang pasigaw na tanong nito sa kasamang aswang na nagtataka rin kung saan na napunta ang batang kanila sanang kakainin.

Hindi pa man nakakasagot ang kasama ay biglang lumitaw si Blake sa ere at isang malakas na tadyak ang ibinigay nito sa ulo ng aswang. Tumilapon ang aswang sa kanyang kinatatayuan at namilipit ito sa sakit. 
Halos hindi makapaniwala ang isa pang aswang sa nakita sa ginawa ni Blake. Eksaktong papakilos pa lamang ito para hulihin sa Blake ay biglang naglaho ang bata at sa isang iglap ay lumitaw ito sa likuran ng aswang. Isang malakas na sipa sa kanyang mukha ang pinakawalan ng bata at halos lumagutok ang mga buto sa mukha nito.

Humahalakhak na pinagmamasdan ni Blake ang dalawang aswang na kapwa nasaktan sa lakas ng pagsipa ng bata sa kanila.

"O ano?! Gusto niyo pa? Tara gawin ninyo akong hapunan ninyo at para gawin kong punching bag ang mga pagmumukha ninyo!" Ang tuwang-tuwang sabi ni Blake sa dalawa.

Halos hirap sa pagbangon ang dalawang aswang dahil na rin sa sobrang pagkahilo sa lakas ng pagsipa ng bata sa kanilang mga mukha.

"Sa susunod na pagtangkahan pa ninyo akong kainin ay hindi lang yan ang ipapatikim ko sa inyo!" Ang dagdag pa ni Blake at mabilis na naglaho sa kanyang kinatatayuan.

Sa isang iglap ay nasa loob na ito ng isang hotel na dati'y dito tumitira ang mga foreign delegates kapag bumibisita ang mga ito sa bansa.

Dito nababagay na tumira ang mga kapatid ko at si Lola Luring. Ang biglang pumasok sa isip niya pagkakita sa napakaluwang at engrandeng lugar.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now