"Tang ina this life!"
Lalo tuloy akong na curious sa pabor na hinihingi ni Trek kay Hidalgo. Hindi yan papa-under si Hallister kung hindi ganon ka importante ang kapalit ng pang-aalipin sa kanya ni Cali. Matapos maka-order ay halos ihagis sa amin ni Trek ang mga inorder niya. Balak balak ko na nga sanang ibato pabalik sa kanya, kung hindi lang ako nasiyahan sa order niya, pahiwalay niya kasing binigay sa akin iyong Big Mac, large fries, black forest sundae, three pcs. Na pineapple pie, at coke float.
"Talaga ba Pre? Seryoso ka ito lang iyong akin?!"
Napalingon ako kay Cali na halos kagatin na sa inis si Trek and he just gave him his middle finger. "You didn't tell me, what exactly you wanted to eat. Asshole. Buti nga naisipan ko pang ibili ka no. Choosy mong hinayupak ka."
"Common sense kaya diba?!" Padabog niyang binuksan iyong paper bag ulit. Bakit ano bang meron sa order ni—"Tang inang yan, sinong mabubusog sa isang regular burger, regular fries and drinks?"
Hindi ko pigilang matawa ng parang bata siyang kumagat at ngumuya. Tinawanan lang siya ni Trek na panay nguya naman sa Big Mac din niya. Bakit kasi kay lalaki ng bituka ng mga lalaki? Hindi sila mabusog sa kung anong pagkaing nasa harap nila. Umisod ako ng sa kanya.
"O" Iminuwestra ko ang dalawang pie sa mismong harap ng mukha niya. Nagtatakang nilingon naman niya ako, bago napailing at natawa.
"Eat it, Queen. Mabubusog na ako, makita lang kita kumakain." Tinulak niya sa akin pabalik iyong pie.
"Hindi ako mabubusog kung gutom ka naman. So wag ka ng maarte, at kunin mo na iyan. Baka mairita ako, ihagis ko iyang solo order mo sa bintana." Kumagat ako sa pagkain ko at inilagay ang pie sa kanyang kamay. At sa wakas din tinanggap na niya iy—"What the hell! Cali ano ba!?" Pilit akong lumayo sa kanya habang para siyang tarsier na biglang yumakap sa akin. Bumaling ako sa kanya at akmang itutulak ang pagmumukha niya palayo sa mukha ko, ng nakawan niya ako ng halik.
"Ayan po, nagtukaan na sila ng nagtukuan. May malapit na Motel dito, ano ihuhulog ko na ba kayo doon?" Huminto pa ang gagong Trek.

*************************

"Susunduin kita bukas?"
Sinulyapan ko si Cali na nakasandal na sa upuan ang ulo. "It's okay, En. Go take some rest, 10 am pa ang klase mo bukas diba?" Naghihikab siyang tumango. At nilingon ako. He really looked so tired and worned out. Kaya naman pinandigan ko ng magpahinga na muna siya.
"Kumain ka muna bago ka matulog okay? Wag mo na akong sunduin bukas, sabay nalang tayong mag lunch at umuwi." Bumuntong hininga lamang siya at tumango, saka ako marahang niyakap at sumobsob sa aking leeg.
"Oi! Lovebirds, tama na ang pagiging asukal niyo dyan. Baka maging arnibal nalang kayo dyan bigla. Nakakasuka na." sumingit na naman si Trek.
"Shut up, Trek!" we both shouted and glared at him. Tumaas ang kilay niya sa amin, bago napapailing na nagtaas ng kamay.
"Yeah, right. Shut up ka nalang talaga. Trek Isaac."
"Sige na." For the last time i gave him a hug, and kissed him on his cheeks. Hindi naman siya nagpatalo at dinampian ako ng halik sa labi. I let out a soft chuckle.
"That's the right way to kiss your Boyfriend goodbye."

"Boyfriend my ass. Maghihiwalay din kayo, walang porever. Ungas." Epal na naman ni Trek. Bakit kaya napakabitter ng manyak na ito, ngayon.
"Whatever, Hallister." I rolled my eyes, at tuluyan ng bumaba ng sasakyan. Hallister started the engine as soon as I'm out of his car. I waved them goodbye, and waited until their car is not on my sight anymore. Hindi pa man ako nakakapasok ng bahay ay tumunog na ang phone ko.
Pagkapasok ko ng bahay ay agad kong napansin ang mga maleta sa gilid ng sofa sa aming sala. Nakauwi na si Mama? Nagtext kasi siya sa akin the same day na nagakyat-bahay si Hidalgo, na lilipad raww sila papuntang Cebu? Ewan ko, hindi ko naman inintindi iyon. And seriously? Ganyan karami ang inempake niya? I rolled my eyes and headed towards the kitchen. Iniwan ko lamang sa side ng kitchen entrance ang mga gamit ko. ..
"May bisita pala tayo." I opened the refrigirator and get a cold pitcher of water. Nagsalin ako sa baso at nilapag iyon sa mesa.
"Andyan kana pala anak."
Hindi ako kumibo at nilagok ang isang basong tubig na aking sinalin, akma akong tatalikod na ng marinig muli ang boses ng aking Ina.

"Azula, dito magpapalipas ng gabi ang Papa mo."

Nagtagis ang aking mga ngipin sa narinig. Papa ko? ha? Pagak akong tumawa at nang-uuyam na binalingan ito ng tingin. "Bakit pag sinabi ko bang Ayaw ko, papayag ka Ma?"
"Azula, anak Umuwi kami agad, dahil wala naman kaming ipinunta sa doon kundi ang magpaalam sa mga Parents ng Papa mo."

Naniningkit ang aking mga mata at hinablot ang basong ipinatong ko sa mesa, the next thing I knew ay umaalon na ang aking dibdib sa galit. Nagkalat na rin ang basag na piraso ng mga bubog sa sahig, gawa ng malakas na pagbato ko nito sa direksiyon nila. At tumama iyon sa pader.
"A—Azula..."
"Anong akala mo sa amin ng Nanay ko, rest house? Na pwede mong balikan at iwanan kahit kailan mo gusto?" i said, almost gritting my own teeth. "Why don't you just fvcking leave us alone, again? But this time, make sure you're not coming back anymore—"
"Azula, tama na! Hindi kita pinalaking walang galang!"
Sarkastiko akong pumalatak at pinagtaasan ng kilay ang Mama ko. Hindi ko alam kung tanga ba siya o nagtatanga-tangahan lang? Sasamahan niya ulit ang matandang iyan? Iyang

matandang iyan na may pamilya? Makakaya niyang sumira ng pamilya,para sa matandang iyan?!

"Yeah right, Ma. You didn't raised me like this. I know how to respect Ma, pero alam mo ding nagkakaroon ako ng sungay, depende sa kausap ko—"
"Enough, Quinn Azula!" She threw me a sharp glare. "Umakyat kana, bago pa magdilim ang paningin ko at kung ano pang magawa ko sa iyo!"
Bahagya akong napaatras sa sinabi niya. Sasaktan niya ako para lang sa matandang iyon. Ikinuyom ko ang palad at pinigilang umiyak sa harap niya. Even your own Mother, can really turn her back on you. Lalo na at wala ka ng pakinabang sa kanya. Tapos na yata ang pagiging safety net ko para kay Mama. Kaya pwede na niya akong saktan. Oo, nga naman. Andiyan na iyang magaling at pinakamamahal niyang ulirang asawa 'daw'. She doesn't need me anymore. She's happy with him now. Hindi niya na kailangan ng taong pansamantalang magbibigay sa kanya ng kaligayahan. Dahil nandito na nga naman iyong main source ng happiness niya.
Tumalikod ako at hindi na ulit nagsalita pa. I heard she called me by my name ngunit hindi ako lumingon. Dire-diretso akong umakyat ng hagdan.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now