Binigyan ako ni Papa ng silver knife at baril na paniguradong silver knife ang bala.

Nag simula kaming mag lakad at ang sunod ko namang nakita ay sila Mama, Majah, Mario. Sila siguro 'yung pumatay sa isa pang bampira na nakahandusay na din ngayon.

Nang ibaling ko naman ang tingin ko sa warehouse nasa paligid na nito ang mga hunters na kasama namin sa plano. Tinapik ako ni Papa sa balikat ko kaya binaling ko ang tingin sa kanya. Tinignan lang niya ko ng simulan-na-natin look. Tumango lang ako bilang sagot.

Habang sinisimulan naming lahat na mag lakad papalapit sa warehouse nakinig muna ako ng usapan sa loob. Pero wala akong naririnig na nag uusap kaya bigla akong nag panick.

Ginamit ko 'yung bilis ko at para makapasok agad ng warehouse. Nabigla ako nang makita si Damon na nakalugod, habang nasa likod si Manuel at tinututukan ng silver knife si Damon sa leeg. Habang si Kelly naman ay hawak nung dalawang tauhan ni Manuel.

"Ang tagal nyo naman pumasok, kanina ko pa kayo hinihintay."

"A-alam mo?" Tanong ko.

"Nahulaan ko lang. Masyadong matalas ang pakiramdam ko sa mga ganitong bagay."

"Kung ganun alam mong mamamatay ka na ngayon."

"Kayo ang mamamatay ngayon at uunahin ko 'tong boyfriend mo."

"Kapag may ginawa ka sa kanya. I swear ako ang papatay sa'yo!" Pagdidiin ko.

"Bakit ba pinagtatanggol mo pa siya? Niloko ka niya diba? At hanggang ngayon niloloko ka pa din niya. Sigurado akong patay na patay parin siya kay Bernadette. Humahanap lang siya ng tyempo."

"'Wag kang mag salita para sa nararamdaman niya dahil una sa lahat hindi naman ikaw siya."

"Nag titiwala ka talaga sa kanya?"

"Oo!"

"Kung ganun sayang naman dahil hindi na kayo magsasama ng matagal dahil mamamatay na siya... ngayon!" Plano na niyang isaksak kay Damon 'yung silver knife pero natigil 'yun dahil sa narinig naming putok ng baril at tumama ito sa braso niya kaya nagawa ding makawala ni Damon sa pagkakahawak sa kanya ni Manuel.

Hinagis ko kay Damon ang silver knife na hawak ko at plano na sana niyang sugurin si Manuel kaya lang bigla niyang hinila si Kelly para gawing harang.

Tsaka naman nag simulang mag si siguran sa'min 'yung mga bampira. Pero ang 'di nila alam hudyat ng pagbaril kay Manuel ang pag pasok din dito nila Papa para patayin ang mga tauhan ni Manuel. Kaya ang focus lang namin ni Damon ay ang pag patay kay Manuel.

Hinagis ni Damon ang silver knife para kay Kelly at dahil sugatan si Manuel bumitaw siya kay Kelly at umatras, ginamit naman ni Damon ang bilis niya para pumwesto sa likod ni Manuel at tinarakan ito ng silver knife na itinago niya.

Hinugot lang ni Manuel ang knife at humarap kay Damon. "Eto na ba na ang plano nyo? Palpak pa din!" Pagmamatapang pa din niya kahit na dehado na siya. Plano niya sugurin si Damon pero napahinto siya nang bigla akong sumulpot sa harap niya habang  kakatutok sa ulo niya baril na hawak ko.

"Kaya nga kami may plan B. eh." Sabi ko naman. Tsaka pinutok 'yung baril sa ulo niya kaya bumagsak siya ng walang malay.

Ngayong wala na siyang malay kinuha ko agad 'yung silver knifer na hawak niya at plano ko na sanang saksakin siya direkta sa puso pero pinigilan ako ni Damon.

"Ako na, baby." He offered.

Kinuha niya 'yung silver knife sa'kin at tinarak niya ito sa puso ni Manuel gamit ng dalawa niyang kamay.

Inangat ni Damon ang ulo niya para tumingin sa'kin at ngumiti. "We did it, baby."

I smiled back. "Yah."

Tumingin kami ako sa paligid at lahat ng tauhan ni Manuel ngayon ay patay na. Nagawa namin! Hindi ako makapaniwala. Sana hindi 'to panaginip.

Binaling ko ang tingin ko sa mga magulang ko nakita ko si Mama na inaalalayan ni Papa dahil may tala ito sa tagiliran niya. Nag madali ako lumapit sa kanya dahil sa pagaalala.

"Ayos ka lang, Ma?" Tanong ko.

She smiles. "I'm fine, sweetheart."

"Pero-"

"Hihilom din naman 'to ang importante ngayon, patay na si Manuel. We are so proud of you, sweetheart."

I smiled, weakly. "Salamat po." Niyakap ko silang dalawa at sinuklian naman nila ang yakap ko na 'yun.

"Ahh, family hug. Let me join." I heard Damon said.

"No! Hindi ka pa parte ng pamilya." Pagpipigil ni Papa. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa magulang ko at tumingin kay Damon at 'di maiwasang mapangiti.

"Pre magiging parte na 'ko ng pamilya, pumayag na si Amber na mag pakasal sa'kin." Pagmamalaki niya.

I rolled my eyes. Ngayon niya talaga sinabi 'yan ah. Ang daming pwedeng time para sabihin 'yun ngayon pang kapapatay lang namin kay Manuel.

"Damon!" I scolded.

"What?"

"Ang daming oras para sabihin yan hindi ngayon!"

"Eh kailan naman pala?"

"Mamanhikan ka!" Papa said.

"Sangayon ako sa ideang 'yun." Mama said.

"What? Hay! Sige na nga."

--

Keep voting. 😁

The Immortal's SecretМесто, где живут истории. Откройте их для себя