Chapter 4: THE DUEL

Start from the beginning
                                    

Napatawa ng malakas ang lider ng mga taong-lobo. "Ang lakas ng loob mo na itanong sa akin ang bagay na iyan babae. Sa tingin mo ba matatalo mo ako sa duelo ng kamatayan?"

Napaisip si Caren sa sinabi ng lalakeng Alpha. Alam niyang suntok sa buwan ang kanyang gagawin dahil sa laki, bilis at lakas ng kalaban.

"Walang imposible sa mundong ito kaibigan. Lalo na sa hawak kong baril laban sa lakas mo at bilis."

"Kung gayon hinahamon kita sa duelo ng kamatayan! Kapag natalo mo ako ang lahat ng miyembro sa aking pulutong ay luluhod at paglilingkuran ka. Pero... Kapag natalo kita lahat sila pati na ang mga taong nasa loob ng gusali na 'yan ay magiging pagkain din namin!"

Napalunok si karen sa kanyang narinig. Napatingin lahat sa kanya ang mga naroroon. Makakaya ba niyang maipanalo ang duelo gayong isa lamang siyang ordinaryong tao? Para na rin niyang isusugal ang buhay ng lahat ng taong naroroon sa isang labanang walang kasiguraduhan.

"O ano babae? Mukhang kinain kana ng takot? Ang bawat salita ng mga alpha ay isang batas na dapat susundin kaya kapag natalo mo ako lahat sila ay susunod sa iyong kagustuhan. Mayroon mahigit sa dalawang daang miyembro ang aking angkan, lahat sila ay magiging alipin mo at susunod sa'yo, kaya talunin mo ako!" Ang muling sabi ng lalakeng Alpha at sabay sa pagtawa ng malakas habang nagpapalit ng anyo bilang taong-lobo.

Hindi makapag desisyon si Caren. Alam niyang maaaring ito na ang kanyang katapusan at isang malaking kapahamakan ito para sa kaniyang mga kasama.

"Bakit hindi na lang ako ang kalabanin mo?! Hindi ang walang kalaban-laban at mahinang babaeng ito?!" Ang muling sabad ni Father Mexo. Tumitig ito kay Caren at saka niya ito kinindatan.

Napatingin si Caren sa pari.
Aba't masyado yatang minamaliit ng pari na'to ang kakayahan ko ha? Correction Father, hindi ako mahina! Wa effect ang pagpapacute mong yan sa akin! Ang sabi ni Caren sa sarili niya.

"Hindi ikaw ang kausap ko lalakeng mukhang binatog!" Ang matigas na sabi ng lalakeng Alpha kay Father Mexo.

"Anong sabi mo?!" Ang tila napikon na si Father Mexo.

Isang malakas na halakhak ang naging tugon ng lalakeng Alpha na lalong nagpagigil sa galit ng Pari. Akmang aatake na si Father Mexo ng pumigil sa kanya ang kamay ni Caren.

"Ooops! Laban ko ito Father! Ako ang hinamon kaya relax ka lang diyan, Among!" Nakangisi itong nakatingin kay Father Mexo.

"Pe...pero?"

"Father huwag pong matigas ang ulo. Laban ko ito kaya nararapat lamang na ako ang haharap sa kanya." Nilakasan ni Caren ang kanyang loob at humarap sa lalakeng Alpha. "Tinatanggap ko ang iyong hamon! Isang duelo hanggang kamatayan!"

"Kung gayon, isang karangalan ang makalaban ang isang mahina pero matapang na babaeng mortal! Dito mo na mararanasan ang iyong kawakasan babae! At pagkatapos non ay magpapakasasa kami sa dugo at laman ng lahat ng nariritong mortal, bata man at matanda!" Ang tuwan-tuwan sabi ng lider ng mga taong lobo.

"Caren...ipinapahamak mo ang mga tao rito." Ang sabi ni Father Mexo. Lumingon siya kina Raul at Kiel pati na rin kina Kapitan Ben. "Basta, ano man ang kahihinatnan nito lalaban at lalaban pa rin tayo para sa lahat ng mga tao sa Santuaryo." Ang mahinang sabi ni Father Mexo sa mga kasama.

Tumango naman sina Raul at Kiel. Pero takot ang namayani kina Kapitan Ben at iba pang mga tanod.

"Kakayanin mo 'to Caren, kakayanin mo 'to. Kailangan mo itong panindigan. Diyos ko po huwag po ninyong hayaang matalo ako ng halimaw na 'to. Kaawaan po ninyo kaming mga tao. Ang taimtim na dasal ni Caren habang inihahanda ang sarili sa duwelo.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now