07

741 53 27
                                    

GREIGE

So, ayun nga. Test day lang kami bukas. And mind you, hindi pa  hell week ito. Tamad talaga itong school namin eh noh? Pero okay lang, more free time.

So, bukas... Kaming dalawa lang ni Xenon sa Wings Cafe. Sana talaga, walang umepal bukas.

But speaking of epal...

Yana Barba 一 with Dew Dimer
yey! i'm excited to spend more time with you at wings cafe tomorrow! labyu, babe!

Shet naman. Akala ko mapapalayo ko na ito kay Xenon eh. Change of plans tuloy. Fortunately, nakablock na si Yana kay Xenon. Ako ang nagblock para sa kanya. Hindi niya kasi magawa gawa eh.

At hindi lang pala nakablock, nakaunfriend din.

Since nakaunfriend na siya at nakaprivate ang profile ni Yana, mas mahirap para sa kanya na maging updated kay Yana.

Chinat ko na kaagad si Xenon para sabihin na change of plans na lang.

Greige: hoy, kupal.

Greige: ayaw ko na sa wings cafe. doon na tayo nung isang araw eh. nakakasawa.

Xenon: aba? kailan ka ba nagsawa sa wings cafe? eh gusto mo nga dun tumambay.

Gusto lang kasi kitang ilayo sa mga bagay na makakapahamak lang sa iyo. Ayaw ko naman na makita ka bukas na nangangawa na naman sa harapan ko. Aba!

Greige: eh basta! magiba muna tayo ng lugar, kahit bukas lang. magexplore din naman tayo ng mga ibang tambayan.

Xenon: sige na nga. pagbibigyan kita ngayon ah. bigla ka ba naman kasi nagbago ng plano.

Greige: napaisip kasi ako diba? tapos naisip ko, dito na naman? bakit hindi kaya natin itry sa ibang lugar.

Xenon: pasalamat ka malakas ka sa akin.

Greige: dapat na ba ako magthank you?

Xenon: oo. at dapat may kasamang kiss.

LIE | SEULMINWhere stories live. Discover now