Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT

En başından başla
                                    

"Ang kamay ko po inupuan ninyo among,  masakit po..."Ang tugon ni Caren na halos maiyak na sa sobrang sakit.

Mabilis namang napatayo si Father Mexo pagkasabi ni Caren sa kanya. Hindi niya napansin na kamay nga pala ni Caren ang kanyang naupuan.
Hindi niya malaman kung paano niya maiibsan ang sakit sa pagkakaupo niya sa kamay ng dalaga.

"Pasensya na hindi ko sinasadya." Ang paghingi niya ng paumanhin at sabay hawak sa kamay ng babaeng pulis.  Sinisipat-sipat niya ito at hinihipan para mawala ang sakit na nararamdaman ni Caren.

Nakapako naman ang tingin ni Caren sa pari na abala sa pag-ihip sa kanyang kamay. Nakanganga si Caren habang nakaguhit ang ngiti sa mga labi nito.

"Masakit pa ba?" Ang tanong ni Father Mexo at saka tumitig sa dalaga.

Napansin ng pari na nakatulala si  Caren habang nakatitig siya sa kanya. "Huy, masakit pa ba Caren?" Sabay tapik sa pisngi ng babaeng pulis at doon siya ay nahimasmasan.

"Huh?" Napatingin si Caren sa mukha ng guwapong pari na ilang sentimetro lang ang layo nito sa kanya.

Juice me lourd,  pagkaguwapong pari nire... Kaagad na hinila ni Caren ang kanyang kamay at tila nahiya siya sa naging reaksiyon niya sa harapan ng pari.

"O...okay na po ako among.  Hindi na po masakit. " Ang mabilis niyang tugon at pagkatapos ay ipinako niya ang kanyang mga mata sa kanyang mga paa.

"Sigurado ka ba na okay ka na?" Ang paniniguro ng pari na pinipigilan rin na huwag matawa sa naging reaksiyon ng babaeng pulis.

Iniangat ni Caren ang kanyang ulo at tumingin sa mukha ni Father Mexo.  Nang akmang titingin sa kanya ang pari ay muling ibinaba niya ang kanyang tingin. Hindi niya talagang kayang tumingin sa mata ng guwapong pari.

"Caren ano ba?!!! Mali yang ginagawa mo!!!  Iiiihhh!!! Bakit ka pa kasi nagpari eh!"  Ang pabulong na wika ni Caren na napansin naman ito ni Mexo.

"May sinasabi ka ba?" Ang tanong ni Father Mexo na tila narinig niya ang ibinubulong ni Caren sa sarili.

"Ha? Ako? Wa...wala po akong sinasabi among." Ang kinakabahang tugon ni Caren sa pari.

"Okay, Sabi mo...maiba pala ako, medyo nahihiwagaan sa'yo ang mga kasama natin dito. Ilang linggo ka na rin naming nakakasama ay wala pa kaming alam tungkol sa'yo maliban sa isa kang pulis Maynila at ang pagkakaroon mo ng ugnayan kina Alex at mga bata." Ang tanong Mexo habang pinagmamasdan niya ang mukha ng di makatitig na si Caren.

"Anong gusto mong malaman tungkol sa akin Father?" Ang napapangiting si Caren.  Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito na lamang siya kumilos kapag nakikita niya at nakakausap si Father Mexo.  Bakit kay Alex kahit may nararamdaman siya sa kanya ay hindi siya magkandugaga kapag nakikita niya ito at nakakasama? Ano bang mayroon kay Father Mexo para magkaganito siya at kinikilig siya ng husto?

"Caren?"

"Fa... Father? "

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Nakatulala ka na naman. "

"Oops... Pasensya na po Father. Naiisip ko lang po ang aking pamilya sa Laguna. Ano po ba ang tanong ninyo?" Ang nahihiyang tugon ni Caren.

"Ang sabi ko bakit ka pumasok sa pagpupulis?" Ang tanong ng pari.

"Ha." Tumango-tango si Caren. "Bata pa lang po kasi ako gusto ko ng maging pulis. Kagaya ng nag-alaga sa akin, mga itinuring kong mga magulang. Si Papa Julian,  ang tumayong ama sa akin. Isa din siyang pulis. Nakita ko kung paano niya ginampanan ng buong tapat ang kanyang pagiging pulis kaya inidolo ko siya. Kaya sa aking paglaki ang pagpupulis ang una kong binigyan ng pansin para tuparin ang aking pangarap." Ang seryosong paglalahad ni Caren kay Father Mexo.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin