I smiled. "Diba bago mo isipin ang tungkol dyan dapat isipin mo muna kung papayag sila Papa?"

"Uhm... Uh... tungkol dyan... mukhang mahihirapan nga 'ko. Si Albert kasi ayaw magpatawag ng Papa."

I laughed loud. "Eh magkasing tanda lang kayo eh, kaya paano siyang magpapatawag sa'yo ng Papa?"

He grinned. "Alam ko kaya lang dapat masanay na siya."

"Malay mo." I'm still laughing.

"I miss those laugh, baby." Bigla akong napahinto sa pagtawa pero nakangiti naman ako habang kagat kagat ang lower lip ko.

"I miss laughing with you." I said.

He touched my cheek and bends down his face to kiss my lips, softly. Pinagdikit niya 'yung noo namin after ng kiss. "I love you, baby."

"I love you too Damon."

He smiles. "Lilinisin ko lang 'yung kwartong tutulugan natin at syempre pati ang kusina." Nakahinga ako ng maluwag dahil tutulugan ang binigkas niya at hindi kung ano man. Shocks! Dahil may nangyari na sa'min kung ano-ano na iniisip ko.

"Okay, tutulong na 'ko para mabilis."

Tulad ng plano sinimulan namin ang maglinis, akin ang kusina kanya ang kwarto. Tutal hanggang ngayon gabi lang naman kami dito 'yun nalang muna ang lilinisin namin. Tsaka nalang namin siguro lalahatin ang paglilinis kapag nawala na 'yung problema namin kay Manuel.

Pag dating ko ng kusina, inilibot ko ang tingin dito. Medyo malaki siya kaya paniguradong matatagalan ako sa paglilinis. Inilapag ko muna sa lamesa 'yung cellphone ko at cellphone nung bampirang pinatay namin, tinali ko din ang buhok ko tsaka ko sinimulan ang paglilinis.

Sa 'di ko alam na dahilan may tubig kahit na ang tagal na 'di 'to tinirhan ni Damon kaya nagawa kong hugasan ang mga pwedeng gamitin ni Damon sa pagluluto at gagamitin namin sa pagkain. Pinunasan ko lahat dapat punasan sa kusina na halos inabot din ata ng isang oras.

Umupo ako sa isa sa silya dito sa kusina para magpahinga. Sakto pag upo ko nadinig may nagtext sa cellphone ko. Kinuha ko 'yun at binasa ang text mula kay Papa. Dahil nag iingat kami na baka may nakikinig din sa kanilang tauhan ni Manuel ang plano ay gamitin ang pagtext para sa communication.

** Sweetheart, nakalatag na ang plano. Sabihin mo kay Damon na maliwanag pa niya ihatid kay Manuel ang kunyaring alay. Kapag maaga pa, maingay pa ang paligid mahihirapan silang makaramdam ng nasa paligid nila para mabilis din tayong makalapit nang hindi nila nararamdaman. Habang kausap naman ni Damon si Manuel habang hawak ang kunyaring alay para sa kanya. May sharpshooter na hunters ang bahalang bumantay sa labas warehouse para tyumempong barilin si Manuel direkta sa puso. Hanggat hindi pa nagagawa ng sharpshooter ang dapat niyang gawin tayo naman ang papatay sa tauhan ni Manuel naka bantay sa labas. Kapag nakarinig tayo ng putok ng baril tsaka tayo susugod sa loob para patayin naman 'yung iba pang kasama ni Manuel. **

Naramdaman ko ang pag hawak ni Damon sa magkabila kong balikat kaya nawala ang focus ko sa pagbabasa ng text.

"Nagtext na ba sila?" Tanong niya.

"Oo." Inabot ko sa kanya 'yung cellphone para siya naman ang mag basa ng text.

"Tingin mo gagana ang plano?" Tanong ko nang matapos niyang basahin ang text.

"Oo naman." Pagpapalakas niya ng loob tsaka ibinalik sa'kin ang cellphone. "Kung hindi man dapat may plan B."

Tama! Dapat may plan B. Hmm...

Nag simula akong mag type ng pang reply sa text ni Papa. Tinext ko sa kanya ang naisip kong Plan B.

Nang mai-send ko 'to, kinuha ni Damon ang cellphone sa'kin at nilapag ito sa lamesa.

"Pwede bang bukas na natin isipin ang problema at enjoyin muna 'tong gabi? Gusto ko tungkol muna sa'tin ang gabing 'to at wala ng iba." Request niya.

Kung sabagay baka ito na ang huling gabi namin na magkasama kaya susulitin ko na din.

"Sige. Wala munang usapan tungkol sa plano o kahit kay Manuel. Tungkol muna sa'tin itong gabi 'to." Pagsangayon ko.

"May plano ka bang naisip para ma-enjoy natin ang gabi?" Tanong ko.

"Meron na!" Laking ngisi niyang sabi.

I raised my right eyebrow. "Ano 'yun?"

"Una... sabay tayong mag sha-shower." What the... haay! Kung talagang gusto ko na siyang makasama habang buhay ko kailangan na 'kong masanay sa kapilyuhan niya.

"Fine." Pagsangayon ko.

"Payag ka?" Gulat niyang tanong.

This time ako naman ang ngumiti ng pilya tsaka tumayo at inilagay ang mga kamay sa balikat niya. "Yup! Lahat ng gusto mong gawin ngayon, gagawin natin."

"Lahat?" Excited niyang tanong.

I nodded. "Lahat!"

"How about making love, again?"

I giggle. "Yah. I told you, lahat."

Ngumiti ang ugok ng sobrang laki tsaka ako niyakap sa bewang. "Okay, simulan na natin ang mag shower." Bigla niya 'kong binuhat na ikinagulat ko. Grabe excited talaga ang peg? Haha.

--

Heto na pa end na siya, handa na ba kayo? 😁

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now