1. Millie

5.8K 119 11
                                    

Millie's POV


"Tabi lang ho!", ika ko sa driver ng cab na sinasakyan ko. I alight the vehicle and started walking on a slow pace trying to enjoy the sight. Nasa Camp John Hay ako ngayon, it's 5AM and I decided na mag jog dito. Ramdam ko ang lamig na nunuot sa loob ng suot kong sweater. I took a deep breath of the cold air and closed my eyes as I felt the air entered my lungs.

I saw several people na nagja jog na. I saw some familiar faces as I began to jog. I've been staying in Baguio for two months already and I think I have to move soon. I don't make friends. I have been trying to avoid people as much as possible. I don't want my family to know of my whereabouts.


I am thinking of where to go next while jogging. Kumakapal na din ang bilang ng tao dahil malapit na ang summer. I have to move as soon as possible. I've been everywhere literally. From US, I moved to Ireland, to Australia, New Zealand, Paris, Italy, Japan, Korea and now, I went to my parent's motherland, the Philippines.

I have to hide... from my siblings... from my Uncles and Aunties.. masakit sa loob na imbes na karamay ko sila nang mawala ang Papa, sila pa ang magiging dahilan ng tuluyang pagkawala ng lahat sa akin. Well, hindi pa lahat, pero sa oras na matunton nila ako, RIP Millie na ang peg ko for sure.


I paused from my jog as I felt tired. I peeked at my watch and suddenly noticed that I have been running for more than an hour already. Mabagal na naglakad ako paupo sa isang bench sa gilid ng pathway.


Inabutan ako ng bottled water ng suki kong bata at inabutan ko sya ng 50 pesos.

"Salamat ate."nakangiting sabi nya matapos makitang sobra na naman ang ibinigay ko.

Nginitian ko lang sya at pinanood syang tumakbo hawak ang timba nyang paubos na ang lamang bote.


"I know right!!!Yung iba kasi dyan, porke't nakapag asawa na, KJ na!!!" Narinig kong kantyaw ng isang malakas na boses mula sa isang grupo ng mga babaeng umupo sa kahilerang bench ng inuupuan ko.


"Hoy! Hindi ako KJ! Syempre, iba na kapag may pamilya! Alam mo naman na malapit nang ilabas yung baby namin no! Syempre, nakaschedule kaya yung pamimili namin ng baby items next week!"ika naman ng isa pang babae sa grupo nila.


I don't mean to eavesdrop, it's just that they're too loud!


"Tse!KJ ka! Alam mo ikaw Abbigaile, kahit kailan, napakakilljoy mo!!!Parang magsusurfing lang tayo sa La Union eh, ang lapit na nun dito oy!", ika naman nung isang babaeng mukhang Japanese.

"Ikaw Miki Kobayashi, kapag nagkaanak ka, malalaman mo din sinasabi ko no! Ipaparape nga kita nang mabuntis ka!", ika na naman nung Abbigaile ata. Kapansin pansin yung light brown na mata nya tapos may piercing sya sa ilong. Nakachecked long sleeved polo sya at jogger pants. Hot sya na may pag ka astig.


"Eewww!! You're so disgusting!!! Hindi ako makapaniwalang pinsan in law na kita!! Siguraduhin mo lang na pogi ah!!!"patol na naman nung isa na mukhang Japanese nga dahil sa apelyido nya.

I saw two women approaching my direction, hindi ko na sana sila titignan pero sadyang malakas ang mga appeal nila. Yung isa sobrang black nung buhok nya na alon alon tapos napakaputi nya kaya naman stand out sya sa red sweater nya, para syang si Snow White, kapansin pansin din ang napaka sexy nyang lakad at stance. Yung isa naman, medyo shoulder length yung buhok pero napakaganda ng mukha, pero may pagkaboyish syang kumilos although naka short shorts at oversized t-shirt sya, sexy.mukha din syang korean.


Hindi na ako nagulat nang lymagpas sila at magjoin sa grupo sa kabilang bench. Di ko na napigil na tignan ang mga kagrupo nila at doon ko napansin na lahat sila magaganda. May parang South American pa nga eh pero puro matatas managalog.


Falling for the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon