"Nothing to do" Sabi ko.

At dahil dun nagreview ako ng notes ko for the day para mastore naman sa long term memory ko mga pinag aralan ko.after nun nag linis ako at nag ligpit, para naman umaliwalas ang paligid.

After ng lahat lahat, Hindi padin ako antok inopen ko laptop ko at nag bukas ako ng black note.

"Come on creative side of the brain" Sabi ko sa sarili ko thinking that it would stimulate creativity.

"WALA AKONG MASULAAAAAT!" Sabi ko, frustrated, blank and...napatingin ako sa right side ng table ko.
Nakita ko yung questionnaire na sinagutan ni Ezekiel Yang, I moved to the right side to get the paper and binasa ko ulit.

Mag sulat nalang muna ako sa eveningale...

A dull face cannot determine
What's underneath and in between
The sheets and layers
must subside
before we know what's inside

- Eveningale

-

Days have passed and I've grown more curious na tuwing dadaan ako sa building ng nursing di ko maiwasan mapatingin, bakit ba iba ang feeling ko sayo Ezekiel Yang.

"Huy!" Sabi ni Lisa na nag clap sa mukha ko, nasa canteen kami ngayon. Ilang beses nya ng ginawa to saakin nung mga nakaraan na araw.

"Lagi ka mg tulala" Sabi nya saakin.

"Parang namimiss ko na kuya ko" Sabi ko.

"Halos one year na nga pala kayong di nagkikita diba?" Tanong nya. I nodded.

One year na si kuya na palipat lipat ng bansa sa branches ng Lachica enterprises, I can't blame him. He's too young to be a CEO pero kaya nya yun. He's all I have left after our parents died three years ago.

At siguro, Naalala ko si Kuya nung naadmit ako pero nirequest ko na wag sabihin sa kanya, I know he's tired and stressed ayaw ko na dumagdag.

"Alam mo, alam ko na ata rason kung bakit parang may pilit kang inaalala" Sabi ni Lisa.

"Talaga, ano yun?" Sabi ko.

"Mag thank you kay Ezekiel Yang" Sabi nya.

"Medyo groggy ka nun eh sa hospital" Sabi nya

"Lisa, That was two weeks ago hindi na ako makathank you nyan at ngayon lang natin naisip...Oo naalala ko din na sinabi ko yun, kaya pala parang magulo isip ko! Akala ko may utang ako" Sabi ko.

"Thank you is like sorry, there's no such thing as too late for both of them" Sabi nya.

At dahil dyan nakinig ako kay Lisa, tama naman kasi sya.
Kaso, Hindi ba masyado nang delayed?
Diba nga sabi sa bill of rights sa section. 16 , Lahat ng tao may karapatan for a speedy trial, dahil Justice delayed is Justice denied.
Anyways, bakit napunta na ko sa politics.

Pinagisipan kong mabuti ang gagawin ko sa pag lakwatsa kong mag isa sa mall, Pa close na din sila.

"Ano ba gagawin ko" Sabi ko, Nakapalibot naman kasi ang mga mall sa Condo nya.
Tama ba tong gagawin ko.

I see nothing wrong with it except sa fact na gabi na.

Saglit lang naman to, five minutes. Itutuloy ko pa ba to? I argued with myself as I circled the front of the condo across the street sa harap ng mall, baka iniisip na ng mga security guards may balak akong masama.

Kaya mo to, mag thank you ka lang taposkung may balak syang masama sayo takbo ka or dial ka ng pulis, diba? Simple.

I kept talking to myself like an insane person in my head without realizing na nasa harap na ako ng pintuan nya like a stalker.

I took a deep breath, hugging the cupcake basket that I bought. Why cupcakes? They're sweet and colorful and yikes, Are nursing students...Shunga malamang conscious sila sa health nila, Dapat Coffee or Tea malang binili ko di kaya multivitamins! Anyway nandito na ako , wala ako magagawa. I should stop talking to my self.

Naghinga akong malalim, isa , dalawa, tatlo, apat...lima nalang.

Madaming bagay pumasok sa isip ko. Una, nandito ba sya? Nag retreat ang kamay kong kumatok. Baka chicks ang mag bukas ng pinto? Nag retreat ulit.
Baka naman ibang lalake? Umiling naman ako.

Hindi ko na pinatagal, Kumatok na din ako. Feel na feel ko momentum ng pag katok ko, Wala nang bawian.

Naramdaman ko pintig ng puso ko, Nanginginig na din ata ako, Di nga lang ako sigurado kung bakit. I was anxious.

Walang nagbubukas ng pinto, nang narealize ko may doorbell pala. Katanga.

And so, I presses the doorbell and this time, Mas nakakatakot sya dahil rinig ko ang doorbell. At nararamdaman ko na presence nya.

My toes start to curl and i start to persperate like mad.

Binuksan na nya pinto, He was wearing a shirt and pajamas with messy hair, kinakamot nya pa mata nya.

"Noreen?" Tanong nya saakin. "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"Ahhh, Uhh... Nakita kita pumasok dito before and dito kasi si Kuya nakatira dati kaya familiar nadin sya and I asked the front desk" Sabi ko, Di ko naisip yun ahh...that was close.

"Opo, Uhmm...para sa inyo po" Sabi ko.

He looked at my basket then he laughed, di ko gets anong nakakatawa and so, i gave him a puzzled look.

"What? Gusto mo pumasok sa bahay? Haha. This is not the first time, Okay? " He stepped outside and he looked at both sides.

His hair is so messy and soft, gusto kong hawakan pero mas naiistorbo ako sa ginagawa nya.

"Okay, labas nyo na cameras nyo or recorders . Oh, baka nakalagay sa damit mo, What do you want to know noreen?" Sabi nya.

"Huh?" Sabi ko, Sabay yakap sa basket. Baliw ba to sya.

"Aren't you one of those people? Who acts all friendly pero yun pala sinasaksak ka patalikod? What do you want to know? " Sabi nya saakin, he was staring at me..
at my soul, natutunaw na ata kaluluwa ko.

"All I know is, I came here to thank you and hindi ako isa sa mga tao na yun" Sabi ko as I stared right into his eyes.

"Talaga? Well..." He looked down. "Paano kung sabihin ko na pumasok ka sa bahay at iinom tayo sabay dadalhin kita sa kwarto at itatali kita sa kama ko?" Sabi nya.

I know what he's doing.

"First of all, gross. Second, you're lying, di mo ako matignan sa mga mata at kung tignan mo man ako walang lust and last, Eto na po ang basket ng cupcakes as thank you ko po.
Thank you for keeping me safe nung nahimatay ako and second, for answering my questionnaire" Sabi ko, still looking at him and doing my best to make him feel and see that I am sincere.

"People liked it, Lalo na ang girls, they became attracted to you regardless of the rumors they heard tulad ng mga sinabi mo kanina. Pero, sa pagsabi mo palang saakin I can tell that it's a lie" Sabi ko, Sabay abot ng basket sa kanya.

He was quiet and he accepted my basket at tinignan ito.

"Alas dose na ng gabi...Bakit tuwing gabi ka lagi umaalis sa bahay mo sa panahon na dapat tulog ka at namamahinga?" Sabi nya saakin.

"Okay? Uhmm, Gabi lang free time ko i guess" Sabi ko.

"Then we're the same, Gusto mo pumasok muna? I mean, Di ko naman gagawin mga sinabi ko kanina and...maybe eat these cupcakes?" Sabi nya.

"Sure" Sabi ko.

-

It was an opportunity to establish rapport and to fully understand the deal with this person, why is the thought of him bothering me.

12:30 ( B2ST FANFIC )Where stories live. Discover now