Narinig ko ang mahina n'yang pagtawa. Ayan na naman s'ya, tuwang-tuwa 'pag sinusungitan ko s'ya.

"Gusto ko kasing mas makapagpahinga ka pa. And besides, maaga pa naman, Liam. Mukhang kulang ka pa nga sa tulog eh." sagot n'ya pa rin.

Bwiset, nahalata n'ya yata ang eyebags ko.

Hindi na ako sumagot sa kanya. Inabala ko na lamang ang aking sarili na kapain ang eyebags ko na parang mawawala na lang ito ng kusa sakaling hawakan ko ito.

"Breakfast muna tayo. Ready na ang lahat, ikaw na lang ang hinihintay ko." nakangiti n'yang pagyaya at umupo na sa tabi ko.

S'yempre, s'ya na rin ang naghanda ng kakainin ko, s'ya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. May kape na rin akong nakahanda kaya wala na akong hahanapin pa. Gusto ko nga sanang subuan n'ya na rin ako, kaso nga lang ay abuso na ako masyado 'pag hiniling ko pa iyon sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain at naging maayos naman iyon. Kahit pa paminsan-minsan ko s'yang sinusungitan at binabara ay ginagantihan n'ya lamang ako ng tawa at kung paminsan-minsan ay hahalikan n'ya ako.

Ewan ko ba kung bakit gigil na gigil s'ya sa akin sa tuwing binabara ko s'ya, gigil na tuwang-tuwa. Kaya naman heto ako at lagi s'yang sinusungitan para makarami rin ng halik galing sa kanya.

Oo na, malandi na ako. Pero sa kanya lang.

Matapos kumain ay naghanda na rin ako para sa aming pag-alis. Mabuti naman at hindi n'ya ako pinagmamadali. Marami kasi akong seremonyang ginagawa para maging maayos ang pagligo ko. Ngayon lang kami magkakaroon ng pormal na date ni Rigo kaya dapat ay handang-handa ako.

Pero matapos kong maligo ay nagtaka ako sa gusto n'yang maging kasuotan ko. Lumabas ako ng kwarto matapos kong magbihis para kausapin s'ya.

"Bakit ito ang pinasuot mo sa akin? Short, t-shirt at sneakers? Saan ba tayo pupunta? Sa Luneta ba? Sabihin mo lang kung magpi-piknik tayo doon, magdadala ako ng malaking payong. 'Yung makulay na payong." sunod-sunod kong tanong sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.

Naabutan ko s'yang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Mukhang hinihintay na lang ang paglabas ko ng kwarto. Tumawa muna ito at inilapag ang magazine na hawak n'ya. Lumapit ito sa akin at mabilis akong niyakap.

Nagpapakilig na naman s'ya tapos sa Jollibee na naman ako dadalhin. Minsan paasa rin 'tong lalaking 'to sa totoo lang.

"'Wag ka na ngang magreklamo d'yan. Basta sumunod ka na lang. I'm sure magugustuhan mo ang pupuntahan natin." masaya n'yang pagsasalita habang yakap ako.

Inikutan ko s'ya ng mata kahit hindi n'ya ako nakikita dahil nanatili ako sa bisig n'ya.

Spell lambing?

"Siguraduhin mo lang, Rigo. Dahil kilala mo akong mainis. Lahat ng tao sa paligid ko idadamay ko." banta ko sa kanya.

Mabilis s'yang bumitaw sa akin. Nagulat na lamang ako ng hawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng halik sa labi. Tila ba nanggigigil ang halik n'yang iyon dahil sa diin.

Spell kilig? Oo, kinilig talaga ako.

"Ang dami pang sinasabi. Tara na nga!" pagyaya n'yang natatawa at hinila na ang kamay ko para lumabas na sa aking unit.

Nagpadala na lamang ako sa kanya. Naisip ko rin na kahit saan kami magpunta ay ayos na rin sa akin. Ang importante ay kasama ko s'ya.

Nang makarating kami sa parking lot ng condo building ay nagulat akong hindi kami dumiretso sa kotse ko. Naroon ang kotse n'yang bihira n'ya lamang gamitin.

NO STRINGS ATTACHEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora