Extra Chapter: How did she survive?

907 31 0
                                    

Extra Chapter: How did she survive?

Aihara's POV

"Your wish is my command," sagot ni Aril. Napansin kong lumuwag ang hawak sakin ni Aril at nawalan siya ng focus.. nakahanap ako ng butas. Hah, masyado siyang naging kampante, anong akala niya? Hihintayin ko na lang na mamatay ako?

..

...

..

Ofourse not.


Hangga't may paraan, hindi ako susuko!

Dahil wala siya sa focus, inagaw ko sa kanya yung Grenade at pinilipit ang kamay niyang may hawak ng matulis na kahoy, napa-aray siya at nabitawan niya iyon; dahil doon, nagawa kong makawala sa kanya.

"You b*tch!" sigaw ni Aril sakin at sinugod ako, agad kong inilibot ang paningin ko at nakita ang sirang upuan. Agad ko iyong kinuha at inihampas sa kanya na nakapagpatumba sa kanya, agad akong pwumesto sa may bintana

...

..

...

Nandoon pa rin yung rapel cord na ginamit ni Cyrus, napangisi ako.

Tumingin ulit ako kay Aril, nakatayo na siya ngayon.

"Mamatay ka! Mamatay tayong dalawa dito!" sigaw niya, nagtangka siyang sugudin ulit ako pero..

"Sorry, pero hindi ko pa oras para mamatay!" nang-aasar na sabi ko at tumalon sa bintana, humawak ako sa rapel cord habang dumadausdos ako pababa,

...

..

...

Ang sakit po. Haller! Wala akong gloves kaya ang init sa kamay! Ang hapdi! Wahoho = o =

"AAAAAHHH! HINDI KA MAKAKATAKAS!" sigaw ni Aril, tatangkain niyang bumaba kaya bumitaw ako sa rapel cord at tumalon, habang nasa ere pa ako.. ibinato ko yung Granada sa may bintana kung nasaan si Aril at..

*BOOOOOOOGSH*

Tunog po yan ng sumabog na Granada.


Dahil mabilis akong nagpadausdos pababa, malakas ang force at pressure kaya nang tumalon ako ay malayo ang narating ko at ng lumanding ako sa lupa ay gumulong pa ako palayo.. dahil dun, nakaligtas ako sa pagsabog pero.. feeling ko nabalian ata ako ng buto, puro gasgas din ako.

Damn it. Mukhang mabuburo ako sa hospital ng ilang linggo ah. =__=

My Assassin Girlfriend's Alter EgoWhere stories live. Discover now