Prologue

2.6K 54 3
                                    

MY LITTLE ASSASIN SEQUEL: My Assasin Girlfriend’s Alter Ego

Written by: Andrea Bautista
Prologue:

“M-mihara.. ano ba? Isa nanaman ba to sa mga pranks mo? Bumangon ka na nga diyan! A-atsaka ano ba to? Bakit pati ketchup sinayang mo, u-uy.. sis, ano ba.. b-bumangon ka nga diyan! D-diba sabay pa tayong a-attend ng JS prom natin? S-sis…”

“Aihara, a-anak.. tama na please—“
“Hindi Mama! Gisingin niyo nga tong si Mihara, hindi na nakakatuwa tong prank na to eh!”

“Aihara, a-anak.. w-wala na si Mi—“

“MAMA NAMAN EH! GISINGIN MO NA NGA SI MIH—“

*PAAAAK*

Napahawak ako sa kanang pisngi ko at dahan-dahang tumingin kay Papa
“Ano ba Aihara! Sa tingin mo ba magbibiro kami ng ganito! Gumising ka nga!” sigaw sakin ni Papa. Sandali kaming natahimik at pagkatapos non… hindi ko napagilang mapa-upo sa sahig at humagulhol. Agad na umupo si Mama sa tabi ko at niyakap ako.

“Mama.. P-papa, s-sinong gumawa n-nito? B-bakit.. bakit si M-mihara pa?” I said in between my sobs.
Kanina lang magkasama pa kaming nagpaayos sa parlor kasi ngayong gabi ang JS prom namin, finally! Ga-graduate na kami.. pero bakit.. b-bakit ito ang nangyari?

“M-mama.. ang sabi niya.. a-ang s-sabi niya may n-naiwan lang siya dito sa condo.. b-bakit ito ang naabutan ko?”
Si Mihara, kambal kami. Fraternal twins to be exact. Kanina, nung nasa parlor kami ni Tita Amalie ang sabi niya may naiwan lang siya dito sa condo at babalik din siya kaagad. Masaya pa nga siyang umalis non eh.. hindi ko akalain na.. iyon na pala ang huling beses na makikita ko ang magaganda niyang ngiti.
3rd year highschool pa lang may condo na kami ni Mihara, ito kasi yung malapit sa school namin eh. Pero tuwing weekends umuuwi kami sa bahay namin.

“Hindi rin namin alam Aihara, b-basta.. nagulat na lang ako ng biglang tumawag sakin ang k-kapatid mo.. at.. at.. may sinasabi siya.. ang kaso hindi ko maintindihan dahil umiiyak siya at pagkatapos.. n-nakarinig na ako ng putok ng baril. S-sorry anak.. s-sorry dahil naturingan kaming first class assassin pero wala kaming nagawa ng Papa mo para iligtas ang kapatid mo.. s-sorry..” sabi ni Mama at lalong humigpit ang yakap niya sakin.
Maya-maya, dumating na ang mga tauhan namin para ayusin ang mga kalat. Umalis na kami nila Mama at pumunta sa HQ.

“Sige na anak, magpahinga ka muna..” sabi ni Papa, tumango lang ako at dumiretso na sa kuwarto ko.

Hindi ko pa rin matanggap.. si Mihara, siya ang bestfriend ko.. dabest sister siya. Lahat ng bagay pinagkakasunduan namin at never pa kaming nag-away— ganun kastrong ang twinbond naming dalawa kaya sobrang sakit.. sobrang sakit sakin na malamang patay na ang isa sa mga taong pinakapinagkakatiwalaan at mahal ko.

‘Bakit? Bakit si Mihara pa? Hindi ba pwedeng ako na lang?’ tanong ko sa sarili ko. Ilang oras akong nakatulala at nakatingin sa ceiling ng maisipan kong lumabas  at puntahan sila Mama at Papa sa office nila.

Kailangan kong alamin ang dahilan ng pagkamatay ni Mihara.

Kakatok na sana ako sa pinto ng marinig kong nag-uusap sila Mama at Papa.
“K-kasalanan ko to, Scythe. Hindi ko nagawang protektahan si Mihara, n-natatakot ako Scythe.. b-baka sa susunod si Aihara naman ang mapahamak..” nanginginig na sabi ni Mama
“Hindi ko hahayaang mangyari yun, Symphony. Proprotektahan ko kayo.” Sabi naman ni Papa
“Malakas masyado ang Blue Fangs clan, Scythe. Mahihirapan tayo sa kanila..” Mama
“Nakuha na nila ang gusto nila hindi ba? Nakuha na nila ang buhay ng isa sa kambal natin! Hindi pa ba sapat iyon na kabayaran? Masamang tao si Aishin kaya natin siya pinatay!” Papa

“Tama ka Scythe, pero.. hindi ko alam. Tuso ang mga taga Blue Fangs.. alam ko, hindi sila titigil hangga’t hindi nila tayo nauubos,” Mama

Nanginginig na ibinaba ko ang kamay ko, kami? Papatayin?

Oo alam ko kung gaano kadelikado ang mundong ginagalawan ko dahil Magulang ko sina Symphony Useda Choi at Scythe Choi pero.. naproprotektahan naman nila kami diba?

P-pero bakit.. bakit namatay si Mihara?

Ganun ba kalakas ang sinasabi nilang ‘Blue Fangs’ na kahit ang mga magulang kong First class Assassins ay hindi sila kaya?
Napakuyom ako ng palad.

Kasalanan ko to, kung sana lang.. kung sana lang tinanggap ko ang tadhana ko edi sana nagawa ko pang protektahan si Mihara. Bakit kasi tinanggihan ko sila Mama at Papa dati na i-train ako?

Kasi bata pa ako non at naniniwala ako sa fairytales and unicorns, gusto ko lang ng normal na buhay.
Walang baril, Granada, patayan.. ang gusto ko dati ay maging simpleng babae na makakapagtapos ng college, maiinlove tapos magkakaroon ng pamilya, simple as that.

Pero sa nangyari ngayon.. I made up my mind.

"Ipaghihiganti kita, Mihara.. Pinapangako ko yan.. Uubusin ko silang lahat.
My name is Aihara Useda Choi…

At ako ang uubos sa Blue Fangs.”

My Assassin Girlfriend's Alter EgoWhere stories live. Discover now