Kill 1: Swords and Guns

2K 49 3
                                    

Kill 1: Swords and Guns

Aihara’s POV

“Aihara naman kasi, samahan mo na nga kasi ako sa mall!” 

“Ayoko.” Simpleng sagot ko at pinagpatuloy ang panonood ng TV

“Please Aihara, please please..” pagmamakaawa ng isang maingay na babae, damn it. Hindi ko maintindihan tong pinapanood ko sa sobrang ingay niya.

Pasalamat siya kaibigan ko siya kundi kanina ko pa to pinatulog, psh.

“No. You know how much I hate crowded places, right.. Amayra Natalie Yun-Nai?”  sabi ko at nilakasan ko ang volume ng TV.

“Sige na naman oh, niyaya akong magdate ni Grey eh! Please, first time in history to!” pagmamakaawa niya at nag puppy eyes. As if gagana sakin yan? Tsk.

“the answer is still no. Magpasama ka kay Mierre.” Sabi ko then tumayo na at naglakad papunta sa training area—pero dahil namana ni Amayra ang kakulitan ni Tita Amalie at Tito Pyro, ayon.. hindi pa rin ako tinantanan.

“Please, Aihara.. para namang’ hindi tayo magbestfriends eh!” sabi niya, huminto ako sa paglalakad at tinaasan siya ng kilay.

“Bakit, bestfriend ba kita?” I asked her seriously.

“Oo naman!” sabi niya, determinadong-determinado talaga ang loka. Haaay (__)a

“Fine.” I said helplessly

“Yay, thank you! After lunch hah! Thank you Aihara!” masayang sabi ni Amayra at tumakbo na paalis.

Napabuntong hininga ako.

Naglakad na ako papunta sa Training area at…

“CYRUS BABY!!” sigaw ko, napatigil naman ang lahat ng mga nagt-training at tumingin sa akin. Nag peace sign lang ako.

Agad akong tumakbo sa direksyon ng Cyrus baby ko at tumalon sa kanya, napipilitan siyang sinalo ako at agad din naman akong binaba.. ngingiti-ngiti akong tumingin sa kanya.

“Damn it, Aihara. Hindi ka na bata, huwag ka basta-bastang tumatalon ng ganon lalo na’t nakapalda ka.” Masungit niyang sabi, nagpout lang ako.

Ang masungit pong lalaki na yan ay si Cyrus Alvarez. Anak po siya ni Tita Lilee at Tito Xavier. Ahead siya sakin ng 3 years, so it made me 20 years young ^__^

Pareho kaming 1st class field assassins at…

10 years old pa lang ako nililigawan ko na siya. Ewan ko ba diyan! Ayaw pang sagutin ang alindog ko eh halata namang naaakit din siya sakin paminsan wahahaha!

“Sungit mo naman cyrus baby!” 

“I’m not your baby,” sabi niya habang nagpupunas ng mukha, hooo! Ang hot niya kapag pawis hahaha! ^__^

My Assassin Girlfriend's Alter EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon