Kill 8: Forget Him

1.1K 37 1
                                    

Kill 8:  Forget him

Cyrus’ POV

“Aihara?” I said as I open the door.

“Shit.. Shit.. Shit!” I heard her cussing, wala siya sa kama. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto niya hanggang sa mapatingin ako sa study table niya, nakita kong nakalitaw ang dulo ng paa niya kaya naglakad ako papunta doon at nakita ko siyang nakaupo sa sulok na nasa pagitan ng wall at study table niya.

“Aihara..” sabi ko, umupo ako sa tapat niya.. nakayuko lang siya.

“W-wala silang alam sa pinagdaanan ko..wala silang awa..hindi ko ginustong may madamay..hindi ko gustong mangyari to..si Mihara..namatay siya dahil saki—“

Hinawakan ko ang dalawang balikat niya na nakapagpatigil sa pagsasalita niya,

“Aihara” I called her once again, this time.. inangat na niya ang paningin niya. Basang-basa ng luha ang mukha niya.

“C-cyrus..h-hindi ko g-ginusto to..wala a-akong gusto sa kahit ano mang nangyayari ngayon! A-ang gusto ko lang.. a-ang gusto ko lang maipaghiganti si Mihara!” sigaw niya, nagulat ako ng bigla niyang sabunutan ang sarili niya at humagulhol,

“A-Aihara.. damn.. stop it!” pinipigilan ko siya pero ayaw niyang magpapigil.. siguro, sobrang nasasaktan nga siya sa mga nangyayari.

“IPAGHIHIGANTI KO SI MIHARA! PAPATAYIN KO SILANG LAHAT! WALA AKONG ITITIRA! WALA!!” sigaw niya.. leaving me with no other choice than…

*SLAAAAAAP*

Yeah, I slapped her.

Napatigil siya at napahawak sa pisngi niya.. unti-unti siyang tumingin sakin habang dire-diretso pa rin sa pagtulo yung luha niya, I pulled her for a hug.

“No one’s blaming you for what happened, so please.. stop blaming yourself. We all know how much you love your sister, Aihara. I know.. we know that you don’t want any of this to happen.”

“C-cyrus… siguro.. siguro kung hindi ako naging stubborn dati.. s-siguro naprotektahan ko pa si Mihara.. mas madami siyang pangarap.. mas magaling siya.. hindi niya d-deserve mamatay.. s-sana ako na lang.. C-cyrus..”

“Sssh. Calm down, okay? Walang maidudulot na mabuti sayo kung magpapaapekto ka sa mga sasabihin ng iba.. you promised to your twin sister right? Nangako kang ipaghihiganti mo siya—at kung ipapakita mong mahina ka at naaapektuhan.. ibig sabihin lang nun’ talo ka na.”

Hindi na siya nagsalita after nun pero tahimik pa rin siyang umiiyak sa balikat ko..

Sa ngayon.. ito lang ang mgagawa ko, ang manatili sa tabi niya habang di pa niya nakukuha ang hustisyang gusto niya.

Aihara’s POV

I lost myself again.. haaay. Palagi tong nangyayari kapag tungkol sa kakambal ko ang pinaguusapan. Pero tama si Cyrus, hindi dapat ako magpaapekto.. may kailangan pa akong patayin and I need to keep my cool until I reach and killed her… killed them.

My Assassin Girlfriend's Alter EgoWhere stories live. Discover now