- eveningale

"Pagod na ako, Nanood ako ng concert at piniga ko pa utak ko magsulat ng article, Ang igsi ng napass ko. Ano ba problema saakin?" Tanong ko.

"Bakit hindi ka busy?" Tanong ni Aries na nag tytype padin.

"Ikaw ba? Bakit busy ka?" Tanong ko.

"Quoting and Unquoting my interview with Ms. Charo Santos" Sabi nya. Nanlaki mga mata ko sa sinabi nya and napa jump out off my seat. With a heart rate of approximately 150 beats per minute.

"Seryoso? Nainterview mo sya?" Sabi ko.

"Yes, You know how?" He asked.

Nag iling ako. Well, Actually alam ko ang process, It's either you set an appointment or send a formal letter or email.

"Nakasalubong ko sya and I just asked her a few questions, It's just like a chat pero guess what, I received tips about directing" Sabi nya.

"Woah, No wonder level 5 ka na. Hanggang 4 lang talaga ako. I changed my mind, Magsusulat nalang ako tungkol sa filipino people, it's more important" Sabi ko.

"Students don't care about that" Sabi nya.

Of course Aries is right. Kaya shut up nalang ako, Wala pa nga akong idea sa ugali ng tao na to. Buti nalang may naisip akong idea para naman malaman ko kung anonf type ng approach ang gagamitin ko.

"Pass your papers in front please, Mr. Jamal please pakibilisan mag check ng papel ni Ms. Javarez" Sabi ni Sir, Syaang nag paexam saakin nung panahon na pinapaexam nya din si Einstein.

At nung napasa na ang mga papel, nag silabasan na mga kaklase ko, Nilapitan ko si sir sa desk nya.

"Hello po sir, Pwede po bang malaman result ng midterm exam ko po?" I asked.

"Ahh Ms. Lachica..." Sabi nya as his eyes scrolled on the records. " 1.75 " He smiled.

"Wahhh, Salamat sir! Eh sir...Yung kasabay ko po mag exam?" Tanong ko.

"Mr. Yang? He got 4 mistakes" Sabi nya. Nanlaki mata ko, 4 mistakes? Ilang yun? 1.25? Woah.

"4? 4 lang?" Tanong ko.

"Perfect nya sana kaso sa right minusrong na part na sya nadale. Partida, Di pa sya nag aral" Sabi ni Sir.

"Paano nyo po nalaman?" Tanong ko.

"He sleeps in my class, doesn't pay attention and...Inulit nya nga subject ko because of his absences, Nangyare lang last year na hindi talaga sya nakaexam" Sabi nya.

"Ahh..." I nodded.

" And why are you asking me this?" Tanong nya. At dahil dun, Kinabahanbigla ang bakla ako sasabihin ko, Im gonna die.

"Uhh...kasi po lagi ko sya naririnig sa ibang tao kaya medyo nacurious po ako" Sabi ko. Nice save

"Tsk tsk" Nag iling si sir. " I know that you heard bad things but, you shouldn't believe in rumors. Prejudice yan, Wag na wag kang magpapakain. Yan ang problema ng mga kabataan ngayon. Especially with technology, A brilliant creation that can turn into a monster. You're not the first one who asked me about him" Sabi nya.

Mukhang seryoso si sir at dissapointed. Naiinis na siguro sya talaga saamin, totoo naman. Ang media nga naman nakakasira din ng iba kapag mali ang impormasyon kaya nag iingat ako sa mga sinusulat ko.

"Kaya, If I were you...How about you prove that he's innocent or prove that the accussations are wrong" Sabi nya.

-

Another challenge was given to me. Una, Right a freaking article about a boy who's famous for mature contents. Two, Befriend a boy who's famous for mature contents. And Third, Prove that the rumirs are wrong for the boy who's famous for mature contents.

-

11:57 a.m. that day.

Naglalabanan na ang antok at gutom ko after finishing my homework. At dahil gusto ko na simulan ang aking article. And so, In my pajamas and my fluffy slippers. I grabbed my jacket sabay salpak ng laptop, charger, pen and paper sa backpack ko. Ramdam na ramdam ko na ang weight ng mata ko pero kailangan, kasi pag nag stay pa ako dito sa bahay makakatulog na talaga ako. Kaya ang ritual ko pupunta ako sa nearest na convenience store kakain ng spicy noodles and coffee.

"Isang spicy seafood ramen and...hmmm, milk ba or coffee, Sige noodles nalang muna" Sabi ko. "No, coffee is vital right now" Sabi ko, As I walk around the aisles. Sunod, Nag bayad na ako sa counter and nilagyan na nya ng hot water noodles ko, Antok na talaga ako at groggy.

Umupo ako sa seat na may pahaba na table sa gilid katabi isang occupied na table, napipikit na ako kaya sinampal sampal ko sarili ko. Hinayaan ko muna maluto ang noodles at nilabas ko pen and paper ko.

"Sana nag artista nalang ako para ako nalang ang iniinterview at sinusulatan" Sabi ko, sabay patong ng mukha ko na naka sideview sa kanan ko dahil pagod na ako sa buhay ko.

Malapit na akong pumikit ng napansin ko.
Parang kilala ko to ahh...

Nanlaki ang mga mata ko at nagising ang puso't diwa ko na ramdam ko talaga pagkalat ng energy sa buong katawan ko.

Si Ezekiel Einstein Yang! Sya talaga at nagbabasa sya mabuti ng makapal na libro, at sa harap ng binabasa nya na libro may tower ng apat na libro na nakapatong patong.

Ano gagawin ko? Ano gagawin ko?

Napaupo ako ng tuwid , sabay nagkagulo na ang utak ko at nag sispin na sya. di ako mapakali, Naging malikot na paa ako at napapakagat na ako ng labi, malapit ko na makagat mga fingernails ko.

Here goes nothing.

"Hi!" Sabi ko, Causing him to look at me with a puzzled expression pero he has no sign of haggardness.

I'm gonna die

12:30 ( B2ST FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon