Chapter 39

3.6K 113 41
                                    

Pasensya na sa matagalang update masyado akong busy dahil balik pasukan na dito.. Don't forget to vote and leave comments please.. :)

Chapter 39
Busted

"Hahahahahahah!" malakas ang tumawa sa harapan ni kuya matapos ang ilang minuto naming pagtitigan with matching seryoso na tingin, kumunot naman ang noo nito

Tinapik ko ang balikat niya habang tumatawa. "Si Kate ang buntis hindi ako, dahan-dahanin ang paga-adik Migguel Jones."

Sinamaan ako nito ng tingin saka ako pinitik sa noo, napanguso naman ako nagbabalik nanaman siya! Tch.

"By the way pwede bang bumalik kana satin? Miss na miss kana ni mom and dad alam mo naman yung dalawang yon. Sige na lil sis please.." pagmamakaawa nito, ngumiti naman ako saka hinawakan ang palad niya

"Kuya may mga bagay na kailangang i-give up pansamantala para matuto. Like me, naglayas ako hindi dahil nagrerebelde ako sainyo kundi tinuturuan ko ang sarili ko kung paano mabuhay sa realidad. I miss mom and dad of course but kailangan kong pigilan ang sarili ko sa ngayon.. I'm sorry kuya but now hindi pa tapos ang pagsubok nato sa buhay ko." mahabang paliwanag ko, napayuko na lang si Kuya

"This is my fault."

"Ako ang dahilan kung bakit lumayas ka.. Kung hindi lang sana kita sin----

"Sshhh... Past is past kuya wag mo ng balikan please. This is what I want and I want you to support my choice."

Wala na siyang nagawa kundi bumuntong hininga saka muli akong niyakap at ilang beses na hinalikan ang noo ko. Nag paalam na rin ako agad sakaniya dahil kailangan ko pang mag trabaho binilin niya pa sakin na kung kailangan ko ng tulong sabihan lang daw siya. Masaya ako dahil finally bati na rin kami ng kuya kong mahilig sa P. Hahaha ansarap lang sa feeling.

"Uy babae kapatid mo yung fafa?" tanong sakin ng Manager kong bakla, hindi ko napansin ang presensya niya geez

"Yeah."

"Ay nagsasabi ka nga ng truth! At dahil dyan pwede kang magtrabaho sakun forever ngi tumira dito gora basta... Sagot mo ang date namin ng you know.. Kuya mo hihi."

Napa-ngiwi ako sa sinabi niya my God kahit naba sira ulo ang kuya ko hindi ko siya kayang ibenta.

"A-Ah may asawa't anak na kasi yon hehe sorry.." awkward na sambit ko, nasira naman ang itsura nito

"Ay grabe sayang naman mukhang marami pang katas. Ocya kalimutan mo yung sinabi ko joke lang yon. JOKE."

Mataray tong nag walk out gawa para mapa-iling ako. Muli ko na namang naalala ang sinabi kanina ni Kuya Migs. What if totoo ang sinabi niya na buntis ako? Hindi imposible dahil ilang beses na may nangyare samin ni Kurt saka hindi pa ako dinadalaw. Kung magkataon man paano na lang? Hindi naman sa ayaw ko pero hindi ba masyado pang maaga para mabuntis ako? Saka hindi ko pa nga naayos ang meron samin ni Kurt tas magkakaroon ako ng bata sa sinapupunan ko. My Ghaaad!

"Nakatulala ka ata?"

Nagising ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Kate nasa tabi ko na pala siya. Nginitian ko lang siya saka inilingan, napa shrug na lang to saka muling bumalik sa trabaho niya ganon din ang ginawa ko. Lumipas ang oras hanggang sa pumunta si Kaizer sa bar para sunduin si Kate nasilayan ko pa nga ang pagtatalo nila dahil hindi pabor si Kai na nagtratrabaho si insan dito sa bar. Kaya in the end umuwi sila sakanila kaya naiwan ako sa bar na nagtra-trabaho kasama ang iba kong kasamahan.

Nang natapos ako sa pagtratrabaho mga 8:45 na rin sa gabi napagpasyahan ko na dumaan muna sa isang botika para bumili ng pregnancy test hiyang-hiya pa ako habang bumibili kaya todo parinig ako na sa amo ko yun kesyo ako lang ang pinapabili. At nakahinga ako ng maluwag ng makabili ako ng dalawang pregnancy test dalawa ang binili ko para kung sira ang isa may reserba ako. Dumiretso agad ako sa apartment ko saka agad na dumiretso sa maliit kong fridge saka nilaklak ang isang bote ng tubig. Hiningal pa ako ng matapos, binasa ko muna ang nasa likod ng pregnancy test kung pano gamitin. Nang maintindihan ko ang How To Use na procedure dumiretso ako sa bathroom ko saka umupo sa toilet at naghintay na maihi.

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon