Chapter 29

3.6K 158 41
                                    

A/N: Andaming atat, adaming complain, hindi ko alam kung matutuwa ako dahil marami ang sumusuporta sa Good Kisser or maiirita. First of all guys hindi po maikli ang bawat update ko bawat chapter na pinu-publish ko ay over 1600-2000 words para lang sapat na sapat ang bawat pambibitin ko sainyo. I understand naman eh I'm a reader too just like you but sana naman wag masyadong atat, pag isunod-sunod ko kasi ang update asan ang thrill? diba hindi na siya exciting? So chill po ang mga puso niyo hindi yung aatatin niyo ko. Wala po ako sa Pinas kaya kung minsan nalilito ako sa oras at day dahil kung monday dyan sainyo dito naman ay sunday kaya sana maintindihan niyo ko. Magu-update naman ako eh hindi ko lang maiipangako kung kelan at anong oras.. Ang susi kasi sa magandang storya ay yung may thrill sa bawat chapter, hinahayaan ko kasing mag-imagine kayo sa susunod na mangyare so ayon. :) Don't forget to vote and comment para mas mapabilis ang update!

Chapter 29
He Saved Me

Kurt's Pov

Kingina naman Kurt kelan pa naging madaldal yang bibig mo huh?! Agad akong nag-iwas ng tingin kay Ayumi ng sabihin ko ang linyang iyon na dapat sa isip ko lang dapat sabihin kaso napalakas. Ayokong mag-assume siya, ayokong isipin na may babalikan pa siya.

Sobrang tanga ko ng gabing yon nung sabihin ko yung linatana na iyon. Buti na lang nakatulog siya matapos ko siyang halikan dahil siguro sa pagod? But freaking hell nababaliw na ako. Nakaka-gigil parang tinatraydor ko ang sariling ako matagal ko ng tinanggap na hindi kami para sa isa't-isa pero ano tong nangyayare ngayon? Matapos nang mabalitaan ako nila Kaizer na nag layas si Ayumi ay halos pumutok lahat ng ugat sa ulo ko. Nabwisit talaga ako nung oras na iyon ano siya teenager na nakipag runaway sa boyfriend? Nakakagigil lang at eto pa mas nagdagan pa ang galit ko sakaniya dahil dito pa talaga kami nagkita sa bar.

"A-Anong sabi mo?"

Lihim akong napalunok saka siya muling tinignan.

"Eto naba ang bago mong buhay? Ang maging entertainer sa bar? Ang bastusin ng mga lalaki huh?! Eto ba ang gusto mo Ayumi ang ibenta ang sarili mo sa mga lalaki---

*PAK!*

Malakas na sampal ang sumalo sakin, nagtiim ang panga ko saka ko dinura ang dugo na nanggaling sa gilid ng labi ko. Lintek na yan ang sakit nun ah. Dahan-dahan akong lumapit sakaniya saka siya hinawakan sa balikat at inilapit ang mukha ko sakaniya.

"You slap me? Why Ayumi.. Do you feel embarrassed?" ngising tanong ko

Malakas niya akong tinulak kaya humiwalay ako sakaniya. "Anong akala mo saken ganon katanga para ibenta ang sarili huh?! Waitress lang ako don tanga! Saka bat kaba nanggugulo dito huh? Matapos kong lumayo sayo ikaw nanaman tong mang-gugulo?" naiiyak na sigaw niya

Natigilan ako saka nag-iwas ng tingin sakaniya, bat ba ang bilis niyang umiyak huh?!

"Kurt wala akong panahon para mag habol sayo, siguro panahon na 'to para turuan ang sarili kong mabuhay ng wala ka sa buhay ko." seryosong bulalas niya saka ako tinalikuran naiwan akong nakanganga ng marahan sa simabi niya, b-bat parang gusto ko siyang habulin at mag makaawang huwag gawin iyon?

Aeyjie's Pov

"Manager naman hindi ako pwedeng mapako dito sa trabaho aba tao rin ako Manager maawa ka naman!" sigaw ko sa Manager namin ni EL, nakaka-asar na yan gustong gusto ko ng sumunod kay EL sa pinas

"Aeyjie napag-usapan na naten to diba? Hindi ka pwedeng umalis hanggat walang nakakapalit sa pwesto ni Lorraine----

"BAT PA KASI MAG HAHANAP NG KAPALIT EH BABALIK NAMAN SIYA?!" asar na sigaw ko, napa buntong hininga na lang si Manager saka binuklat ang mga folder na nasa harapan niya

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon