Chapter 25

3.2K 150 76
                                    

Masyadong natagalan pasensya na.. Enjoy this chapter.

Chapter 25
The Prison

Kurt's Pov

"Sir, Maam pwede ho bang makisama kayo oh? Pinapahirapan niyo kami eh marami pa kaming trabaho na tatapusin." ani ng pulis na nasa harapan namin

"Sir maniwala kayo hindi ako nagdru-drugs, nagyo-yosi baka nga pero drugs? Sir naman matino akong tao----

"Hindi ka mukhang matino sir pasensya na pero mukha kayong mayamang adik." putol sakin ng pulis

Nagtiim ang panga ko sa sinabi nito. Mayamang a-adik? Aba nakuha niya pangang-insulto. Tanggalan ko kaya 'to ng trabaho?!

"A-Ah sir ahm nagsasabi po siya ng totoo. Ah hindi po siya nagdru-drugs sinabi ko lang yon para hindi siya matuloy sa pag-alis niya." singit ni Ayumi na katabi ko, binigyan ko siya ng sobrang sama na tingin

Bwisit na babae 'to dahil sakaniya nasayang yung ticket na binili ko! Kung hindi lang sana siya gumawa ng gulo sa airport malamang nasa himpapawid na ako at nagre-relax. Darn it! Ansarap niyang sapakin.

"Maam alam niyo naman hindi magandang biro iyon hindi niyo ba alam na pwede kayong makasuhan sa ginawa niyo? Kahit naba ginawa niyo yon para hindi makaalis ang boypren niyo, hindi iyon magandang biro kasi nakaka-agrabyado kayo. Hindi ho muna namin kayo papakawalan hanggat hindi na co-comfirm ang drug test niyo."

Tumayo na ito saka sinara ang selda. Oo nasa loob kami ng kulungan ngayon, nasa loob ako ng selda na ngi sa panaginip ko hindi ko inaasahan. Nasa kulungan ako pero wala akong ginawang katarantaduhan. Kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'to! Masyado siyang desperada punong-puno na ako sakaniya damn it.

"Baliw kaba huh?!" malakas na sigaw ko sakaniya

Yumuko naman ito na tila animo'y umiiwas. Huh! Asa? Iwas hell no.

"Hindi mo ba alam kung anong gulo tong pinasok mo?! At sinabit mo pa talaga ako! Damn it Ayumi sumosobra kana!! Hanggang saan ba ang pasensya mo huh? Kelan kaba titigil?!" sigaw ko sakaniya

"K-Kurt naman hindi ko naman gusto tong nangyayare sorry na gusto ko lang naman na----

"SORRY?! SORRY?! SORRY LANG LAHAT NG TO?! DAHIL SAYO NAGKA-RECORD AKO AT NAKAPASOK AKO SA PRESINTO DAHIL SAYO KAHIT WALA NAMAN AKONG GINAWANG KATARANTADUHAN? BAKIT DAHIL GUSTO MONG PIGILAN AKO SA PAG-ALIS? HINDI KO ALAM KUNG PAANO MO NALAMAN NA AALIS NA KAMI SA PINAS BUT I DON'T FVCKIN CARE ANG PROBLEMA KO NGAYON IS ITO! DAMN IT!" sigaw ko saka sinipa ang rehas

Napa-upo naman ito saka tinakpan ang mukha niya. Tas siya ngayon ang iiyak? Kingina talaga oh. Ako nanaman ang magmumukhang masama dito? Darn. Ako na lang lage ako na lang.

"HAY MGA LALAKE TALAGA MGA GAGO!" sigaw ng babaeng nakakulong sa kabilang selda

"WAG MONG LAHATIN! HINDI KAMI PARE-PAREHO!!" sigaw pabalik ng lalaki sa kabilang selda

"OO NGA PALA! HINDI KAYO PAREHO KASI IBA-IBA ANG STYLE NIYO! TSE!"

Napa-pikit ako ng mariin saka muling hinarap ang labas ng selda. Hindi pa rin ako makapaniwala, ano na lang ang sasabihin ni mom and dad pag mabalitaan nila tong nangyare ngayon?

"KURT! OH MY GOD! KURT WHERE ARE YOU!!"

"MAAM HINDI PO KAYO PWEDENG PUMASOK DITO!"

"KURT!"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni mom. What the hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang balita! Dang. Ano na lang ang idadahilan ko dito?!

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon