Chapter 12

3.4K 132 26
                                    

A/N: Gagawan ko po ng story si Migs at si Kate hindi ko pa lang sure kung kelan ko ipu-publish hehe. :)

Chapter 12
I'm Hurt Too

Kurt's Pov

Seryoso akong nagdri-drive habang ang ingay naman nila Phenix sa likod kinukulit kasi nila si Ayumi na nandito sa tabi ko. Bat pa kasi siya sumabay hindi ba siya naiilang na puro lalaki ang kasama niya saka hindi niya pa ganon kakilala tong tatlo hindi naman sa may masamang intensyon sakaniya ang mga kaibigan ko pero parang ambilis naman ata niyang magtiwala?

"So Ayumi nagkaboyfriend kana ba?" usisa ni Phenix sakaniya gawa para mapatingin ako kay Ayumi saka muling binalik ang tingin ko sa daan

"What a stupid question Phenix! Malamang nagka-boyfriend na si Ayu ang ganda-ganda kaya niya." bulalas ni Venus saka nagpa-cute, ngumisi naman si Ayu. Tss may pagka flirt rin tong babaitang to eh

"So single ka?" seryosong tanong ni Real kaya napakunot ang noo ko, kelan pa nakisali tong si Real sa dalawang abnormal nato?

"U-Uhh yes?" sagot ni Ayu, napa-irap na lang ako. Hindi sigurado sa tanong niya kasi may Aeyjie siya isama mo yung mayabang na supladong si Rayen o Rhight na yun! Tssk.

"Ohh..Gusto ko sanang mag-apply you know, lahat gagaw----

"Stop it Phenix, tinatakot mo siya." gatol ko sakanila kaya napansin ko naman ang paglingon saakin ni Ayu

"Wag kang mag-assume, pinapaasa mo lang ang kaibigan ko." masungit na bulalas ko habang nakatingin sa daan, narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito

"I wonder kung ilan at sino ang naging ex mo hindi sa umiiterap ako sa lovelife mo ah pero parang answerte ng naging ex mo eh, you know... Maganda, Sexy, Model, tas mabait pa. Nasayo na ang lahat." seryosong puri ni Phenix, napa-iling na lang ako

"Oo nga eh ang swerte nung ex ko kasing naging boyfriend ko siya. Kaso masyado siyang tanga kasi pinakawalan niya ang isang Ayumi Jones."

Napabusina ako ng wala sa oras nananadya ba tong babaitang to? Iritado ko siyang tinignan saka huminga ng malalim at muling umayos sa pagdri-drive.

"Ano bang nangyayare sayo Kurt! Ayos ka lang ba jusko ayoko pang mamatay ako na nga ang magdri-drive!" bulyaw ni Phenix

"Stupid, you don't know the way." sabat sakaniya ni Venus

"Stupid ka rin uso ang GPS!" bulyaw ni Phenix

"Talagang sinisi mo pa yung ex mo ah, at wow siya pa tong tinawag mong tanga. Baka nakakalimutan mo ikaw yung unang nagkamali, ginawa mo lang aso yung ex mo. Pinahabol-habol at pinaasa-asa." ani ko habang seryosong nakatingin sa daan

"Ginawang aso? Siguro nga ginawa ko siyang aso pero ngayon mukhang ako nanaman ang tuta niya ngayon totoo nga yung sinabi ng iba, bilog ang mundo at mukhang kabayaran ko nato sa ex ko. Kasi ako nanaman ang maghahabol, aasa sakaniya ako nanaman ang tatanggap ng masasakit na sagot niya sa tanong kong Mahal mo ba ako? Ako nanaman ang magpapakatanga. Kaya wag mo sabihing kaawa-awa ang ex ko dahil pareho lang kaming nagpapakatanga sa isa't-isa."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Sa dami mong sinabi nakakatawa ka, bakit na sure mo na bang ayos lang sa ex mo na bumalik ka sakaniya? Paano kung ayaw na sayo ng ex mo, teka diba sinabi niyang naka move on na siya sayo? So bat kapa naghahabol, gusto mo rin talagang maging totoong aso no? Alam mo advice ko lang huh bilang kaibigan ko. Wag mong ipagsisik-sikan ang sarili mo sa ex mo dahil sure ako wala na siyang panahon sayo."

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon