"Yes, sipag nila ano?" natatawang sagot ko. 

"Ang dami nyo pong magkakapatid." nakakunot noong sagot nya. Hindi ko napansin sa kanya ang inggit na marami kaming magkakapatid. Nasabi sakin ni Lorenzo na ayaw na nyang magkaanak pa si Maru dahil nahihirapan itong manganak, baka ikabuwis buhay pa ni Maru at ng magiging anak nila kung pipilitin pa nilang magkaanak. Kaya hindi ko nakikitaan ng inggit si Kevin na sya lang ang anak nila Lorenzo.

Nakarinig kami ni Kevin ng kalagpag sa itaas ng bahay na parang nagmamadali. Siguradong si Lorenzo 'yon dahil mala-late na sya kung hindi pa sya kikilos. Saktong dumating na ang delivery boy ng Mcdo kaya may pagkain na kami. Inayos ko ang pagkain para makakain na kami.

"I have to go na. Mala-late na ako" nagmamadaling lumapit samin si Lorenzo. Humalik sya sa pisngi ni Kevin.

"Daddy, si Mommy po?" tanong ni Kevin na nagpatigil kay Lorenzo. Napabuntong hininga sya bago sagutin si Kevin.

"Kasama ng Ninang Jelly mo pero nasa shop na ngayon 'yon. Kung gusto mo, puntahan mo sya mamaya tutal wala ka naman pasok ngayon." sabi ni Lorenzo.

"Nag-away po kayo?" napatingin ako kay Kevin.

Tama nga si Lorenzo, matalinong bata si Kevin. Alam nya kung ano ang nangyayari. Katulad kahapon, habang naglalaro kami ng chess ay napansin ko syang nakatingin sa itaas, nung una hindi ko alam kung bakit sya nakatingin doon pero nung marinig ko ang sigaw ni Maru ay alam ko na, na nag-aaway sila ni Lorenzo at nag-aalala si Kevin dahil doon.

"No, of course. Bakit naman kami mag-aaway ng Mommy mo?" tanong ni Kevin. Humigop ako ng kape ko.

"Bakit po umiiyak si Mommy?" balik na tanong nya sa Daddy nya. Napatigil muli si Lorenzo dahil doon. Sa tingin ko nakakahalata na si Kevin sa nangyayari.

"I have to go na. Behave to your Tita Acey, okay?" pag-iiwas ni Lorenzo. Hinalikan nya si Kevin sa noo bago lumabas ng kusina.

Tinignan ko si Kevin. Nakayuko sya dahil wala syang nakuhang sagot sa Daddy nya.

"Kain na, little boy. Pupuntahan natin ang Mommy mo." sabi ko na lang para gumaan ng loob nya. Ayokong makitang malungkot si Kevin.

"Tita, ayokong nakikitang malungkot si Mommy." malungkot na sabi nya. Hindi ako nakasagot agad.

"Then let's make her happy." sabi ko.

"Paano po?"

"Hmm...dalawin natin sya sa shop nya tapos invite natin syang lumabas?" suggestion ko. Hindi ko alam kung paano papasayahin ang Mommy nya lalo na mainit dugo non sakin.

"Sige po! tapos punta tayo sa bookstore. Mahilig sa libro si Mommy." sabi nya. Mabuti naman ngumiti na sya.

"Good. Kumain ka na dyan para mapuntahan na natin ang Mommy mo." sabi ko.

"Opo!" excited na sagot nya. Gustong gusto nya talagang pasayahin ang Mommy nya.

Nagpaalam na muna ako saglit sa kanya. Tinawagan ko ang secretary ko para sabihin sa kanya na i-cancel lahat ng meetings ko at appointment ko ngayong araw dahil hindi ako papasok ngayon.

Pagkatapos naming mag-usap ng secretary ko ay napatingin ako sa isang picture frame na nakasabit sa pader. Family picture nila, lahat sila nakangiti lalo na si Kevin na sobrang laki ng ngiti. Tumingin ako sa ibang picture frame. Tumigil ako sa picture frame na si Maru lang nandon. Hindi ito nakatingin sa camera, stolen shot kung baga, nakatingin sya sa magandang view ng dagat habang nililipad ang buhok nya dahil sa hangin. Ang ganda ng pagkakuha ng picture nya dito.

"Ang ganda ni Mommy 'no?" nagulat ako nang biglang sumulpot si Kevin sa tabi ko. Tumingin ulit ako sa picture frame.

"Nah, she's cute." napangiti ako nang maalala ang nangyari kahapon. Ganon pala ang epekto nya sakin. Napangisi ako.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon