Childhood Sweethearts

7.1K 223 31
  • Dedicata a my bestfriend, Sam
                                    

Naexperience niyo na ba yung magkaron ng special someone na alam ng lahat na may something special sa inyo but at the same time alam din ng lahat na hindi naman kayo? Yung tipong kapag sinabi yung pangalan niya, kasunod na maiisip yung pangalan mo? Yung tipong connected kayo in a special way pero wala naman talaga kayong relationship? Yung tipong alam ng lahat na taken ka na niya at taken mo na siya pero walang official label na kayo talaga?

Well… Ako, naexperience ko na yun. Oo. Nung 6 years old pa lang ako.

Parati kong kalaro yung batang lalaki na yun. Kung asan ako, andun din siya and vice versa. Pero naku! Napakakulit ng batang yun! Takbo dito, takbo doon. Nahuhulog pa ung salawal niya sa pagtakbo niya.

"Raffy! wag kang tumakbo! nahuhulog ung shorts mo! kita ko na ung brief mo!" tumigil siya at humarap sakin.

 

"O! Para mas makita mo! Hahahaha!" tapos hinubad niya ung shorts niya.

 

"eww!" napatakip tuloy ako ng mga mata ko.

Napakapilyo nung batang yun. Andaming kalokohang nalalaman. Sumasakit nga ulo ko dun madalas e. Parati din kaming nag-aaway dahil sa mga kalokohan niya. Pano, laging ako ung nagiging subject ng mga kapilyuhan niya. Lagi akong nabibiktima.

Naalala ko nga, dati ginupitan niya ko ng buhok kasi kalbo siya. Dapat daw kalbo din ako para parehas daw kami. E siyempre ayoko makalbo, babae ako e. Hindi bagay. ayun. Umiyak ako ng umiyak kasi bako bako yung pagkakagupit niya sa buhok ko. Nagmukha akong manok. Tapos napalo siya ni mama niya.

Pero kahit parati kaming magkaaway, parati pa din kaming naglalaro. Wala din naman kasi akong choice. Magbestfriends ang mga mommy namin. Sa sobrang magbestfriends ng mga mommy namin pinangalanan siyang Rafael Christian. Rafael, galing sa pangalan ni daddy niya. Christian naman galing sa pangalan ni daddy ko. Ganun din naman sa case ko. Sabrina Therese. Sabrina kay mama; Therese kay Tita.

Pero kahit maloko yung si Raffy at lagi niya kong kinakawawa at inaaway, marami din naman siyang good qualities. Parang nung minsang pinaiyak ako nung bully na grade 3 sa school, siya yung nagpatahan sakin. Actually, sa tuwing umiiyak ako, pinapatahan niya ko.

“O. Ice cream o. Wag ka na umiyak. Naiiyak din ako pag umiiyak ka e.”at parati din niya kong binibigyan ng ice cream sa tuwing umiiyak ako.

Parati niya kong inaalagaan. Parati niya kong pinagtatanggol.

Kaya nga naging crush ko siya e. Tapos nalaman kong crush din pala niya ko kaya ganun.

Yung samin ni Raffy, yun yung matatawag kong puppy love. Yung tipo ng pagmamahal na light, walang masyadong drama. Innocent. The kind of love na kahit ilang taon pa ang magdaan, you’d always look back with a smile.

At si Raffy? Siya yung matatawag kong childhood sweetheart ko. Yung first love ko.

Pero umalis ang pamilya ni Raffy nung grade 2 kami. Nagmigrate sila sa America. Dun na siya nag-aral. Hanggang sa eto, sampung taon na ang nakakaraan at hindi na kami nagkita ulit.

Tinubuan na ko ng pimples. Nagkaron ng extra pair ng laman sa may dibdib ko. Umabot sa peak ng growth spurt ko tapos biglang hinto. Dumaan sa awkward stage ng buhay ko. In short, nagdalaga ako.

Malamang lamang, nagbinata na din si Raffy. Tapos laking amerika pa. Ano na kayang itsura niya? Kalbo pa din kaya siya? Chubby? O gwapong gwapo na? Naaalala pa kaya niya ko? Malamang hindi na. Sa dami ba naman ng amerikana dun.

May nadatnan akong kotse na nakaparada sa labas ng bahay namin. Mukhang may bisita si Mommy. Pagpasok ko ng bahay, sinalubong ako agad ni Mommy.

“Anak! Buti maaga kang umuwi.” Abot tenga ang ngiti ni Mommy. Tapos may isang babaeng familiar ang tumayo at bigla akong niyakap.

“Oh my god! You’re all grown up now! Ang pretty pretty mo na!” Nginitian ko yung babae pero napakunot ang noo sabay tingin kay mommy.

“Si Tita Tere mo yan! Hindi mo na naalala?” Natatawang sabi ni Mama nang magets niya yung tingin ko sakaniya.

But wait. Tita Tere? As in Tita Therese where they got my second name and who’s the mother of Raffy? As in Tita Tere?!

“Tita?! Hala! Sorry po! Bata pa kasi ako nung huli ko kayong nakita e.” Napakamot pa ko ng ulo.

“Kelan pa po kayo umuwi?” But wait ulit. Kung andito na sina Tita ibig sabihin…

“Last week lang, anak. Oh wait. RC! Come over here!” at isang lalaki ang lumabas mula sa kitchen namin. Tapos umakbay sakin si Tita at humarap kami dun sa lalaking mukhang suplado dahil hindi man lang ngumingiti.

“Do you still remember her? She’s Sab. You used to play with her when you were little.” Ilang minutong katahimikan.

Tapos boom! Ngumiti siya.

“Of course. How could I forget my first love?”

One Shot Short StoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora