Valentine's Day

16K 204 29
                                    

Valentine’s Day

Valentine’s Day. Maaga akong gumising. Halos hindi na nga ako nakatulog sa kaiisip sa araw na ‘to e. 6am palang nag-alarm na yung phone ko. Hindi ako bumangon agad. Naunahan kasi ako ng dorm mate kong may pasok ng 7am. Pinauna ko na siya since wala pa naman talaga akong klase at 10am pa talaga ang meeting time namin.

Pagtingin ko ulit sa phone ko, 7:23 am na.

Nakatulog pala ulit ako.

Naligo ako. Nagbihis. Nag-ayos ng buhok. Naglagay ng konting make-up.

Siyempre ayoko naman magmukhang losyang ngayong Valentine’s diba?

9:15 am na ko natapos. Masyado pang maaga yun para pumunta sa meeting place namin. So tumambay pa muna ako ng ilang minutes sa dorm. Nagsoundtrip. Nagbasa ng konting notes. Nagpalipas ng oras.

9:45 am na nang umalis ako ng dorm.

Andaming may hawak ng bouquet sa paligid ko. Mapalalaki o mapababae. Iba’t ibang klaseng bulaklak na may iba’t ibang kulay. Yung iba may kasama pang balloons. Yung iba, iba ang trip. Imbes na bouquet ng bulaklak, bouquet ng lollipop. Pabonggahan lang naman sila.

Nagtaka pa ako ano? Malamang lamang ganito nga ang atmosphere ngayon.

Valentine’s e.

Umupo ako sa isang vacant na bench sa meeting place namin.

Inilabas ko yung phone ko para magsoundtrip sana habang nag-iintay pero napadpad na din ako sa inbox ko at nabasa ang message niya.

Message: Feb. 14 ngayon. =) Happy Valentine’s Day!

 

Napailing ako ng ulo habang nakangiti. Itinago ko na yung phone ko at binuksan naman yung libro ko para magbasa. Nakakainip. Ang tagal niyang dumating.

Tapos biglang may huminto sa harap ko.

“Pia.” Siya. May hawak siyang bouquet ng red roses. Tulad ng karamihan sa mga lalaki ngayong araw.

Sinara ko ang libro ko at nginitian siya.

“Late ka na naman.” Ngumiti rin siya. Medyo napakamot pa sa ulo niya.

“Oo nga e. What’s new, right?” nagtitigan lang kami.

"You look beautiful today." Habang nakangiti.

May isang minute rin siguro yun. Ok lang naman. Para kasing wala rin naman kaming masasabi sa isa’t isa. So sapat na ang isang minutong titigan habang nakangiti. Dahil pagtapos ng isang minutong yun…

“Bryan!” Nabaling ang tingin niya sa taong tumawag na nasa likod ko.

 

“Tawag ka na ng girlfriend mo. Sige na. Ibigay mo na yan sakaniya.” Nakangiti ko pa ring sabi sakaniya.

“Masaya akong nagkita tayo ngayon.” Tinanguan ko lang siya at naglakad na rin siya palayo.

Niligpit ko na ang gamit ko at tumayo na sa bench na inuupuan ko dahil nakita ko nang kumaway ang bestfriend ko. Kami ang magkadate ngayon e. Pero bago pa man ako makalayo…

“Uhm… Pia.” Lumingon ako. Nakangiti parin siya.

“Happy… Valentine’s.” Nginitian ko lang siya at naglakad na rin ako palayo habang palapit naman siya sa girlfriend niya. Mukhang hanggang ngitian na lang talaga tayo.

 

 

“Happy Anniversary, Bryan. Supposedly.”

One Shot Short StoriesWhere stories live. Discover now