ONE SHOT: SIGNS

6.3K 193 30
                                    

Signs

Signs. I am a fan of asking for signs. Well, at least, I used to. When I’m confused and all, parati akong nanghihingi ng signs sa kung ano ba ang dapat kong gawin; sa kung ano ba ang nakatakdang mangyari despite everything that I’ll be doing. Siguro masasabi kong kaduwagan ang paghingi ng signs. Kaduwagan sa pagtake ng risk na magdesisyon on my own sa isang nakalilito at nakakalokang sitwasyon. Kaduwagan kasi naghahanap ka ng guarantee na magiging ok ang lahat. Sabi ng signs e.

Pero simula nung humingi ako ng sign kung si Nico pa rin ba ang “the one” ko kahit nagbreak na kami at naging positive lahat ng sangkatutak na signs na hiningi ko pero hindi pa rin naman kami nagkabalikan e tumigil na ko sa paniniwala. I just stopped asking for signs and started moving on. Parang… Sumuko na lang ako. Wala naman kasing mangyayari kung patuloy parin akong hihingi ng hihingi ng signs; kung patuloy kong iaasa ang lahat sa signs.

Because maybe the signs are telling that I should just move on.

Napabuntonghininga ako sabay tingin sa bintana ng fx na sinasakyan ko. Wala lang. The familiarity of the scene inside this vehicle is killing me! Hindi ko maiwasang maalala yung masasayang sandali namin ni Nico. Yung mga sandaling hinahatid pa niya ko hanggang bus station tuwing uuwi ako samin. Tapos kung makapalupot sakin kala mo wala nang bukas na may pasimple pang pagkiss sa buhok o sa noo or sa cheeks or sa…lips… paminsan minsan.

“Hay! Tumigil tigil ka nga, Katherine!” with matching pagsampal sampal pa yan sa mga pisngi ko at pailing iling ng ulo. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao dito sa fx. Akala ata nababaliw na ko. Well, hindi nga ba? haha!

Napatingin ako ulit sa labas ng bintana. Umuulan. Nainis naman ako bigla. Ayoko kasi talagang naglalakbay kapag umuulan. Buti kung nasa loob ka lang ng sasakyan buong byahe e kaso kung tulad ngayon na ilang sakayan pa ang kinakailangan ko sakyan na may patumawid tawid under the crying skies e never mind na lang. I hate it kapag nababasa yung paa ko pag naglalakad ako.

“Wag ka nang umasa, Katherine. Wala ka ng aasahan. Ilang buwan na kayong The End o. Unless tumigil yan nakakalecheng ulan na yan at wala nang ulan pagbaba ko sa fx na to.” Oops! Hindi ko na sinabi ng malakas yan. HAHA! Sinabi ko na lang yan sa utak ko at baka lumala ang hinala nilang baliw ako. Hahahaha!

Pero 5 minutes later…

Tumigil ang ulan at tuyong tuyo ang daan na tipong hindi naman umulan pagbaba ko ng fx.

“Ohkaaaay. Coincidence lang yun.” Nakakunot kong sabi sa sarili pagtapak ko sa harap ng terminal ng Jacliner. I wasn’t even asking for a sign. Joke lang kaya yun. Like hello? Joketime lang po.

Pumasok ako sa loob ng bus at umupo sa may malapit sa bintana.

“Mangyayari lang yun kapag nakakita ako ng 814 three times!” E mukhang nakikipaglaro sakin ang tadhana e. Edi makikipaglaro ako. :)

Kinuha ko yung phone ko at binuksan yung wifi habang naghihintay sa pag-alis nung bus. Well… Jacliner, the first with free wifi on the bus in the Phillipines, people. HAHA! Kaya lang paglitaw nung mga available wifi connections sa notifications ko…

JACLINER8807

JACLINER814

DLTB

CD-R KING CHUCHUNESS

Three times. Dapat three times.

In-off ko na yung wifi ko at wala rin namang kwenta. Andami ngang available wifi connections na sumulpot pero yung para sa bus na sinasakyan ko, wala. Pambihira. Sira ata. E hindi ko na ipinilit at nagsalpak na lang ng earphones sa tenga para magsoundtrip.

At well… alam niyo naman yung dramatic moment effect kapag may background music tapos biglang titingin sa bintana diba? Kaya yun lang naman ang ginawa ko. Pero syet. Saktong namataan ko yung buntot ng bus na papaalis na. Hulaan niyo lang naman yung nakalagay sa gilid ng bus na yun na nakita ko?

814

Edi fine. Nakakadalawa na. Pero kulang pa ng isa. Sabi ko three times e. At tutal mukhang medyo tinetest ako ng mga signs edi go. Madagdagan nga.

“Bukod sa pangatlong 814 na makikita ko dapat bago ko bumaba ng bus, dapat makakita din ako ng NO ENTRY.”

Nagdetour yung bus na sinasakyan ko at nakakita nga ako ng NO ENTRY sa daanan na yun. -_-

“E common sa daan yung mga NO ENTRY na sign e. Ano na lang pala, STAR ulit. gusto ko makakita ng star.” Kung hindi niyo na naitatanong e nahingi ko na tong sign na to dati pero pasko nun at tadtad ang parol everywhere. Pero… hindi na pasko ngayon at wala nang parol sa paligid =)

Soundtrip soundtrip lang ako hanggang makarating kami sa may Bicutan area. Medyo naglaro din ako sa phone ko. Nang tinamad na ko, tumanaw na naman ako sa bintana. Tapos nakakatawa na di ko maintindihan, nakita ko yung billboard na ang nakalagay e “TALK TO ME. -GOD” 

Ewan ko a. May kakaibang feeling kasi nung nakita ko yun e. Tipong parang sinasabi siya directly sakin. Yung ganun. Kaya naman ako e napa “Lord?” na lang sa sarili ko.

Pagpasok namin ng SLEX, napansin ko yung isa na namang billboard na tila continuation nung billboard na talk to me –God. Di ko maalala yung exact words na nakalagay pero ang meaning e parang maniwala lang ako dahil parang “God makes it happen even if there seems to be no way.” something like that. Basta parang ganun. Natawa na nga lang ako pagkabasa ko nun e.

Tapos kaloka lang. Parang nagslowmo ang paligid nung exact moment na nadaanan namin yung CALTEX na STAR lang naman ang logo. Meron pang word na STAR dun sa baba nung CALTEX at ng logo. Nakakaloko na a.

But then again, hindi ko pa din nakikita yung pangatlong 814 at malapit na kong bumaba ng bus. mukhang sasablay na a.

Tapos biglang dumaan yung SAME Jacliner bus na may nakalagay na 814 sa dulo.

Natigilan ako. The signs. Positive na naman lahat. Nakakatuwa. Nakakaenjoy kaya. Pero kahit ilang signs pa ang matupad, hindi na ko magpapakatanga ulit. Hindi na ko magpapakagaga na umasang magkakabalikan pa kami. Kailangan ko nang gumising sa katotohanan na kahit anong positive result na makuha ko sa mga signs, kung hindi naman talaga kami para sa isa’t isa, wala din.

Hindi na ko naniniwala sa signs.

Pero sige. I’ll give one LAST shot sa mga signs. Maniniwala lang ako ulit kapag kay Nico ko na mismo nakita yung sign na siya pa rin pala ang “The One.” But until then, I’ll continue moving on.

“Excuse me, Miss.” Nagulat ako nang bigla akong iapproach nitong babae na may hawak na DSLR habang nakaupo ako sa Plaza Mayor.

“Uhm… Busy po ba kayo?” Magalang na tanong nung babae.

“Hindi naman. Bakit? Ano yun?” Sinara ko yung libro na binabasa ko.

“Para lang po sa project namin. Kung ok lang sayo. Magpapapicture lang sana kasama yung blockmate ko.” Sabay turo niya sa isang lalaki na may hawak na plaque card na “Free Hugs”

Paglapit nung lalaki samin, napansin ko agad yung suot niyang kwintas. Word na SIGN yung pendant. Napatingin din ako sa nakasulat sa T-shirt niya. “THE ONE” lang naman kasi yung nakasulat dun. Napakunot tuloy yung noo ko.

“Ok lang ba sayo, Ate?” Ngumiti naman ako.

“Sure. Sure.” Tapos ngumiti din silang dalawa.

“Ay siya nga pala, ako si Sheryll. At siya naman si Nico.” A-ano daw?

“N-Nico?” Ngumiti yung lalaki.

“Yep. Niko. Niko with a K.”

One Shot Short StoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin