Captured

4.5K 153 7
                                    

Captured

“Hoy, Danilo Castrillo, magtigil ka nga diyan. Nababakla ka na naman.” Binato ako ni Rixx ng bola ng basketball habang nagtawanan naman yung mga team mates ko.

“Oo nga. E torpe e. Tsk tsk.” ‘Tong si Miguelito, nang gatong pa.

“Hindi ako torpe a. Tumatiming lang.” Depensa ko naman sa sarili ko.

“Oo nga naman. Tumatiming lang naman siya. Tatlong taon na nga lang na tumatiming.” At nagtawanan ang lahat ng nilalang dito sa locker room.

Haay... Pinagtutulungan na naman ako ng mga kumag na ito.

“Hahaha! Pabayaan na nga natin ‘tong si Daniel boy. Alam naman nating kinakabahan lang yan sa pagtatapat niya mamaya e.” Sabay sabay na nagtanguan yung team mates ko habang mga nakangiting aso.

“Hindi ako kinakabahan a. Chill lang kaya ako. Ako? Kakabahan? Sus!” Natatawang nagtinginan sila sa isa’t isa pero walang umimik at panandaliang natahimik ang buong locker room.

Panandalian kasi ilang segunda lang...

“Pero tingin niyo sisiputin niya ko mamaya?” At nagwala na po sa pagtawa mga kaibigan ang kalalakihang bumubuo sa basketball team na ito.

“Di pala kinakabahan a.” Sabay tapik ni Rixx sa balikat ko habang pailing iling.

Oo na. Oo na. Kinakabahan na ko. Torpe na ko. At tatlong taon na kong tumatiming para lang magtapat dun sa babaeng gustong gusto ko. Sa sobrang pagkagusto ko sa babaeng ‘to, parang understatement ang salitang gusto. Love? Siguro yun ang mas tamang salitang gamitin. Kahit medyo cheesy.

Hindi ko malilimutan yung unang beses ko siyang nakita. Nasa kalagitnaan ako ng basketball game nun e. Nasa climax na ng laro at dahil may pagka engot ako, nakapuntos yung kalaban namin nang dahil sakin.

“HOY! NUMBER 14! UMAYOS KA NGAAAA!”

 

Para akong nagising nung marinig ko yung boses niya. Dahil saktong tumawag naman ng time out yung coach namin, napatingin ako sa kaniya. Parang huminto yung oras nun e. Parang biglang nawala sa eksena yung isang daang nilalang na nasa paligid namin. Parang biglang kaming dalawa lang yung tao sa mundo.

Nginitian ko siya. Ang cute kasi ng itsura niya e. Sayang nga lang at basketball player ako ngayon at hindi photographer. Parang ang ganda sanang kunan ng picture nung itsura niya e. Pati parang medyo nahiya ako kasi may nanonood nga pala samin na gustong manalo yung team namin tapos eengot engot ako.

Kaya matapos nun, ginalingan ko na yung paglalaro ko at sa awa ng Diyos e nanalo yung team namin. Simula nung araw na yun, parati ko nang ginagalingan yung paglalaro ko ng basketball dahil tuwing eengot engot ako, naririnig ko yung boses niya at naalala ko yung cute niyang mukha.

Simula rin nung araw na yun, hindi lang ako basketball player slash photographer. Naging instant stalker din niya ako dahil lagi ko siyang kinukuhanan ng picture kapag may chance. Pero siyempre di niya yun alam. Nakakahiya kasi e.

One Shot Short StoriesWhere stories live. Discover now