이십 일 (isib il)

Começar do início
                                    

Pinilit kong silipin sila Two, kaso agad itong nawala. Nakaalis agad? Grabe, talagang pinaubaya na nila ako kay Caiden.

"I'd like to introduce you to my mom!"

"I'd like to introduce you to my mom!"

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.





PAGTUNGTONG ko sa door step ng bahay nila Caiden. Halos maghuromentado ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi nga ako nakatulog buong biyahe, iniisip ko kasi kung ano ang sasabihin ko sa mama niya. Paanong approach ang gagawin? Dapat bang feeling close agad o ubod ng bait? Naisip ko ring bumili ng pasalubong, kaso sabi ni Caiden huwag na raw.

Nahigit ko ang hininga noong pihitin ni Caiden ang door knob. Eto na! Lord, kayo na pong bahala sa akin.

"Caiden, sweet heart! Ikaw na ba 'yan?"

Nasalo ko ang dibdib noong dumagundong iyon. Bakit pakiwari ko boses palang ng mommy niya, papanawan na ako ng ulirat? Agad akong kumapit sa kamay ni Caiden. Kahit sa huling pagkakataon, gusto kong humugot ng lakas sa kanya.

Hinigit niya ako para ikulong sa mga bisig niya. His smell ease my nervousness. Kahit papaano, nagpapasalamat akong taliwas ang impression ko sa kanya sa katotohanan. He's cold outside but sweet and caring inside. He caressed my face, "Calm down, Angel! She's not what you think." Nag-aalangan akong tumango, pilit na kinakabahan kahit anong pilit niyang sabihin na Calm down.

Magkasabay kaming tumayo ni Caiden, nang marinig ang yabag ng mommy niya mula sa likuran. Mabilis itong nakalapit para ipatong ang dalang juice sa mesa. Inusog niya iyon sa tapat ko matapos ay tumingin sa akin – natigilan at natulala.

"Angel? / Doktora?" magkasabay naming wika, kapwa naguguluhan. Hindi ako pwedeng magkamali. Patungan lang ng white uniform ang suot nitong dress at itali ang nakalugay na buhok. Siya nga!

Lumapit ito para haplusin ang pisngi ko. Tulala kong minasdan ang pigura niya. Shit, Angelika! Ang laki nang pagkakahawig nila ni Caiden. Bakit hindi mo manlang napansin? Halos dito nga niya nakuha ang manipis na labi at magandang mata.

Sabay kaming lumingon kay Caiden. Tumatawa kasi ito. Parang may nakikitang katawa-tawa, samantalang kami ay parehas nagulat.

"Mom, I'd like you to meet my Angel."

Tumingin agad ako sa mommy niya. I want to see her reaction.

It was still stunned, suddenly she reach my cheek then pinched it. Magkahalong saya at sakit ang naramdaman ko sa ginawa niya. "Hulog ka talaga ng langit!" biro nito na ikinahagikgik ko.

"Grabe si Satan lang 'yung Anghel na nahulog. Bad girl ako pero hindi pure," patol ko sa biro niya matapos ay muling tumawa.

Pinindot nito ang ilong ko. "Bakit hindi ka na nagagawi sa clinic ko? Nakakatampo! Kinalimutan mo na agad ako."

Curious Onde histórias criam vida. Descubra agora